Buhay lang talaga kame kapag may bagyo


Ondoy two years ago: memories of tragedy



Wala na kameng pakialam jan sa Ondoy na yan. Malamang ikaw eh may pakialam kase maaaring ikaw ang isa sa mga nakaranas ng hirap sa kasagsagan ng Ondoy. Pero kame, kameng tatlo, kasama mga pamilya at namatay nameng ninuno, eh wala nang paki jan. Kumpirmado naman eh, hindi na ulit babalik yan. Pag bumalik pa yan, asahan mong totoo nga yung 2012: The end of the world. Mas maganda siguro kung inaalala na lang natin yang trahedyang dinala at iniwan sa atin ng bagyong yan. Tama na yung alalahanin natin ang mga pumanaw sa bagyong yan. Tama na yung iniisip na lang naten, pero wag na tayong maghangad pa ng iba. Wag na tayong mag-alala na may darating pa o mauulit pa yan. Siraulo ka kung ganun. Kung may bagyo man, yun eh mahina na lang.

Ngayon, binanggit lang namen yang Ondoy na yan para kunyare nakasunod kame sa uso. Totoo naman, buhay lang kameng tatlo kapag walang pasok kapag may in-announce na suspended sa kalagitnaan ng klase o di kaya eh wala talagang pasok sa paggising natin ng umaga. Netong mga nagdaang araw, alam namin, ramdam namin, na dadating at dadating at pupunta at pupunta at... at... at... at may dadating na bagyo. Yun lang ang inaantay namen para lang makapagkwento dito. Kase nga TAMAD  kame. Hindi naman sa tamad talaga tulad ng iniisip mo. Wala lang kameng gana. Pero mas pogi kaseng pakinggan kung "tamad" ang tawag sameng tatlo kapag walang gana.

Eto na nga. Wala na namang pasok. Pero wala ring kwento. Kase nakakatamad. Kung magkwe-kwento lang din kame ngayon, mauulet na naman yung "Lazy story inside" namen na pinost ng gunggong na si Lenin na ewan namen kung anong pumasok sa utak kung bakit magpo-post ng kwento pero putol naman. Sorry sa lahat ng nadismaya dun. Sorry kung nabitin kayo. Sorry talaga. Sorry kase mauulet pa yon.

Mga Kwentong Kanto Pick Up Lines


Boy Linya: Internet cafe ka ba?

Girl: Baket?

Boy Linya: Kase... ang bagal... mong mag-isep.

MKK: Poets and Poems

Sa Isang araw at Isang gabi
ni Jerome Tolentino

Sa isang araw, sa isang silid ng daan ako'y naglalakad,
naglalakad habang palingon-lingon sa kapaligiran.
Sa isang araw na ako'y naglalakad, mga taong napapansin
at mga taong nagpapapansin. Sa isang araw na paglalakbay,
pagod at uhaw aking niranas, walang inuman, walang upuan,
O sige wala na lahat.

Sa isang araw na aking pagtayo at paglalakad, may mga
napansin akong mga taong natutulog sa gilid ng kalsada at
namamalimos sa kalye, mga taong kapos sa pera, gamit
at mga kung anu-ano pa. Sa isang araw na paglingon-lingon,
mga taong hirap sa buhay at mga problema sa pera, sa 
mga taong nangungulila at nagtiya-tiyaga para lang magkapera.

Sa isang araw at sa isang gabi, mga taong nagnakaw,
pumapatay, at nangho-holdap, para lang may makain.
Sa isang araw at isang gabi, mga magulang na nagtitiis,
nagtya-tyaga at naghahagilap ng pera para mapakain
ang anak na gutom, na may mga kumukulong tyan, na
hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw... kaya...

...sa isang araw at isang gabi, kailangan nating harapin ang
mga problemang darating, hirap ng buhay na daranasin.
Kaya naniniwala ako sa kasabihan na...
"Pag may tiyaga, may nilaga"

The lazy story inside...

Wala naman kaming ibang makwento dito sa ngayon. Iba kase yung naramdaman namen netong mga nagdaang linggo at araw. Yung feeling na nakakagana yung mga nakikita mo sa loob ng eskwelahan pero nakakatamad yung pakiramdam mo.

So, naghahanap ka ba talaga ng kwento ngayon? O sige, pagbibigyan ka namen. Dahil tinatamad kame ngayon, nakakatamad din ang ipopost naming kwento na tsak, ikakatamad niyo rin.

