Maikli lang ang buhay

Totoo yan, maikli lang ang buhay. Hindi natin nakikita ang hinaharap. Hindi natin kayang kontrolin ito. At hindi rin natin hawak ito.

Kaya walang perpekto sa mundo.

Maikli lang ang buhay, kaya wag mong sayangin ang mga pagkakataon sa mga bagay na wala kang mapapala.
Maikli lang ang buhay, kaya gumising ka na ng umaga bago ka pa abutan ng hapon sa gawain mo.
Buhay mo 'to, gawin mo lahat ng gusto mo. Kung may hindi ka gusto, ibahin mo. Kung hindi mo gusto ang trabaho mo, umalis ka. Kung wala ka nang sapat na oras, tigilan mo na ang panonood sa telebisyon. Kung hinahanap mo ang taong mahal mo na makakasama mo sa buhay, tumigil ka, maghihintay sila sayo kapag sinimulan mo nang gawin ang mga gusto mo. Tigilan mo nang mag-analyze, lahat ng emosyon maganda. Kapag kumakain ka, i-appreciate mo ang bawat nguya mo.

Simple lang ang buhay. Buksan mo ang utak, palad at puso sa mga bagay na bago sayo at mga taong makikilala mo, dahil malaya tayo sa pagkakaiba. Tanungin mo ang taong makikita mo sa daan kung anong pangarap nila sa buhay, at ikwento mo rin sa kanila ang pangarap mo. Maglakbay ka kahit saan. Pag nawala ka, mas nakakatulong ito kung paano mo hahanapin ang sarili mo. Ang malaking pagkakataon ay minsan lang dumating sa buhay, kaya gawin mo na ito.

Ang buhay ay tungkol sa pagkilala mo sa ibang tao, at paggawa ng kung anong magagawa mo sa kanila. Maikli lang ang buhay, buhayin mo ang iyong panaginip at gamitin ang iyong galit.

Maikli lang ang buhay, at nasa sa iyo ito kung paano mo bibigyan ng tamis. Maikli lang ang buhay para sayangin ang oras mo sa pagpapairal ng galit mo sa ibang tao. Maikli lang ang buhay, kaya wag ka nang mahiya. Maikli lang ang buhay, kaya wag kang tanga. Maikli lang ang buhay, kaya easy ka lang.

Sa sobrang ikli ng buhay naten, maraming mabilis na pangyayari ang nagaganap sa buhay naten. Marami tayong detalyeng nakakaligtaan, at marami tayong taong makikilala. Maikli lang ang buhay, pero mahaba ang panahon.

Kaya ngayon pa lang, magpatawad ka na sa mga nakagalit mo.
Ipakita mo na ang pagmamahal mo sa ibang tao.
At wag mong palalampasin ang mga bagay na makakapagpangiti sayo.


Lenin's tribute poem for his uncle

Munting tula
ni Lenin Zulueta

Mabilis ang buhay kaya wag mong sayangin
habang maaga'y tuparin mo lahat ng iyong hangarin
dahil ang pagsisisi ay isang mabahong hangin
hindi mo na maaabutan ang mga gusto mong gawain.

Sa pagkakataong masaya ka, hindi nakikita ng lahat
kahit pakiramdam mo'y masama, ngunit sa 'yong mukha'y bakat
kung pwede lang ulitin, o isulat sa munting aklat
para sa huling yugto ng buhay mo, sa iba'y nakatatak.

Ang mga pagsasamahang nangyari sating buhay
binigyan ng tamis, ginhawa at kulay
kasiyahan, kalungkutan, hindi tayo nauumay
lahat ng ito'y babaunin natin sa hukay.

Pag huli na ang lahat, ang masasabi ko lang ay "sana"
dahil ubos na ang aking oras at wala na 'kong pag-asa
ngunit ganyan talaga, ikaw at ako'y mawawala na
para sayo itong munting tula para sa 'ting munting alaala.

Rest In Peace, papang.
We will miss you very much.


'Sang tanong 'Sang sagot

Tanong galing kay Kim Verghek:
Ang hirap po kaseng kalimutan sya! Pinipilit ko na kalimutan sya hindi ko magawa! Anu po ba dapat gawin para malimutan sya?

