Pangalan

Minsan ba sa buong buhay mo, naitanong mo na sa iyong magulang kung saan galing ang iyong pangalan? May nakausap ako dating kaibigan. Napag-usapan namin ang tungkol sa pangalan ko (Lenin). Kahit kailan daw, wala pa daw syang ibang kakilalang kapareho ng pangalan ko. Ako pa lang daw ang natatanging nilalang ang nagkakaroon ng pangalang ganito. Masyado daw unique.

Eto naman ang paliwanag ko sa kanya kung saan galing ang pangalan ko. Noon kasi, habang naglalaro ako sa isang sulok ng bulok naming bahay, bigla akong kinausap ni mama. Tinanong nya ko kung alam ko daw ba kung sa'n galing yung pangalan ko. Sabi nya, Yung first letter daw ng pangalan ko ay galing sa pangalan ni mama. And the rest, kay papa na. So, nagulat ako. Hinayaan ko muna syang umalis sa harapan ko bago ko pag-isipan ng mabuti yung sinabi nya sa'kin.

Ang pangalan ng nanay ko ay Helen. Ang pangalan ng tatay ko ay Erwin. Bale kinuha kay mama yung "len" at kinuha naman kay papa yung "in" at tsaka lang nila pinag-joint iyon. At ang resulta, isang pangalan ng rebolusyunaryong komunista ng Rusya, ang pinuno ng partidong Bolshevik, ang unang punong ministro ng unyong sobyet. Ang pangalang "Lenin".

Ayos! Ganun ang paliwanag ko sa kaibigan ko. Ang pangalan naman ng kaibigan ko ay Ramon. Yung history naman daw ng pangalan nya, medyo masaklap ng konti. Nung mga panahon kasing pinagbubuntis pa sya ng nanay nya, halos wala daw silang pampanganak noon. Ang tatay nya na ang trabaho'y Electrical Engineer, ay kulang pa ang sweldo. Wala din daw makuhaan ang tatay nya no'n kundi ang kanyang boss. Kaya nung dumating ang araw na ilalabas na sya, Sa boss humiram ng pera ang tatay nya. Pero dahil matagal-tagal bago nila mababayaran ang utang, bilang kabayaran, ipinangalan na lamang ng tatay at nanay nya sa kanya ang pangalan ng boss. Ang pangalang "Ramon". O di kaya'y "Ramoncito".

Kung bakit naman daw masaklap, ay dahil parang hindi man lang pinag-isipan yung pangalan nya. Parang isang hindi mahalagang file sa computer na kung anong makitang tatak ng medyas, yun na lamang ang ipapangalan sa file. Di daw tulad sa kanyang mga kapatid, bago pa lang ipanganak, nakaukit na sa puno kung anong pangalan nila.

Ang sa kapatid ko nama'y dapat katulad din nung sa'kin ang gagawin. Matagal-tagal din bago sila makapag-isip ng pangalan. Yung tipong cute pakinggan mula bata hanggang kabaong. Ngunit sa hindi inasaang pagkakataon, habang mahimbing akong natutulog sa baba ng kama namen, bigla na lamang nagsisi-sigaw si mama. Ang sakit daw. Aray daw. Ouch. Nang dalhin na sa ospital si mama't ipanganak ang bunso kong kapatid, tsaka lang daw naalala ni papa na birthday nya pala no'n. So sakto. Di namin alam kung nakatadhanang mangyari yun, o coincident. Kaya naman, bago pa umalis sila mama at papa sa ospital, may nag-suggest na sakanila ng ipapangalan sa kapatid ko. Bagama't ang pangalan ni papa ay Erwin, at birthday nya no'n, bakit hindi na lang daw ipangalan sa kapatid ko ang pangalang (parang baduy pakinggan) Jerwin.

Halos lahat tayo, may history ang pangalan. Pag nalaman natin kung sa'n galing ang pangalan natin, para na rin nating pinapahalagahan ang kung anong meron tayo. Minsan may mga taong naiinis sa pangalan nila kase yung iba mahaba. Yung iba naman, masyado daw maikli. Ako yun. Pero di ko na pino-problema yun. Tanggap ko na kung anong merong pangalan akong ibinigay sa'kin.

Pangalan. Simbolo na may taong umaruga sa'yo.

Gawang Lenin

Nitong nakaraang linggo, wala akong magawa sa bahay. Nag-isip-isip ako ng mga bagay na hindi ko na ginagawa o nagagawa simula nung nag-3rd year na 'ko. Wala naman. Halos lahat ng ugali ko nung 2nd year, ginagawa ko pa rin hanggang ngayon; ang magsulat ng tula. Ang tula kasi, para sa 'kin, isang malalim na konsepto ng pagpapaliwanag sa isang bagay na nararamdaman, nakikita, o nangyayari sa isang tao. Ikaw na bahala kung gagawin mo itong kwento; pabiro, malungkot o seryoso. Pwede ring galit. Pag sinabi kong "tula" sa iba, ibig sabihin, gawa ng isang matalinong tao 'yan. Hindi naman sa pagmamayabang, pero mahilig talaga akong magtugma. At ito nga ang naging resulta nung wala akong magawa sa bahay.

Lasing na Pag-ibig
ni Lenin Zulueta

Ala-singko ng hapon kami nagsimulang dalawa
Ganado sa gagawin at walang kahalong kaba
Patuloy lang muna sa pagkwento ng kahit ano
Hanggang sa kumagat ang dilim, ikaw lang at ako.

