TRESE written by Lenin Zulueta

Ang pangalan ng mga tauhan at mga pangyayari sa kwentong ito ay pawang kathang isip lamang ng may akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kuwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot ang tagapaglathala.


....................................................................................................................

"BINGO!" malakas na sigaw ng isang mamang lalaki habang nagsusugal sa burol ng namayapang pinsan ni Trevor, si Tebong. Namatay si Tebong nang siya ay matamaan ng isang ligaw na bala habang naglalaro sa palayan. Nang matamaan, may nakakitang isang magsasaka at tsaka dinala sa ospital. Mabilis namang kumalat ang balita at nalaman ni Trevor kung anong nangyari. Pinuntahan niya agad ito sa ospital ngunit hindi na niya naabutang buhay ang kanyang pinsan. Umiiyak si Trevor habang minamasdan niyang tinatakpan ng tela ang buong katawan ni Tebong. Marami ang nalungkot at nagalit sa nangyari.

Hinanap niya ang salarin sa nangyaring krimen. Ipinaubaya niya sa mga pulis ang nangayare. Ngunit di nagtagal, wala silang nakalap na ebidensya, pero isa lang ang tanong sa krimeng ito. Ipinahanap niya sa mga pulis kung sino ang mga kaaway niya ngunit wala naman daw siyang kagalit. Lahat ay kaibigan niya, at meron siyang BESPREN na si Dindo. Napag-alaman ni Trevor na magkaaway pala ang mga magulang ni Tebong at Dindo. Hindi malaman kung anong pinagmulan ng away pero may mga amo silang sinusunod na magkagalit din. Sila ang ginagamit sa tuwing may pagkakataong gumanti ang mga amo ng mga magulang ni Tebong at Dindo. Magkapatid kasi ang dalawang amo at magkaaway sa yamang hindi na-ipamana ng kanilang magulang. Kaya naman hindi nila masabing ligaw na bala ang tumama kay Tebong. Parang gustong gumanti ni Trevor sa nangyari sa kanyang pinsan. Tinuring na rin niya itong parang kapatid dahil nag-iisa lang siyang anak. Balak niyang hanapin kung sino ang may sala at may kagagawan ng krimeng ito. Napuno ng galit at lungkot ang kanyang puso. Si Tebong na lang ang natitira niyang kamag-anak dahil pumanaw na ang mga magulang niya.


....................................................................................................................

Pagala-gala na lang si Trevor ngayon. Wala na siyang ibang matitirhan. Galit sa kanya ang mga magulang ni Tebong kaya hindi ito pinatutuloy sa kanilang tahanan. Habang nakaupo sa isang gilid sa kalsada at lumuluha, naalala niya ang mga pinag-samahan nila ni Tebong. Mga masasayang araw na magkasama sila habang naglalaro. May tatlong lalaking naka-itim na lumapit sa kanya at bigla siyang kinaladkad papunta sa isang Van.

"Saan niyo ako dadalhin?" tanong niya habang pumupumiglas sa higpit ng hawak ng tatlo.
"Basta sumama ka na lang sa amin, pinapatawag ka ni Boss Zerdoga" ani ng isa habang nasa van.
"Boss ano?". Bigla siyang tinakpan ng panyo hanggang sa mahimatay.

Pag dating sa isang malaking Warehouse, dinala na si Trevor sa loob at ipinakilala sa kanilang boss. Ginising muna nila bago humarap si Boss Zerdoga sa kanyang Swivel chair.

"Gising na, kumag! nandito ka na", nagising sa gulat si Trevor at humihingal sa pagod.
"Nasan ba talaga ako? Sino ba kasi kayo? Ano bang kailangan niyo saken?", bigla namang humarap si Boss Zerdoga sa kanya at nagsabing, "Nandito ka ngayon sa Black Company, kung saan walang ibang nakakaalam ang lugar na ito. Sana maintindihan mo kung bakit ka nandito ngayon, kailangan ka namin."

"At bakit niyo naman ako kailangan? ano bang alam niyo sa akin? isa na lang akong sawing panget! hindi niyo ba nakikita ang itsura ko ngayon? nag-iisa na lang ako sa buhay at gusto ko nang mamatay!"