Lunes, tinatamad si Lenin na gumising ng 4:00 ng umaga dahil nagpuyat siya nang dahil sa project ng kanyang ina para sa masteral sa PUP. Bale sa paggawa nya, kasama na dun ang facebook, mgaepal.com, blogging, panonood ng porn youtube at marami pang iba. Kaya kinabukasan, imbis na 4 pa lang eh dapat magsasaing sya, nagising na sya ng 6 at hindi na nakapag saing. Dali-dali na rin syang kumilos pero wala pa rin yun. (FYI: Kahit anong sermong isigaw niyo kay Lenin, hindi pa rin nya bibilisan ang pagkilos.) 6:10 na nung naligo, 6:20 na nung namalantsa at 6:30 na nung nakasakay ng tricycle. At ang masaklap, nakalimutan pa nyang humingi ng allowance sa nanay. Pagdating sa gate ng school, sarado na yung malaking gate, at nakabantay na yung guard. Pagpasok, binigyan sya ng papel. Pero hindi nya na dun sinulat yung violation nya, tuloy-tuloy na siyang lumakad at nilukot na lamang ang papel na binigay. Pagdating sa room, swerte nya dahil wala pang teacher.

Nung nakaraang linggo, nung biyernes (linggo? biyernes?), dumating si Jerome ng 7:20, di namin alam kung bakit. Pero naalala ni Lenin kung bakit nga ba siya pumasok ng late. Bago dumating ang araw ng biyernes, may sinabi si Jerome kay Lenin nung lunes at malungkot sya. Aalis na daw kase yung nanay nya sa biyernes. Padadalhan naman daw sya ng pera dito sa Pilipinas para sa pang-enroll nya. Kung bakit sya malungkot, yun eh dahil isang buwan nya lang nakasama ang nanay nya. At mamimiss nya daw yun ng sobra kesa sa mga chicks nya. Pagpatak ng huwebes, di namin halata ang lungkot sa mukha at kilos ni Jerome. Masaya lang sya, sumasakay lang sa mga patawang kalbo. At dinadaan sa ngiti ang pait na nararamdaman (shet! pang-mkk!). Dumating ang araw ng biyernes. Nanibago ako kase wala akong nakikitang matangkad at palakad-lakad habang may earphone sa tenga (earphone sa tenga? malamang sa tenga! tanga!). At.. at.. at..

...pagdating ni Jerome, malamya. Tamad. Malungkot. Namamaga ang mata at matamlay.

Iku-kuwento pa namin dapat ang iba pang nakakatamad naming kwento kung hindi lang kami inantok at tinamad...

..sa susunod na lang. May bukas pa.

Ang sampung kasalanan sa Libro ng mga Mukha


1. May magch-chat para lang pilitin i-like ang picture nyang kita ang maputi nyang legs.
2. Magco-comment sa mga status pero hindi nakalatag at walang kinalaman tungkol sa status.
3. Nagsasabi ng "FIRST" sa mga status o pictures.
4. May nakikitang mga pictures na nakakahiyang tignan at mga taong panget na nga eh magpupulbos pa rin at pipiliting maging cute at baby face kahit puro tigyawat na sa noo.
5. Mga taong nagpapalit ng Lovelife status porke't nag-away sila ng gf/bf nya.
6. Mga posts na walang kwenta at wala tayong pakialam tulad ng "nagugutom ako ngayon, gusto ko ng hamburgers!!"
7. Mga Pictures na naka-tag kahit hindi naman tayo interesado sa mata nyang naka-pilikmata.
8. Mga taong nakapila sa Friend Request kahit hindi naman kilala
9. Mga status na may misteryosong pangungusap at tila may pinapatamaan.
10. Mga groups na bigla-bigla na lang susulpot sa gilid ng wall mo kahit hindi ka naman nagpa-add sa kanila eh naka-add ka.


Di naman kami masyadong apektado sa mga pagkakasala na yan pagnagbubukas kami ng Facebook. Siguro dala na rin ng kasanayan dahil sa una pa lang eh ginagawa na natin toh. Pero naaawa din ako sa mga gumagawa nyan at nakakakita sa mga gumawa nyan.

Pwede naman natin yan pigilin eh. Ang kailangan lang natin ay respeto. "Etiquette" ika nga ni Lourd. Kung pag-uusap nga sa telepono eh may sinusunod tayong batas na maging magalan, paano na kaya sa internet at sa iba pang social networking site.