Kasagutan:
Alam mo, sa susunod na magtatanong ka, kumpletuhin mo naman yung kwento. Para masagot namin ng masinsinan. Well, kung anuman yang problema mo, bibigyan ka pa rin namen ng advice kahit na wala kameng kaalam-alam sa nangyayari sayo. Kung lalaki yang gusto mong kalimutan, iwasan mong isipin sya ng isipin. Pero alam naman natin na hindi natin kayang pigilan ang puso. Pero kakabit ng puso ang utak, kaya ang mas mabuti ay utak ang pagamitin kesa ang puso. Iwasan mo lahat ng makakapagpaalala sa inyo. Kung pumunta ka sa isang lugar at may bigla kang naramdamang kakaiba, umalis ka na kase maaalala mo lang sya. Basta iwasan mo lang lahat! Lahat ng makakapagpaalala sa kanya! Pero wag kang O.A. sa pag-iwas. Baka naman makita mo syang papalapit sayo tapos bigla kang umiwas. Wag! Wag ganun! Hayaan mo lang sya. Ipakita mong hindi ka apektado sa nangyari sa inyo. Ayos lang kung marami kang effort na ibinuhos sa kanya para mag-work ang relationship niyo. Pero kung hindi niya kayang suklian ang binigay mong pagmamahal sa kanya, ilista mo lang, si Lenin na ang magbabayad.

Lenin has a story as cold as his ex's heart

Pagkatapos ng araw ng linggo, enough na po tayo sa kwentong pag-ibig at wala nang ibang pag-uusapan pa sa buhay ni Lenin. Pero kung gusto mo talaga ng mga usapang pag-ibig... pagbibigyan namin kayo.

Meron kaming ilalagay dyan na isa pang page sa may taas. Dyan ka magbasa ng mga kung anu-anong anik-anik tungkol sa love. Kung di ka pa kuntento, at kung may gusto ko pang malaman, mag-comment lang. Lahat ng katanungang sasagutin ay ipo-post dito. Kahit anong tanong ay pwede.

Ang page na lalagyanan ng mga kwentong pag-ibig ay naglalaman ng mga istoryang kagigiligan, kaiinisan, katatawanan, kaasaran, panghihinayangan at pagi-inspirasyunan. Abang lang kayo.

Ang buhay pag-ibig ni Lenin Zulueta

Hahaha!

Natatawa ako sa isip ko habang nag-iisip ako ng title na pwedeng ilagay dito sa pabasa kong ito. Wala naman kase akong ibang maisip kundi puro love. Punyeta.

Pero bakit nga ba puro love ang nasa isip ko? Ganito kase yan.

Broken hearted kase ako. Hindi lang sa syota, kundi sa iba pang bagay. Maraming bagay.

Anu-ano yon?

Una, nakipag-break saken yung gf ko. Masyado na kase akong nagiging hambog sa mga kilos at galaw ko. At pati na rin sa pananalita. Kaya napilitan (di ko lang alam kung napilitan talaga) sya na makipag-break na lang saken. At hindi lang yon ang dahilan kung bakit nya yon ginawa saken. Lahat kase kasalanan ko. Hindi ako marunong magpakumbaba. Hindi ko kase sya minsan pinapansin sa room. Pero wag nating sabihing, "minsan". Sabihin na lang naten na "lagi". Siguro ngayon, pasigaw kang magtatanong ng "ba't mo kase hindi pinapansin? ulul ka pala eh!". Torpe rin kase ako eh. Hindi ko lang sinasabi sa iba. Kaya ko hindi sinasabi kase ang tingin nila saken eh "loyal". Kaya natakot din akong baka mag-iba ang tingin nila saken. Hanggang sa maramdaman na lamang naming dalawa na parang wala namang mararating ang relasyon namen, ayun na! Sumabog na! Bumigay na! Kumbaga sa computer shop, time na. At syempre, hindi ko mapigilang umiyak na parang babae.

Friend: Uy! Anung nangyare sayo?
Me: Break na kame!
Friend: Break na kayo?
Me: Hinde, hinde! Paulit-ulit? Paulit-ulit? Unli? Unli?