Natawa si Boss Zerdoga, "Easy ka lang kid, wag ka munang magmadali sa buhay mo ngayon. Hindi naman kita sasaktan eh. Actually, nag-iisa ka na nga sa buhay mo at wala ka nang ibang matitirhan. Ang isang batang katulad mo ay kayang-kaya kong pakainin ng tatlong beses, isang araw. Kayang-kaya kong bilhin ang lahat ng gusto. Tanong ko lang sayo, payag ka bang sumama sa amin at yun ang mangyari sayo?" sabay higop sa kape.

"Totoo ba yang mga sinasabi mo?" sabi ni Trevor
"Oo naman, sagutin mo ang tanong ko, payag ka bang sumama sa amin?" tanong ni Boss Zerdoga.
"Sige, sasama ako sa inyo. Pero sa isang kondisyon..." sabi ni Trevor
"Ano yun?" tanong ni Boss Zerdoga. "uhhmm... gusto ko pakainin mo ako ng Fried Chicken at habang kumakain ako, bumili na kayo ng mga bago kong damit", utos ni Trevor
"Walang problema, boys! let him cook fried chicken and while he is eating, please buy him a new clothes, here is the money, that is $10,000 dollars. Make sure that the clothes are clean and neat. Do you understand?" sabi ni Boss Zerdoga.
"Wow! Ang galing niyo pa lang mag-english at mayaman ka pala. Biruin mo, para lang sa akin gagastos ka ng $10,000 at dollars pa! Siguradong magiging masarp buhay ko neto", tuwang-tuwang sabi ni Trevor.
"Wag kang pakasaya, Trevor. May purpose kung bakit kita pinapakain at binibilhan ng mga damit".
"Anong purpose? Ano yun?", tanong ni Trevor.
"Dahilan, may dahilan kung bakit kita pinapasaya ng ganito upang ganahan ka sa...... pag-usapan na lang natin to pagkatapos mong kumain." sabi ni Boss Zerdoga. Biglang napaisip si Trevor, nagtataka kung ano ang dahilang sasabihin ni Boss Zerdoga. Hindi niya na muna iyon inisip, kumain na lamang siya ng paborito niyang pagkain, ang fried chicken. Tuwang-tuwa rin siya sa damit na ibinigay sa kanya na sobrang mamahalin. Biglang nawala ang lungkot at galit sa kanyang puso.


....................................................................................................................

Habang nagpapahinga si Trevor sa sofa, biglang lumapit si Boss Zerdoga sa kanya at tumabi sa kanya. Bigla namang umayos ang upo niya at kinausap siya ni Boss Zerdoga.

"Trevor, may lihim at dahilan ako sayong sasabihin."
"Ano po iyon? kanina ko pa nga po iniisip kung ano yung dahilang yon eh", sagot niya.
"Ang lihim ay kami ay mga agents at kami ang nagreresolba sa mga mission namin dito. Kailangan ka namin. Alam ko kung ano ang mga nangyayari sa buhay mo, matagal na namin kitang sinusubaybayan hanggang sa paglaki mo. At kilala ko ang tatay mo", sabi ni Boss Zerdoga.
"K-kilala niyo kung sino ang tatay ko? alam niyo po ba kung nasan siya ngayon?" tanong ni Trevor.
"Ang totoo niyan dinukot siya ng mga kaaway naming bampira, ang Mastyria Movement. Pinaamin nila  ang tatay mo kung nasan ang kuta natin. Ngunit hindi niya sinagot ang tanong kaya mas pinili niya na lang na patayin siya kesa pahirapang ilublob sa kumukulong tubig", tugon ni Boss Zerdoga.
"Ha! ibig sabihin patay na ang tatay ko? magbabayad sila saken!", galit na galit na sagot ni Trevor.
"Kaya naman dinala ka namin dito upang maghiganti, pero hindi pa ngayon. Kailangan mo munang mag-ensayo bago ka sumabak sa laban", utos ni Boss Zerdoga.
"Sige, simulan na natin ngayon!" pasigaw na sabi ni Trevor.
"Sandale! hindi ganun kadale ang mga ensayong kailangan mong harapin sa inaakala mo. Humanda ka dahil bukas na natin sisimulan ang training, maliwanag ba?", tanong ni Boss Zerdoga.
"Opo! (kailangan kong ipaghiganti ang tatay ko, ilang buhay na ang nawala sa piling ko kaya panahon na para lumaban)", sagot sa isip ni Trevor.

