Walang pamagat

Matagal-tagal-tagal-tagal-tagal-tagal na rin kaming tatlong hindi nakapag-kwento dito bagama't wala namang talagang nagbabasa at bibihira lamang ang dumadalaw.

Sa ngayon si Lenin, naka-confine. Confine sa bahay nila. At hindi namin alam kung hanggang kelan sya doon tatagal. Buset.

Ang konsepto ng website na ito ay para magpayahag ng aming nararamdaman, pumutok ng mga nilalaman ng utak namen, magkwento ng mga karanasan at mag-komento sa mga lumulutang na shits. Bagama't ilang buwan na rin ang nakakaraan simula nang buoin toh ni Lenin, nag-iisip-isip kame kung paano namen gagawing mas aktibo ang pagkwe-kwento dito sa blog. Ilang araw na. Pero tulad ng dati, ganun pa ren. Ang daming harang. Ang daming hadlang, ang daming dapat gawin. Ang daming dapat unahin. At ang daming dapat alalahanin kesa sa blog na toh. Well, naiintindihan naman siguro ng iba na natural lang ang hindi makapag-post sa blog ng isang araw o isang linggo. Pero para sa amin, parang napakalaking pagkakamali na sa amin iyon.

Skip muna naten ang tungkol sa bagay na yan. Si Lenin lang ang may kakayahang mag-balita sa inyo dito at mag-edit ng bandila namen. Sya lang ang may kakayahang mag-sulat dito. Ang mga nababasa mo eh pawang kinokopya lamang ni Lenin sa isang kapirasong papel at pagkatapos eh ilalatag nya na dito ang mga nasulat namen. Malamang minsan tinatamad ka magbasa ng kwento namen kapag alam mong hindi naman interesado ang mga tao dito sa kwentong toh. Pero pinipilit naming buhayin yan. Pinipilit naming ikwento ang mga nilalaman ng mga utak namen at nakikita ng mga mata namen sa loob at labas ng bahay at eskwelahan.

"Ibahin niyo na lang ang konsepto niyo", yan ang sabi kay Lenin ng isang kaibigan nya na itatago na lang naten sa pangalang Levis. Mahirap mag-iba kapag ang nakagisnan ng blog na ito ay itinatak na ang nakaraan. Kapag nakita niyo ang mga dating post dito sa blog, kadalasan mong makikita ang salitang "ako" "ko" "akin", imbis na "amin" "samen" "kame". Mahirap nga talaga ibahin ang kinagisnan.

Hindi kami nagbabalak na manggaya sa ibang sikat at bigating blogsites. Ang gusto lang namen ay maging aktibo. At yun ang problema namen. Hindi namin alam ang gagawin. Hindi naman pwedeng palampasin namin ang sang buwan bago magkwento. Hindi kami naghahangad na maging sikat kesa sa iba dahil alam naman naming hindi namin yun magagawa. Kaming tatlo ay magtutulungan. Bagama't si Lenin lang ang may kakayahan na magkwento dito, marapat na rin na ibigay ni Lenin ang Username at Password ng account ng blog na ito. Dahil hindi nga talaga magiging aktibo ang pagkwe-kwento dito kung isa lang ang nakikinabang, gumagamit, nagsusulat at nage-edit. Parang siya lang yung nag-iisang ibon na malayang makalipad pero ang ibang kasama nya'y ginagawa nya lamang laruan.

Alam naming si Lenin ay maraming beses nang nag-anunsyo na iibahin nya dito ang konsepto sa pagkwe-kwento. Pero ito na talaga ngayon iyon.

Magiging updated na kami sa lahat ng bagay. Kung sakaling may pangyayaring kanais-nais, maganda man o hindi, ay ilalatag namin yun dito at palulutangin. Hindi lang kase kame sanay nang walang nakwe-kwento dito. Kaya naman, UPDATED na kami simula sa Lunes. Kung gusto niyo ring maging UPDATED, i-follow niyo itong blogsite na ito. Madali lang naman. At kung gusto mo talaga kaming maging UPDATED, mag-share ka ng mga balitang alam mo o nalalaman mo diyan sa "Comment ka dito". Kahit anung alam mo, kahit maganda o pangit, kahit pangit o maganda.

Sige, yan lamang ang nais naming i-anunsyo. Bagama't wala namang masyadong makakabasa neto, ayos lang. Parang pagkanta lang toh, magpe-perform pa rin kami kahit walang nakikinig.