Pangalawa, lagi akong nawawalan, o lagi akong walang pera. Kasalanan ko pa rin naman eh! Masyado akong magastos! Hindi ko matiis! Nyemas! Eh ikaw ba naman na mayroong 250 sa isang linggo eh. Kaya pag may kailangan ako, wala akong mapagkunan! Nyemas talaga! 'To namang mudra ko, ang kapal ng mukha para magdamot! Pero naiintindihan ko naman sya kung bakit nya saken ginagawa yung kadamutan nya saken. Siguro sa hirap nga ng buhay ngayon.

At pangatlo, kaibigan. May isa kase akong kaibigan sa classroom namen na naging kagalitan ko. Pero sya lang yung galit saken kaya sabihin na lang naten na may kaibigan akong galit saken sa room. Wala naman akong ibang ginawa sa kanya kundi ang biruin at pasayahin sya. Pero nung ginawa ko sa kanya yon isang araw, hindi ko naman alam na badtrip pala sya. At sa sobrang badtrip, pati ako dinamay. Echosero. Nagbiro lang ako sa kanya na parang siga, tapos biglang nag-angas saken! Sabi ba namang, "sige t*ng-ina ka, suntukan tayo?". Ansabeee? Why so serious? Tapos yun. Alam kong normal na bagay lang ang magkaroon ng away-kaibigan sa lahat ng tao. Pero para sa akin, uulitin ko, para sa akin, hindi ito normal. Baket? Hindi kase ako katulad ng iba dyan na basta galit sa kanya yung kaibigan nya, magagalit na rin sya! No! Ako, hindi ako nagagalit kahit ilang century pa tumagal yung galit nya saken dahil lang sa simpleng bagay. Alam mo kung baket? Kase hindi ako ganun kababaw.

Pero ang pinag-uusapan natin ngayon dito ay "ang buhay pag-ibig ni Lenin Zulueta". Tanggalin na nga natin yung apelyido, masyado akong nagmumukang mayaman kahit hindi naman.

"Ang buhay pag-ibig ni Lenin"

Kamusta naman ba ang buhay-buhay ko sa lablayp? Eto, sabi ko nga, living single. Break na kame. Dahil sa kayabangan ko. At pati na rin sa hindi pag-work ng relationship namen (wow! minsan lang ako mag-taglish!).

Sanay na ba akong broken hearted? Syempre hinde! Nukaba? Hindi ako katulad ng ibang lalake dyan na pagka-break eh maghahanap agad ng ibang babae. No! It's not my attitude! (Wow! Umi-english ang lolo nyo!). Medyo nahihirapan din akong mag-move on. Pero hindi na "medyo" ang tawag dun. Paano ka nga ba magmo-move on sa isang babaeng pinagbuhusan mo ng effort mo? Leche! Ang hirap kaya! Kahit pa sabihin mong hindi kayo nagpansinan ng ilang araw, ang hirap pa rin! Alam mo kung bakit? Kase kakabit ng "move-on" ang pagiging "torpe". Yun yun eh!

Paano ka magmo-move on kung torpe kang layuan sya. Lalayuan mo na nga sya eh, torpe pa rin? Paano mo sya makakalimutan kung torpe kang hindi sya isipin? UTUSAN MO YANG UTAK MONG KALIMUTAN SYA! KASE UTAK MO YAN! At paano ka makakapag-concentrate sa mga ginagawa mo kung laman pa rin ng puso mo ay sya? Ewan ko sayo.

DJK. Alam kong hindi mo madali, at medyo mabigat. Pero kung susumahin, ang importante lang sa lahat, ay yung marunong kang mag-isip sa lahat ng kilos na gagawin mo. Ako, pangatlong gf ko na sya, pero masasabi ko bang laspag na tong puso ko at medyo magaspang na dahil nakailang break-ups na ako? Tanga! Hinde! Kaya nga may move-on, diba?! Pero hindi ibig sabihin non eh maging manhid ka na kapag nag-break na kayo. Ang "move-on" ay ginagawa lang ng mga taong hindi pa kayang lumimot ng nakaraan ng kanilang minamahal. Isa na dito ang sunog na alaala. Hindi ka nito pinapagaling, tinuturuan ka neto! Tinuturuan ka na bawal palang magmahal sa taong kabit na nga ng iba, tapos makikikabit ka pa. Yun yung point ko dun! Hindi ka nito pinapagaling dahil nasaktan ka!