Pinatulog siya ng maaga, dahil gigising siya ng madaling araw upang simulan ang kanyang ensayo. Medyo hirap din siyang gumising dahil hindi siya sanay kumilos pag madaling araw. Mahinang-mahina at parang tamadn na tamad si Trevor habang nagsasalita ang kanyang Trainer at habang nanunuod si Boss Zerdoga sa kanya.

...............................................................................................................


Samantala sa kampo ng Mastyria Movement, isang lalaking nakadapa at umiiyak ang nasa harapan ng pinuno at pinahihirapan. Hinahampas ng latigong may tinik habang ang mga tauhan neto ay nagtatawanan habang minamasdan ang pagpapahirap sa lalake.

"Boss Myrro, mukang pwede na natin yang pampulutan", sabi ng isa niyang tauhan habang tumatawa pa ang iba.
"Maghintay ka, marami pa tayong iinuming dugo ngayong gabi", sagot ni Boss Myrro.

Biglang bumukas ang pinto, ang kanyang tagapagbantay na si Roberto ay may dala-dalang isang lalake.

"Boss Myrro, anong gagawin natin dito? Trespassing siya sa gate naten".
"Anong pangalan mo bata?" tanong ni Boss Myrro.
"Ako po si Michael, wag niyo po akong sasaktan!" takot na takot nyang sabi.
"Dalhin siya sa sala ko", utos ni Boss Myrro.
"Pero boss, trespassing siya, kailangan natin syang patayin, baka may makaalam sa lugar natin ngayon."
"Ako ang masusunod dito kaya wag mo akong pangunahan! Dalhin niyo na siya sa kwarto ko", utos ulit ni Boss Myrro.
"Huh san niyo ko dadalhin? bitawan niyo ako! ayoko dito! ayoko ditooo!!" pagmamakaawang sigaw ni Michael.

Samantala sa Black Company, tulog pa rin ang utak ni Trevor sa training. Ginigising na siya ni Sir Luis, ang kanyang trainer pero bumagsak lang ito sa sahig at ipinagpatuloy ang tulog. Binuhat si Trevor sa isang kwarto at inilagay sa isang upuang may kuryente.

"Pagbilang kong tatlo, kuryentehin niyo lang ng mahina si Trevor nang magising siya" utos ni Boss Zerdoga.
"Sige po, handa na kami", sagot ng kanyang tauhan.
"isa... dalawa... tatlo!", biglang nanginig sandali si Trevor at nagising sa sakit.
"Anong nangyare? Ba't nandito ako? Ano na naman ba to?" nagtatakang tanong ni Trevor.
"Naghihintay na ang Trainer mo, sige na puntahan mo na" utos ni Boss Zerdoga.

Nagmadaling tumakbo si Trevor kay Sir Luis upang simulan ang kanyang ensayo. Hirap na hirap sumabay si Trevor sa mga pinaggagagawa ni Sir Luis. Simpleng suntok at tadyak ay hindi niya magawa dahil hinang-hina pa siya at hindi pa kumakain.

"Ang hirap ng training! Gusto ko munang kumain, tigil muna natin to", sabi ni Trevor.
"Hindi pwede, hindi ka pa nangangalahating oras eh gutom ka na agad. Hindi, hindi pwede yan".
"Sobra naman kayo. Eh paano pa ako makaka-concentrate niyan eh nag-iingay na tong tiyan ko?"
"Tsk, hay nako, sige na nga, bilisan mong kumain dahil buong araw ka ngayon".
"HA! Anong? bakit? pano? buong araw? nagbibiro ba kayo? tingin niyo kakayanin ng katawan ko ang buong araw na training? kailangan ko rin ng tulog no!"
"Malamang matutulog ka rin, sinabi ko bang buong oras? sige na kumain ka na at maya-maya itutuloy natin ang ensayo, maliwanag ba?"