Umpisahan natin.

Una, wag kang mamimilit sa mga naka-online at magchat para lang i-like ang picture mong mabaho. Malay mo, hindi sila interesado sa picture mo, made-depressed ka lang kapag hindi nila ni-like.

Pangalawa, hindi porket box ang shape ng comment box eh gagawin niyo na rin itong chatbox. Magkaroon kayo ng disiplina sa iba. Isipin niyo naman ang kalagayan ng makakabasa at ng nag-post. At iwasan din ang pagsabi ng "First!" kung una ka ngang nakapag-comment dun sa status nya o di kaya sa picture dahil hindi laro ang facebook para makipag-unahan mag-comment at sabihin ang "First!". Magmumukha ka lang tanga.

Pangatlo, iwasan niyo ang pag-popost ng mga nakakahiyang pictures niyo o ng iba. Konsiderasyon ang i-post niyo, wag yung mga pictures na nakahubad kayo o di kaya eh tapat na tapat ang camera sa mukha at kitang kita pa ang mapuputing tigyawat sanhi ng maraming pinahid na pulbos.

Pang-apat, wag laging magpalit ng love status porke't nag-away kayo ng gf/bf niyo. Malay mo, magkabati kayo ulit pero hindi pa nya alam na iniba mo pala yung status mo nung nag-away kayo, paano na kung makita nya toh nung bati na kayo? Nakakahiya.

Panglima, hindi naman kami masyadong naaapektuhan sa mga post na puro jokes lang ang laman, nakakatulong pa nga toh na pangtanggal ng stress sa tuwing naghahanap ka ng panandaliang aliw.
Pero kung magpo-post ka ng mga status na wala namang kwenta at laging may pinatamaan kahit wala, wala na kaming pakialam dun.

Pang-anim, wag ka nang mag-post kung nagugutom ka o naiiihi ka na. Delikado toh, paano kung isa sa mga tropa mo eh serial killer? Baka napatay ka pa. At isa pa, wala na kaming pakialam kung nagugutom ka dahil wala naman kaming pakialam sa nararamdaman mo. Kumain ka na lang jan ng bubog at manahimik.

Pangpito, kung ikaw mismo eh naiinis sa lagii nilang pagtatag sayo, magtyaga ka na lang i-remove. Pero kung alam mong maganda at importante ang picture na lumabas, edi wag mong i-remove.

Pangwalo, iwasan lagi ang pag-aadd ng kahit sino na hindi naman kilala dahil sa pamamagitan neto eh lumalagay ang buhay mo sa panganib at sumasalalay sa mga taong dumadaan sa paligid mo.

Marami pang kasalanan ang meron sa loob ng Facebook, hindi lang naten napapansin tulad ng pag-hack at pagkalkal ng impormasyon ng ibang profile. Marami din ang dapat baguhin at bigyang disiplina para mas karespe-respteto at kagalang-galang ang pagmumukha ng Facebook sa tingin ng ibang tao. Sabi nga ng Facebook bago ka mag-log in, "Facebook helps you connect and share with the people in your life."


Oo, tinutulangan tayo neto na mag-share ng mga gusto nateng i-share. Pero sa loob ng mensahe na ito eh ang ibig sabihin ay magpost ka ng MAGAGANDA hindi puro PANGET ang ilagay mo. Tinutulungan din tayo netong magkaroon ng connection sa ibang tao gamit ang chat at "add as friend" button. Pero ang ibig sabihin ng mensahe, makipag-usap ka ng may kasamang GALANG hindi KABASTUSAN.

Mga Kwentong Kanto Pick Up Lines

Boy Linya: Miss, pagkain ka ba na kinain ng mga tao tapos gumiling sa tyan at inilabas sa toilet na walang tubig at binuhusan nang binuhusan hanggang sa lumubog at dumiretso sa kanal tapos pinulot ng mga batang naglalaro pagkatapos eh iniwan na lang sa kalsada?

Girl: Huh? Baket?

Boy Linya: Kase, hindi kita kayang paglaruan eh.

All about PLASTIK

Nito lang mga oras na toh, nanggigil ako sa mga nabasa ko. Hindi sa lectures ng teachers, kundi sa facebook. Eto ang dahilan kung bakit napamura ako ng PUT@!#$% sa harapan ng computer namen.