Teka, teka, nasan na ba 'ko?

Ayun. Move naman tayo sa "maghahanap pa ba 'ko ng iba?".

Onga naman, maghahanap pa ba 'ko ng iba gayong nakatali pa rin ako sa kanya pero sya eh gusto nya nang tanggalin? Depende. Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi ako tulad ng iba dyan na naghahanap AGAD ng iba pagkatapos ng break-up. Hindi naman ako gutom sa babae. Hindi rin naman ako takot maging single. At hindi rin naman ako tangang bitter na hindi gumagamit ng common sense para maghanap ng panakip-butas.

May blog pa pala kami!

Lahat naman ng tao, busy.

Busy sa eskwela.
Busy sa love.
Busy sa trabaho.
Busy kahit saan.
Busy sa kahit na ano.

Ang trabaho naming tatlo ay hindi lang magpahayag dito sa blog na ito. Trabaho rin naming mag-aral. Mag-aral sa kahit ano. Pero isa lang ang pinangako namen, ang wag kalimutan ang blog na ito. At mag kwento sa mga tao.

Sige, umpisahan naten ang tagay sa kung bakit ang tagal naming hindi nakapag kwento dito.

Si Lenin, yung main leader, eh matagal ring na-stuck sa lovelife. Matagal ring naging busy sa mga aralin sa eskwela at wala ring ibang ginawa kundi ang mag-convert ng carbon dioxide sa oxygen sa bahay nila.

Ito namang si Jerome, yung 2nd leader, eh medyo na-trap din sa lovelife ng pansamatala. Pero nawala rin agad yung nararamdaman nya dun sa babaeng dapat eh liligawan na nya. Torpe kase. Naging busy rin kasama ni Lenin. At busy sa pagsubaybay sa mga panaginip nya.\

Itong si Mangilin, yung 3rd leader, eh busy rin sa kabo-blog nya sa blogspot nya. Oo, may sarili syang blogspot. At nakisali lang sya dito. Hindi, sinali ko lang pala.

Pero isa lang naman talaga ang rason namen eh, TINAMAD KAME!

Sino ba namang tatamarin kung alas-kwatro na ang uwian at may baon ka pang mga assignments at projects para gawin sa bahay. Sinong di tatamarin kung sa dami ng problema mo ay wala ka nang ibang magawa kundi ang matulog o tulugan ito. Sinong di tatamarin kung sa sobrang tamad mo dahil sa mga assignments at projects eh halos yung iba mong dapat ay gagawin mo ay nakalimutan mo na. Except gf.

Sa ngayon, si Lenin lang ulit yung unang nakapag-post dito. Yung nakikita mong post sa baba, kwento nya yan at ng gf nya tungkol sa.... secret! Bawal sabihin, baka magalit si Lenin. Abangan niyo na lang. Siguradong mabo-boring na naman kayo sa kwento nya.

So, anong genre ba ang website namen? Kahit ano. Halo-halo. Kaya nga MGA KWENTONG KANTO ang pamagat ng blog kasi nga sa kalsada, kalye at kanto, iba't-ibang kwento at pangyayari ang maririnig mo. May mga kalokohan, iyakan, tawanan, namatayan, krimen, sigawan, suntukan tadyakan, fliptopan at pick-apan!

Pero bukod dun, wala kaming ibang gagawin kundi ang magkwento. Wala kaming iibahing sistema. Kung may madadagdag man, konting graphics lang at mga authors.

Pero ito ang tandaan niyo, mahirap tamarin lalo na kung may kailangan kang gawin. Kaya dapat, habang ramdam mo pa sa sarili mo na ganado ka pa para gumalaw ngayon sa kinauupuan mo, samantalahin mo nang simulan ang mga bagay na dapat mong gawin. Lalong-lalo na ang paghugas ng pinggan. Alam naming madaling gawain lang yan pero kung nagkataong tamarin na kayong gawin yan, wala na kayong magagamit para sa pagkain. Gets mo? Ibig sabihin, iwasan mong tamarin para magawa lahat ng bagay na kailangan mong gawin.