KWENTUHANG PAG-IBIG

Ok, simulan natin sa kung bakit namin 'to ginawa.

Una, dahil uso ito. Pero hindi talaga kami sumusunod sa uso, at isa pa, matagal nang uso ito.
Pangalawa, para makatulong na rin sa mga taong sawi, panalo at tuliro sa pag-ibig.
At pangatlo, upang malaman ng lahat na ang pag-ibig ay hindi lamang isang laro, kundi isang sagradong laro.




Being single.


Gaano nga ba kahirap maging single? Tingin namin, hindi naman mahirap maging single eh. In fact, mas nagagawa mo lahat ng gusto mo dahil wala kang ibang iniisip. At wala kang ibang inaalala dahil mag-isa ka lang na kumo-kontrol sa sarili mo. At malaya kang makipag-landian sa kung sinong gusto mong landien.

Pero, maiba tayo.

May dalawang uri ng single sa mundong ibabaw. Una, yung mga No Boyfriend/Girlfriend Since Birth. Yan yung mga taong hindi pa nakakatikim ng matinding kilig sa ribs nila, at hindi pa nasasaktan nang dahil sa pag-ibig. At pangalawa, ang mga Broken Hearted. Yan naman yung mga taong ilang beses nang nakatikim ng kilig sa tuhod, pero nasaktan din dahil sa pag-ibig.

Pero bakit yung ibang tao, pinagkakalat pa nilang isang taon o magi-isang taon na silang single? Ano bang pakialam namen kung isang taon ka nang single? Ba't kailangan mong ipagsigawan? Ba't ka malungkot?

Kung bakit nila ipinagsisigawan, ay dahil gusto lang nilang mapansin o magpapansin sa ibang taong may kani-kanilang syuta. Pero sila, wala. At ang mapapala lang nila dito, ay marami ring single na lalandi sa kanila. Lalong-lalo na sa mga girls na mapuputi ang patola at mahilig magsuot ng short-shorts at malalaki ang hinaharap. Isang halimbawa na dito ang mga babaeng highschool. Pag nakita ng mga lalaking manyakis na goodlookings at malakas ang dating, agad-agad yan! Agad-agad hihingin yung pangalan at ise-search sa facebook at pag********* yung mga pictures na may bulaklak na nakabukaka, kalabaw na nakatuwad at malaking guhit sa hinaharap. Ganyan talaga pag buhay-single.

Balik tayo sa dalawang uri ng single sa mundong ibabaw.

-No Boyfriend/Girlfriend Since Birth
Gaya nga ng sinabi ko kanina sa taas, yan yung mga taong hindi pa nakakatikim ng atinding kilig sa ribs nila. Bakit may mga taong ganyan? Halos lahat naman ng tao sa mundo ay ganyan ang status. Yung mga taong simula nung naging mature na ay hindi nasubukang mag-syuta. Magandang examples dyan ang mga babaeng nerds, may makapal na braces, kulot, tomboy, pakipot, at mga wala talagang balak. Sa lalaki naman, nerds, isip-bata, may nunal sa gilid ng ilong, kachupoy, torpe, at bungal. Pero hindi naman lahat sa mga nabanggit na halimabawa ay totoo. Bakit si Lenin! Halos lahat ng example na nabanggit, galing sa kanya. Pero nagka-girlfriend sya! Pero ilayo natin ang syuta-syuta kase ang pinag-uusapan naten dito ay mga singgol.

-Broken Hearted
Gaya nga rin ng sinabi ko kanina sa taas, yan yung mga taong ilang beses nang nakatikim ng kilig, pero nasaktan dahil sa pag-ibig. Bakit may mga taong ganyan? Matagal nang may mga taong ganyan. Halos lahat naman ng tao sa mundo, ay ganyan ang status at aminin mong isa ka na dito. Well, dahil naranasan ni Lenin 'to, siya na ang magdi-discuss ng masinsinan.

Ano bang feeling ng broken hearted?
-Masakit. Parang hindi ka pa rin makapaniwala sa nangyari na wala na kayo ng syota mo. Sa una, matatauhan ka muna, matatahimik, hihinga ng malalim at sasabihin sa iba na wala lang yun. Pero kapag naalala mo ang mga oras na dapat ay sinasabihan mo na sya ng "i love you bhie", bigla mo na lang mararamdaman na sumasakit yung pinakaloob ng dibdib mo. Maaalala mong "anyare?!". Mararamdaman mong nami-miss mo na sya. Tapos sasabihin mo sa utak mo, nagsisisi ka na sa ginawa mo sa kanya. Hanggang sa maiyak ka na lang (gagawin lang 'to ng mga emo). At makalipas ang ilang linggo, maiisip mong manhid na ang puso mo na parang bato.

Friend: Bakit ka umiiyak?
BH: Ayoko na magmahal!
Friend: Mahal mo pa ba sya?
BH: Hindi! Manhid na ako! Bato na ang puso ko!
Friend: Talaga? Pahiram naman ng puso mo!
BH: Huh? Baket? (Kinilig)
Friend: Ipanghihilod ko lang.
BH: T*ngina mo! P*kyu! Mamatay ka nang g*go ka!

Kung 30 years old and above ka na habang binabasa mo 'to, wag mong gagawin yan. Hindi bagay sayo. Talagang hindi sayo bagay! Matanda ka na naman eh, dapat alam mo na ang mga gagawin mo gayong matanda ka na naman. Pero kung teenager ka katulad nameng tatlo, ayos lang. Because...

...we're teenagers. We're still learning. Shit happens. We cheat, we lie, we criticize, we fight over stupid things. We fall inlove and end up getting hurt.


next attraction: "i love you", the magic word