Akalain nyong buhay pa ko?!

Ayan na naman. Magda-drama na naman ako. Magku-kwento na naman ako ng mga karanasan ko sa buhay habang wala ako dito sa blogsite ko. Sasabihin ko na naman yung mga dahilan kung bakit ang tagal kong hindi nakapag post dito. Eh sa'n ba umiikot 'tong webstie kong 'to?

After one month ng aking bakasyon (may dahilan kung bakit one month lang), marami na namang kaganapang hindi inaasahang pangyayaring dumating sa buhay ko. Tulad na lamang ng pagbagsak ko sa Math at Science subject ko na dahilan kung bakit ako nag-summer. Pero ngayon, gawin nating medyo cool, magaan at presko itong ating susunod na iku-kwento ko.

February, or March yata ako nag-pause sa pag-blog. Nung nagsimula nang pumatak ang April, dun na rin nagsimula ang pagsinghot ko ng preskong hangin sa terrace namen dahil.... bakasyon na! Saktong alas-syete akong nakabangon nun. Tulog pa yung mga halimaw samen, kaya habang hindi pa sila nagagambala sa kanilang tulog, sinamantala ko nang magluto ng tatlong itlog at dalawang lata ng corned beef. Sarap sa pakiramdam na sobrang tahimik pero sobrang liwanag ng paligid ko sa bahay. Wala akong iniisip na assignment na gagawin ko na lang sa school dahil hindi ko nagawa kagabi, wala akong iniisip na magcu-cutting na muna ako ngayong araw para gawin yung projects ko, at wala akong iniisip na mangupit ng barya pambili ng rose para sa syota dahil February pa lang, single na 'ko. Nakangiti yung labi ko, nakangiti yung mata ko, at nakangiti yung lovebirds ng kapitbahay namen.

Pero ang lahat pala ay isa lamang katrayduran! Nakatanggap ako ng tawag mula sa kaklase ko na pumunta daw ako ng school dahil may mahalagang sasabihin ang mahal kong adviser saken. Pumunta naman ako, dala ang mamahalin kong myphone at imported na medyas. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate, parang may biglang nag-flashback sa utak ko. Ewan ko lang, pero parang may bigla akong naramdamang masamang hangin sa paligid ko. Halos hindi ako makalapit sa mga taong nakakasalubong ko dahil sa nararamdaman kong kirot sa puso na animo'y parang sumakay ka ng roller coaster sa star city.

Pumasok ako ng faculty, naririnig ko ang bawat tapak ng paa ko at tibok ng puso ko. Parang isasalang na ako sa ring para sa boxing. Nilapitan ako ng mahal kong adviser, inabot ang isang papel at may pinapapirmahan. Hanggang sa di ko na lang namalayang.... nawalan na ng signal 'tong sun broadband ko. At binanggit ng mahal kong adviser na bagsak ako sa Math at Science. Wala akong narinig. Wala akong naramdaman. Biglang nawala yung nagwawalang daga ko sa dibdib. Muntik pa 'kong makapatid ng teacher kase umatras ako bigla. Umatras pa ko ng umatras, hindi maipinta ang mukha ko, at tsaka ako sumandal sa pintuan at humagod pababa habang tumutulo ang aking luha. Di, joke lang. Wala akong reaksyon nun... sa mukha. Pero sa isip-isip ko, gusto kong magbasag ng walong bote. Mabuti pa nga daw at hindi naisama yung C.L. subject ko kase nakapagpasa ako ng project dun. Grabe, pag-uwi ko sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi matulog, at matulog, at matulog.

Isa lang ibig sabihin ng lahat! Kailangan kong pagbayaran ang pagiging tamad ko! Kailangan kong lagyan ng laman yung mga araw na nilaktawan ko noong nasa regular class pa. Kailangan kong humabol at bumawi para makatuntong sa 3rd year na kung tawagin ngayo'y Grade 9 dahil sa dineklarang K12. Dalawang linggo lang ang pahinga ko noong kauumpisa pa lang ng April. Natapos na ng May 25 ang summer class ko. Ayoko nang magkwento pa tungkol dun dahil isa yon sa mga pinaka-ayaw kong parte ng buhay ko; ang magtrabaho ng walang sweldo sa araw pa ng bakasyon mismo! Kaya, eto ako ngayon, bumabawi na ng doso oras na tulog sa isang araw dahil NEXT WEEEEEK, PASUKAN NA NAMAN! LINSYAK NA BUHAY 'TO!

Pero heto ako ngayon! Imbis na bumawi ng tulog, heto't nagpupuyat para lamang makabawi ng kwento sa inyo! Para naman ganahan kayo bago ang pasukan. Wag kayong mag-alala, magbibigay ako sa inyo ng inspirasyon para naman ganahan kayo sa pagpasok bukod sa mga syuta-syuta niyo at malutong na allowance. Sige, sa muli nating pagbabasa! Paalam! (In fact, I hate goodbyes)