GF at Tropa


Tanong galing kay Karm Jahy Santos:

Tulungan nyo naman po ako! Ang gf ko! Mahal na mahal ko pero may sinasabay pala po sya sa akin! Tiniis ko kahit alam ko na may iba sya! Natatakot din ako sabihin sa kanya na nalaman ko na may iba sya! At tropa ko pa! Hindi ko sinabi na kami at baka masira ang pag kakaibigan namin at ng gf ko ayaw ko na magalit sya sa akin! Mahal ko sya! Anu ba ang dapat kong gawin!!?

Sagot ko:

Sandali! Sandali! Huminahon ka! Sorry nga pala kung ngayon ko lang nasagot 'tong problema mo. Hindi naman yata tamang tiisin mo 'yon. Even though you love the person, you must sacrifice it for your health. Masakit kaya yan sa dibdib, di mo ba alam? Malamang, alam mo 'yon kase nga tinitiis mo na alam mo na pala yung katotohanan na may iba palang sinasabay yung syota mo at, sabi mo nga, tropa mo pa, at tinatago mo pang alam mo na pala yung kalokohan nila. Alam mo, Karm, ang mas mabuting gawin mo ay isuko mo na lang yang gf mo. Alam mo na ngang hindi na tama yung ginagawa nya sayo, bakit mo naman kailangang itago pa? Ramdam ko namang mabait kang boyfriend, pero hindi naman ikaw yung nagloloko, sya yun! Bakit mo tinatago na alam mo na pala yung kalokohan nyang girlfriend mo?

At sinabi mo ngang tropa mo pa yung kabit nyang haliparot mong gf. Kung may binabalak ka mang masama, tulad na lamang na sasaksakin mo mamayang alas dose ng gabi yang tropa mo, wag mo nang ituloy. Hindi tama yun. Hindi tamang maghiganti dahil hindi ka naman nila ginantihan para gantihan mo sila. Wag mo na lang syang pansinin. Kung magkasalubong man kayo sa daan, wag mo na lang syang tignan sa mata. Deretso lang ang tingin. Ayos lang magwala nang magwala, mag-inom nang mag-inom, magbasag nang magbasag at iuntog nang iuntog ang ulo sa pader, pero hindi sa harapan ng gf mo at ng tropa mo dahil doon nagsisimula ang pagbago ng tingin nila sayo. Ramdam kong nasa loob lang lagi ang kulo mo at hindi mo nilalabas ng deretsahan. Wag mo na lang silang pansining dalawa. Parehas silang gaga. Parehas silang gago.

Ang simpleng moral lesson dito, mga kaibigan, ay wag kang magpilit sa isang bagay kung nasasaktan ka na. Ayos lang kung magbakasakali ka, pero sa mga positibong bagay yun ginagawa tulad ng pag-asang tatanggapin ka sa pag-apply sa trabaho. Pero kung pagdating sa pag-ibig, tulad nang nabasa niyo sa itaas, ay isang malaking pagkakamali na tiisin ang masakit na nararamdaman mo kahit mali na yung nakikita mo. Mas tamang isuko mo na lang. Kung gusto mo talagang matanggal ang problema mo sa pag-ibig, dapat sa isip mo, wala kang pakialam kung masakit man o napakasakit ng gagawin mong pag-iwan sa taong minamahal mo. Dapat matatag ka. Dapat malakas ka. At dapat... madiskarte ka.