Hindi na sumagot si Trevor, patuloy lang siyang tumatakbo papuntang kusina upang maghanap ng kakainin. At habang kumakain, lumapit si Boss Verdago sa kanya. Umupo sa tabi niya, laking gulat ni Trevor nang makita neto na nasa tabi na niya pala si Boss Zerdoga.

"Kamusta ang training mo?", tanong ni Boss Zerdoga.
"Ayun, tama nga pala kayo, mahirap nga talaga ang training ko ngayon."
"Alam mo Trevor, iyan ay ang unang pagsubok ko sayo"
"HA! ibig sabihin may susunod pa akong dadaanang training bago matapos?"
"Oo, pagkatapos mong matuto ng Martial Arts, isasabak naman kita sa paggamit ng baril at kutsilyo. Sunod eh tuturuan ka naman ng mga Strategy sa pagpatay ng mga kalaban. At ang panghuling-huli, ipapasugod kita sa kampo ng Mystria Movement."
"Aah, madali lang ba ang paggamit ng baril?", sabay subo ng pagkain.
"Actually, iyon ang pinakamahirap mong gagawin dahil hindi lang isang simpleng baril ang gagamitin mo. Kaya dapat mong tapusin ang una kong pagsubok sayo."

Umalis na si Boss Zerdoga sa tabi niya at siya ay naiwang tulala sa harapan ng kanyang pagkain. Naiisip na niya ang kanyang sarili pagnatutunan na niya ang lahat. Samantala, sa Mastyria Movement, kinausap ni Boss Myrro si Michael.

"Michael, bakit ka napadpad dito sa kaharian namen?" nakangiting tanong ni Boss Myrro.
"Wala lang po, may narinig lang po akong sigawan ng mga tao, sinundan ko po yung ingay at nakita ko po kayong pinapahirapan ang mga tao. Wag niyo pong gawin sa akin yun!"
"Hindi-hindi ako nananakit ng mga batang katulad mo, dahil alam kong mapapakinabangan ko kayo"

Biglang lumapit si Boss Myrro kay Michael.

"A-anong gagawin niyo sa akin?" takot na tanong ni Michael.
"Basta, wag kang maingay, hindi masakit tong gagawin ko sayo. Pumikit ka lang"

Hindi makagalaw si Michael habang lumalapit ang muka ni Boss Myrro sa leeg niya. Pumikit na lamang siya. Pagkatapos, kinagat siya ni Boss Myrro. Biglang tumakbo sa isip ni Michael ang mga maiiwang ala-ala niya pag naging bampira na siya. Nang lumayo na si Boss Myrro sa leeg niya, naging pula ang kanyang mata, humaba ang mga kuko, at namuti ang mukha niya matapos kagatin.

"Isa ka nang ganap na bampira! Sabi ko na nga ba, pwede-pwede kitang magamit" tumatawang sabi ni Boss Myrro
"Boss, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya habang tumitingin sa kanyang sarili.

Ngumiti na lamang si Boss Myrro. Hindi na niya ito sinagot at pumunta na lamang siya sa kanyang silid at nagpahinga. Pero bago siya humiga, uminom muna siya ng isang basong dugo.

....................................................................................................................


"KALIWA! Kanan! Taas! Baba!" sigaw ni Sir Luis habang tinuturuan si Trevor na sumuntok ng tama.

"Ngayon, sabayan mo naman ng tadyak ang bawat suntok mo".

Pagkalipas ng ilang oras sa training, nilapitan ni Boss Zerdoga si Trevor.

"Trevor, halika't sumama ka sa akin sa aking silid"
"Ha? saan tayo pupunta?", naiwan si Trevor habang nagtatakang nakatayo.

Sumama si Trevor sa kanya. Walang kaalam-alam sa makikita ni Trevor sa silid ni Boss Zerdoga. Pagkapasok sa pintuan, lumapit si Boss Zerdoga sa isang drawer. Tinulak niya ito at umikot papunta sa ibang kwarto. Manghang-mangha si Trevor pero may isa pa siyang hindi nakikita. Pagbukas ni Boss Zerdoga sa pintuan, nakita ni Trevor ang laki ng kanilang Main Office. Nasa Terrace sila at nasa baba ang ibang trabahador ng Black Company. Busy ang lahat at habang naglalakad-lakad sila, nagkuwento si Boss Zerdoga kay Trevor.

