Ang buhay pag-ibig ni Lenin Zulueta

Hahaha!

Natatawa ako sa isip ko habang nag-iisip ako ng title na pwedeng ilagay dito sa pabasa kong ito. Wala naman kase akong ibang maisip kundi puro love. Punyeta.

Pero bakit nga ba puro love ang nasa isip ko? Ganito kase yan.

Broken hearted kase ako. Hindi lang sa syota, kundi sa iba pang bagay. Maraming bagay.

Anu-ano yon?

Una, nakipag-break saken yung gf ko. Masyado na kase akong nagiging hambog sa mga kilos at galaw ko. At pati na rin sa pananalita. Kaya napilitan (di ko lang alam kung napilitan talaga) sya na makipag-break na lang saken. At hindi lang yon ang dahilan kung bakit nya yon ginawa saken. Lahat kase kasalanan ko. Hindi ako marunong magpakumbaba. Hindi ko kase sya minsan pinapansin sa room. Pero wag nating sabihing, "minsan". Sabihin na lang naten na "lagi". Siguro ngayon, pasigaw kang magtatanong ng "ba't mo kase hindi pinapansin? ulul ka pala eh!". Torpe rin kase ako eh. Hindi ko lang sinasabi sa iba. Kaya ko hindi sinasabi kase ang tingin nila saken eh "loyal". Kaya natakot din akong baka mag-iba ang tingin nila saken. Hanggang sa maramdaman na lamang naming dalawa na parang wala namang mararating ang relasyon namen, ayun na! Sumabog na! Bumigay na! Kumbaga sa computer shop, time na. At syempre, hindi ko mapigilang umiyak na parang babae.

Friend: Uy! Anung nangyare sayo?
Me: Break na kame!
Friend: Break na kayo?
Me: Hinde, hinde! Paulit-ulit? Paulit-ulit? Unli? Unli?

Pangalawa, lagi akong nawawalan, o lagi akong walang pera. Kasalanan ko pa rin naman eh! Masyado akong magastos! Hindi ko matiis! Nyemas! Eh ikaw ba naman na mayroong 250 sa isang linggo eh. Kaya pag may kailangan ako, wala akong mapagkunan! Nyemas talaga! 'To namang mudra ko, ang kapal ng mukha para magdamot! Pero naiintindihan ko naman sya kung bakit nya saken ginagawa yung kadamutan nya saken. Siguro sa hirap nga ng buhay ngayon.

At pangatlo, kaibigan. May isa kase akong kaibigan sa classroom namen na naging kagalitan ko. Pero sya lang yung galit saken kaya sabihin na lang naten na may kaibigan akong galit saken sa room. Wala naman akong ibang ginawa sa kanya kundi ang biruin at pasayahin sya. Pero nung ginawa ko sa kanya yon isang araw, hindi ko naman alam na badtrip pala sya. At sa sobrang badtrip, pati ako dinamay. Echosero. Nagbiro lang ako sa kanya na parang siga, tapos biglang nag-angas saken! Sabi ba namang, "sige t*ng-ina ka, suntukan tayo?". Ansabeee? Why so serious? Tapos yun. Alam kong normal na bagay lang ang magkaroon ng away-kaibigan sa lahat ng tao. Pero para sa akin, uulitin ko, para sa akin, hindi ito normal. Baket? Hindi kase ako katulad ng iba dyan na basta galit sa kanya yung kaibigan nya, magagalit na rin sya! No! Ako, hindi ako nagagalit kahit ilang century pa tumagal yung galit nya saken dahil lang sa simpleng bagay. Alam mo kung baket? Kase hindi ako ganun kababaw.

Pero ang pinag-uusapan natin ngayon dito ay "ang buhay pag-ibig ni Lenin Zulueta". Tanggalin na nga natin yung apelyido, masyado akong nagmumukang mayaman kahit hindi naman.

"Ang buhay pag-ibig ni Lenin"

Kamusta naman ba ang buhay-buhay ko sa lablayp? Eto, sabi ko nga, living single. Break na kame. Dahil sa kayabangan ko. At pati na rin sa hindi pag-work ng relationship namen (wow! minsan lang ako mag-taglish!).

Sanay na ba akong broken hearted? Syempre hinde! Nukaba? Hindi ako katulad ng ibang lalake dyan na pagka-break eh maghahanap agad ng ibang babae. No! It's not my attitude! (Wow! Umi-english ang lolo nyo!). Medyo nahihirapan din akong mag-move on. Pero hindi na "medyo" ang tawag dun. Paano ka nga ba magmo-move on sa isang babaeng pinagbuhusan mo ng effort mo? Leche! Ang hirap kaya! Kahit pa sabihin mong hindi kayo nagpansinan ng ilang araw, ang hirap pa rin! Alam mo kung bakit? Kase kakabit ng "move-on" ang pagiging "torpe". Yun yun eh!

Paano ka magmo-move on kung torpe kang layuan sya. Lalayuan mo na nga sya eh, torpe pa rin? Paano mo sya makakalimutan kung torpe kang hindi sya isipin? UTUSAN MO YANG UTAK MONG KALIMUTAN SYA! KASE UTAK MO YAN! At paano ka makakapag-concentrate sa mga ginagawa mo kung laman pa rin ng puso mo ay sya? Ewan ko sayo.

DJK. Alam kong hindi mo madali, at medyo mabigat. Pero kung susumahin, ang importante lang sa lahat, ay yung marunong kang mag-isip sa lahat ng kilos na gagawin mo. Ako, pangatlong gf ko na sya, pero masasabi ko bang laspag na tong puso ko at medyo magaspang na dahil nakailang break-ups na ako? Tanga! Hinde! Kaya nga may move-on, diba?! Pero hindi ibig sabihin non eh maging manhid ka na kapag nag-break na kayo. Ang "move-on" ay ginagawa lang ng mga taong hindi pa kayang lumimot ng nakaraan ng kanilang minamahal. Isa na dito ang sunog na alaala. Hindi ka nito pinapagaling, tinuturuan ka neto! Tinuturuan ka na bawal palang magmahal sa taong kabit na nga ng iba, tapos makikikabit ka pa. Yun yung point ko dun! Hindi ka nito pinapagaling dahil nasaktan ka!

Teka, teka, nasan na ba 'ko?

Ayun. Move naman tayo sa "maghahanap pa ba 'ko ng iba?".

Onga naman, maghahanap pa ba 'ko ng iba gayong nakatali pa rin ako sa kanya pero sya eh gusto nya nang tanggalin? Depende. Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi ako tulad ng iba dyan na naghahanap AGAD ng iba pagkatapos ng break-up. Hindi naman ako gutom sa babae. Hindi rin naman ako takot maging single. At hindi rin naman ako tangang bitter na hindi gumagamit ng common sense para maghanap ng panakip-butas.