Isang araw

Para mas maintindihan niyo yung short story nya, sya na lang yung magkwe-kwento.

LENIN:

Alas dose ng tanghali. Wala akong magawa. Naglalakad-lakad ako sa bahay. Bigla akong nagka-mood para mag-movie marathon. Nag-GM (Group Message) ako kung sino bang may DVD na pwedeng mahiraman. Buti na lang may nag-reply. Kaklase ko, si Eunice.

Pumunta ako sa kanila, tapos kinuha ko yung mga DVD na hihiramin ko. Dalawang horror, isang love story, at isang comedy-action. Tapos small-talk kame, then umuwi na 'ko ng naka-bike. At habang nagba-bike, ka-text ko sya. Muntikan pa 'kong mabakabangga, ang hirap talagang nagte-text habang nagmamaneho.

Pag-uwi ko, naabutan kong ang dumi-dumi (dumi lang, pag "dumi-dumi", sobrang dumi na nun) ng bahay. Inumpisahan kong magligpit ng mga nakakalat na libro sa mamahalin nameng lamesa. Tapos nagwalis-walis, nagpunas-punas, at naghugas-hugas. Pagkatapos ng lahat, nakakita ako ng bente sa tabi ng computer. Perang iniwan ni mama bago sya umalis papuntang probinsya, at kinabukasan na ng hapon ang dating. Naisip ko, "anong magagawa ko sa bente? kulang pa 'to para sa 2 days unli!". Naalala ko bigla yung text ni mama na nag-iwan sya ng pera para pambili ng ulam namen sa isang araw. Naisip ko na naman, "Tangina, anong mabibili kong ulam sa bente pesos?". Tapos, nakita ko sarili ko sa salamin, naisip kong hindi ko na naman ginagamit yung isip ko masyado.

Nagsaing ako ng tatlong takal na bigas habang may tugtog ng mga kanta ni Taylor Swift. Tapos, hinintay kong umin-in. At inilagay ang mga tira-tirang manok sa ibabaw ng kanin habang iniin-in. Nung magdilim na, pinapasok ko na yung kapatid ko at inutusang maligo. Lumabas muna ako ng bahay, nakipagkwentuhan muna sa mga kaibigan ko.

Pumasok na 'ko nung napagod na yung panga ko sa katatawa. Tapos pinatay yung sinaing at nagwalis-walis ulit. At sinimulan na ang pinakahihintay. Sinaksak ko ang tatlong mahalangang saksakan sa panonood: ang saksakan ng dvd, saksakan ng speaker, at saksakan ng isa pang malaking speaker.

Una kong pinanuod yung comedy action na RA.ONE. Indian movie, maganda, nakakatawa, at enjoyable. Ilang oras din bago matapos. Sumunod naman eh yung love story nila KC at Jericho na pinamagatang I'LL BE THERE. Kaso nga lang, hindi ko natapos, kase sa kalagitnaan ng movie, may bigla akong naramdamang kaba. Hindi ko alam kung naalala ko lang yung ex ko o side effects lang ito ng iniinom kong energy drinks.

Tinigil ko muna yung movie, at pumunta muna ng terrace para magpahangin kahit walang hangin. At bumalik ulit sa loob, naghanap ng bagong mapapanuod. Habang naghahanap, may nakita akong isang DVD na original. Ang pamagat, P.S. I LOVE YOU. Tinignan ko yung description sa likod. Interesting na love story, kaya sinaksak ko agad.

Yung kinalabasan nung kwento, maganda. Base pala sya sa kwento sa libro na isinulat ni Lenin Zulueta. Joke. Isinulat 'to ni Cecelia Ahern. May natutunan naman ako, marami. Bawat linya kase nila, punong-puno ng sense. At bawat scenes, hindi mo kayang lagpasan.

And what I learned based in the movie, sometimes, all you need to start really living is a little shove in the right direction. Joke, kinopya ko lang yang sa likod nung DVD.

Sige, yun lang. Inaantok na 'ko.