"Ang Black Company ay sinimulan namen noong masasamang tao pa lang kame. Parang kumbaga kami ang laging Most Wanted sa iba't-ibang lugar. Marami kaming ginagawang kalokohan kaya nabuo ang Black Company" kwento ni Boss Zerdoga.
"Aah, ano na kayo ngayon?" tanong ni Trevor.
"Kami ngayon ay mga agent. Napag-usapan namin ang pagiging agent nung may namatay na isa sa amin. Balak naming maghinganti pero hindi basag-ulo ang ginawa namin kundi, ang pagtago", dagdag ni Boss Zerdoga.
"Ano ba ang tunay mong pangalan?"
"Ang tunay na pangalan ko ay Zero Douglas, ang Zerdoga ay screen name ko lang. Kaya ikaw, magmula ngayon iba na ang pangalan mo"
"Ha? eh anong pwede kong gawing screen name?" tanong ni Trevor.
"TRESE, magmula ngayon iyan na ang itatawag namin sayo, kalimutan mo na ang dating Trevor, pero itago mo lang siya sa likod ng iyong puso".

 Iginala pa ni Boss Zerdoga si Trevor sa kanilang office. Nakita niya kung gaano ka hi-tech ang mga gamit nila doon. May mga nakikita siyang bigla na lang tumatagos sa pader. May mga nagte-teleport, at nage-experiment ng kidlat, tubig, apoy at hangin sa loob ng kanilang laboratory. Maraming mga nakabantay na guard sa gilid-gilid. Dinala ni Boss Zerdoga si Trevor sa isang pader.

 "Halika Trevor, sumama ka sa akin", biglang siyang naglakad patagos sa pader.
"Ha? eh paano? baka naman hindi ako makatagos diyan. Baka mauntog lang ako", sabi ni Trevor habang gulat na gulat sa nakikita.

Biglang lumitaw ang kamay ni Boss Zerdoga sa pader at hinila si Trevor papunta dito.
Samantala sa Mastyria Movement, naging ganap na nga na bampira si Michael. Pinabago ni Boss Myrro ang kanyang suot at ginawa itong itim. Tuwang-tuwa naman si Michael sa kanyang Boss. Parang lalong gumagaan ang loob niya at lalo naman siyang lumakas nang ipa-inom sa kanya ang dugo ng mga pinatay nyang tao.

"Ngayon ko lang natikman ang lasang to, hindi ko akalaing masarap pala", nakakapangilabot na sagot ni Michael.
"Oo, eto sige inumin mo pa. Ubusin mo at nang ikaw ay lalo pang lumakas" sagot ni Boss Myrro.

Biglang may umikot na pulang usok sa katawan ni Michael. Ang ibig-sabihin neto ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng kapangyarihan at lumalaki ang kanyang katawan. Lalong nangitim ang kanyang mga mata at nagkakaroon ng pakpak.

"Isa ka nang totoong halimaw! Konting gawain pa ang para sayo at magiging malakas na halimaw ka na! Pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo", pasigaw na sabi ni Boss Myrro habang pinagmamasdan si Michael.
"Ayos to! Ang kulang na lang ay mag-ensayo ako kung paano lumaban", malalim na boses na sagot ni Michael habang sumusuntok sa hangin at tinitignan ang kanyang sarili.

Nagulat ang mga tauhan ni Boss Myrro.

"Sinasabi ko na nga ba. Sa unang kita ko pa lang sayo, alam kong katakot-takot ang itsura mo at makapangyarihan!", sigaw ni Boss Myrro.
"Maraming salamat, Boss Myrro. Gagawin ko ang lahat para sayo dahil sa ginawa mo sa akin", nakangiting sabi ni Michael.

Nagulat si Trese sa kanyang nakita nang hugutin siya ni Boss Zerdoga sa labas ng pader. Isang malaking pagawaan ng mga baril ang tumambad sa kanya, at training area kung saan mag-eensayo bumaril. Pumunta sila sa mga nakadikit na baril sa pader at pinapili si Trese kung anong gusto niyang baril.