May isa akong kaibigan, si Tina. At isa pang kaklaseng maliit pero palaban pagdating sa daldalan at nilibre pa ako noon sa 7 eleven ng slurpee, si Bernard.

Nagsimula ang lahat kay Tina na pinaringgananan ni Bernard sa loob ng classroom. Nagpa-check kase si Tina nun at nang pabalik na sya sa upuan nya, dumaan sya sa gilid ng upuan ni Bernard, at eto namang si ungas eh biglang nagparinig.

Di ko na alam kung anong sinabe, pero alam ko yun, nakalimutan ko lang. Sa pagkakaalam ko, ang mensahe na nilalaman ng pagpaparinig ni Bernard ay parang nagsasabing "Plastik kang kaibigan! Dapat kang sunugin ng isandosenang gasolina sa loob ng drum! Walang'ya!" Pero hindi talaga yan ang sinabe nya, kaya wag kang masyadong pauto saken.

Eto namang si Tina, narinig nga. Tinamaan sya. Kung bakit sya tinamaan, eh dahil sa sakto nyang pagdaan sa gilid ni Bernard eh sakto ring nagparinig tong si ungas. Bale nagkaramdaman na. Nagkatamaan na. At nagsimula na ang pagsiklab ng pagpapatama sa Facebook.

Eto ang ilan sa mga nabasa ko:

"Plastik buyset ka maraming nagagalit panira ka ng hayup!"

"Ako? Plastik?! Excuse me! Tawag sayo? 2 taon mo nga ako pinlastik ei! May narinig ka?! Kapal ng mukha mo! Prrraaammmmiissss! Letseee! Tamaan ka, pake ko?!"

Sa dalawang status na yan, jan sila biglang dinumog ng mga usi at paparazzi sa comment box. Kung anu-anong tanong at sagutan ang nabasa ko sa comments. At nasama jan ang girlfriend KO! Girlfriend KO!!

Si Amy. Nakatanggap din ako ng chismis sa kanya. Na nagpapanggap lang DAW sya. Na nagpapaawa effects lang DAW sya. At nagpakaplastik DAW ng dalawang taon.

Umuulan ng 'DAW'. Ibig sabihin nyan eh hindi ako sigurado sa mga narinig ko at wala akong nakitang ebidensya sa mga ginawa nya. Pero hindi na ako naghanap ng ebidensya dahil sa mga ganyang klase ng problema eh hindi mo kailangan ng mga pisikal na bagay para lamang mapatunayan ang isa pang bagay na hindi ka sigurado.

Balik tayo dun. Dun banda. Nilabas ni Tina ang katotohanan at hindi na nakapagpigil sa pagsasalita. Sumagot sya ng may kasamang "eloquence" o kung tawagin eh 'magaling na pananalita' at sa kabaliktaran, 'bastos na pananalita'. Si Bernard naman, sinasabayan lang ang flow ng pagbitaw ng bala at putok ni Tina sa pamamagitan ng pagsagot at pagbara sa mga salita ni Tina. Tuloy-tuloy lang ang mga sagutan. At pati na rin kantyawan. At pati side comments.

Kung bakit nasama ang girlfriend KO, hindi ko na alam. O ayaw ko nang alamin o ayaw ko lang ipaalam sa mga makakabasa. Pero hindi ko hahayaan na marumihan ang kanyang pangalan, bumagsak ulit at tuluyan iwanan. Pwera na lang kung kagagawan nya talaga ang lahat, pagsasabihan ko sya.

At kung bakit ako nabwiset, hindi dahil sa galit ako sa plastik, kundi dahil sa pag-sasagutan nilang dalawa at pagbitaw ng mga katotohanan. Kung bakit ako nabwiset at napamura, hindi dahil sa pagmumura nila, kundi dahil sa pag-uusap nila ng public at hindi private. Lahat naman nadadaan sa usapan, pero hindi mabuti. Mas maganda nang hindi na malaman ng iba kesa naman kantyawan pa kayo at hayaan niyong asarin kayo ng mga kaklase naten pagdating sa room.

Wala naman akong ibang maipapayo sa kanila. Pero may bibitawan lang akong isang quote:

"Mas maganda nang sapakin ng katotohanan kesa kurut-kurutin ng kasinungalingan."
-MgaEpal.com

Paano tayo tinutulungan ng mga kaibigan naten sa problema?

Sagot: Ibibigay nila ang pinaka-tangang suggestions na mapapatawa tayo at malilimutan ang problema.