Ikaw lang at ako ang magkasama sa’ming bahay
Wag kang mag-alala, mamaya pa dadating si nanay
Habang may kasamang tugtog, nagkakatinginan tayo
At unti-unti tayong nahihilo sa bawat tagay sa baso.

Padilim na ng padilim, ako’y nagpailaw ng makulay
Mas gumaganda ang ating gabi’t nawawala ang umay
Bumalik ako sa pwesto kung sa’n ika’y aking kaharap
At doon ko nadama na nakadikit na ang ating balat.

Tuwang-tuwa ka at ako dahil sa ating mga kwento
At halos maupo na rin tayong dalawa sa semento
Pareho tayong may tama, kailangan natin ng kape
Maya-maya’y ang sabi mo ay sa iyo na ‘ko tumabi.

Ang bawat kilos ay parang mga nabuhay na patay
At di natin napansing magkahawak tayo ng kamay
Hanggang sa tayo’y natigilan, biglang nagkatinginan
At dun nagsimula ang pangyayaring di malilimutan.

Sa tamis ng labi at dilang aking tinikma’t pinatungan
Halos nablangko ang isip ko’t doo’y nadama ko ng lubusan
Nabalutan ang ating paligid na halos puno na ng hiwaga
Biglang bumagal ang minuto at ang oras natin ay humaba.

Ngunit hindi pa rin doon natatapos ang lahat
Bigla akong bumanat ng isang tanong na matapat
Nagtanong ako, mahal mo pa rin ba ‘ko?
Oo, tuwing nakikita kita, lalo ngayong magkasama tayo.

Pagkatapos, parang ang puso natin ay muling nagkagapos
Parang ang ganitong klaseng eksena’y hindi na matatapos
Sa bawat tingin, bawat halik, bawat hawak at haplos
Sa bawat dikit, bumabalik ang mahigpit mong yapos.

Sa epekto ng alak, kailangan mo na yatang umuwi
At humabol pa ‘ko ng halik sa pisngi mong maputi
Ayaw kitang mag-isa, kaya naman ako sayo’y aalalay
Habang naglalakad sa daan papunta sa inyong bahay.

Nasa'n na yung Mga Epal?



                Matagal na ‘kong tumatangkilik sa mga post ng MgaEpal.com dahil sa mga post nilang may kabuluhan para sa mga taong gaya kong petiks lang sa buhay. Inaaraw-araw ko ang post nila dahil araw-araw din silang may mga bagong pasabog. Sa bawat post ay hindi ko magawang matawa o mapangiti. Sa bawat post ay wala kang mababasang salitang wala kang matutunan o ikasasaya mo. Sa bawat post ay may tuwa, galit, lungkot, at saya. Kakaiba sila magsalita. Kakaiba sila kung tirahin ang mga taong nagtatangkang sumalot a lipunan. Kakaiba din sila kung umasta dahil hindi sa mga salita nila, hindi mo masasabing mayabang o nagmamagaling sila dahil lahat ng sinasabi nila ay pawang katotohanan ng buhay. Silang apat na ka-tropa mo. Silang apat na kapatid mo. Silang apat na kaibigan mo. Silang apat na ka-inuman mo. Silang apat na mga epal, asan na?
                Wala silang iniwang paalala na bigla-bigla na lang silang mawawala sa ere sa paggapang ng website nila. Bagama’t narating na rin nila ang isang taon at marami na ring karanasan ang nangyari sa kanilang buhay epal, sila na rin ang nagsabi na kahit kailan, wala silang sisimulan muli. Ipagpapatuloy daw nila kung ano’ng kanilang nasimulan. Sila na rin ang nagsabi na walang ibang kayang tumibag sa kanilang pagsasamahan. At bilang patunay, gumawa pa sila ng isang kanta at video patungkol sa kanilang pagkakaibigan. Simula sa una, marami ring nag-iba sa website nila. Maraming design na nadagdag at lalo nilang pinaaliw ang mga taong dumadalaw roon. Minsan na ring na-hack ang kanilang website at pati na rin ang kanilang fanpage. Pero ilang araw lang din ang lumipas, agad din nila itong naagaw sa mga magnanakaw.
                Nakaka-miss kase sila lang yung pumapawi ng pagka-boring ko sa paglalayag sa internet. Hindi naman sa sila lang ang pinupuntahan ko. Sabi ko nga, kakaiba sila sa lahat. Sinong epal ang gagawa ng T-shirt at magbebenta sa mga taong dumadalaw sa website nila?
                Ilang araw bago ko puntahan ang website nila, pinuntahan ko muna ang kanilang fanpage. Ipinost nila ang sariling music video at may nakasulat na nagsasabing nagpapasalamat sila sa lahat ng taong tumangkilik sa kanila. At sa bandang huli ng sulat, tumatak sa akin ang “Hanggang sa muli”.
                Sana nga totoo yung sinabi nilang ‘yon. Hanggang sa MULI. Ibig sabihin, babalik pa sila at muling maghahasik ng ka-epalan sa mundo. Yung apat na ‘yon, yung mga idol kong ‘yon. Sila ang kauna-unahang nag-comment sa blog ko. Sila ang pinaka-una kong naging idol sa internet. Silang apat; Bunso, Manong Guard, Kulturantado at Boss Chip. Sana bumalik sila.