"Pumili ka na ng gusto mong baril mo", sabi ni Boss Zerdoga.
"Ang dami naman, parang hindi ito ang pangkaraniwang baril na ginagamit ng mga tao ah, kakaiba. Para saan ba ginagamit ang mga baril na to?" tanong ni Trese.
"Iyan ay ginagamit lamang sa laban ng mga halimaw. Kaya pumili ka na Trese kung anong klaseng baril ang gusto mo. May mga nakasulat naman sa baba ng baril kung gaano ito kalakas".
"Sige, stay put ka lang diyan. maghahanap lang ako", sagot ni Trese.

Habang naghahanap siya, balak niya sanang basahin kung anong nakasulat ngunit nagtaka ito nang biglang lumabo ang kanyang mata.

"Arrghh! Boss, lumalabo na pala ang mata ko, badtrip! Kung kelan naman oh!", naiinis na sabi ni Trese.
"Naku, hindi pwede yan sayo. Kailangan mo ng salamin", sagot ni Boss Zerdoga.
"Sige po, bigyan niyo na lang ako ng pera at ako na lang ang bibili sa labas"
"Hindi! Ako mismo ang magbibigay sayo. Halika sumama ka sa akin"
"Ha? Saan tayo pupunta?"
"Pupunta tayo sa isang kwarto para magpagawa ng sarili mong salamin".

Nakita niya ang mga hi-tech machines na gumagawa ng salamin. Merong laser na ginagamit para lalong luminaw.

"Halika, dito tayo", utos ni Boss Zerdoga.
"Ayun oh! Pwede na yun!", sigaw ni Trese.
"Hindi yan", sabi ni Boss Zerdoga habang iniikot ang malaking locker.

Pagkabukas ng locker, kinuha ni Boss Zerdoga ang isang kakaibang salamin. Bagong gawa ang salamin at kumikinang ang gilid nito sa kinis. Sinubukang suotin ni Boss Zerdoga ang salamin, ngunit lalo namang lumabo ang kanyang mata at halos wala nang makita.

"Boss, baka sa akin pwede. Malinaw pa naman yata yang mga mata niyo eh", pakiusap ni Trese.
"Eto, suotin mo. Ano? malinaw na ba ang paningin mo?", tanong ni Boss Zerdoga.
"Opo! salamat Boss! mas lalong luminaw ang mata ko. Parang lahat ng malalayo ang lapit lang".
"Walang pwedeng makakuha niyan sayo, may pangalan ka diyan sa gilid ng salamin at kapag suot mo iyan, pwede ka naming ma-detect kahit san ka magpunta".

Napangiti na lamang si Trese sa kanyang narinig. Lumabas na sila ng kwarto at pumunta sa Laboratory. Nakita ni Trese ang mga experiment ng mga Scientist. Habang naglalakad, nakita rin niya ang mga Alien na nasa loob ng malaking Capsule na punong-puno ng tubig. Pumunta na sila sa mismong kwarto na pupuntahan nila. Pagdating nila doon, medyo madilim at ko-konti lang ang ilaw na makikita. Pagkabukas ng pinto, naroroon si Dr. Huge at nag-eexperiment. Balak sanang magtanong ni Boss Zerdoga pero inunahan na siya ni Dr. Huge.

"Gumagawa ako ng Chemical Substance na pwedeng maging Imortal kapag ininum ito", sabay lingon sa kanilang dalawa sa likod.
"Sakto! Yan nga po sana ang tatanungin ko sa inyo. Hindi pa po ba tapos iyan?", tanong ni Boss Zerdoga.
"Oo, hindi pa tapos. Napakahirap gawin neto dahil hindi natin pwedeng basta-basta itesting kahit kanino. Delikado ang magiging lagay niya kapag hindi naagapan ang Chemical sa kanyang dugo".

Pinanunuod na lang nila ang ginagawa ni Dr. Huge habang umuusok at lumilikha ng iba't-ibang hugis. Habang pinanunuod nila, biglang may tumunog na Emergency at naging pula ang lahat ng ilaw. Sumusugod na pala ang kampo ni Boss Myrro sa kanilang teritoryo.

[Chapter 2]