Anong masarap sa kahirapan?

Tanong, ano nga bang masarap sa kahirapan?

Munting tanong na mahirap sagutin. Mahirap naman talaga yang sagutin kahit alam kong ikaw lang ang kayang magsagot nyan gago.

Nanonood ako ng isang programa sa t.v. nina Tito, Vic and Joey na pinamagatang "Eat Bulaga", at may nakaloob na temang "Juan for all, all for Juan, Bayanihan of 'd pipol". Sa bandang gitna ng programa, nagpunta sina Jose, Wally at Paulo sa isang bahay na kung saan eh may labindalawang anak sa apat na dingding at isang bubong na kung tawagin ay tahanan, at mag-asawa na walang ibang trabaho kundi ang maging Street sweeper. Dalawang beses kumain isang araw, walang pera, hirap mapag-aral ang mga anak at ang iba'y hindi talaga pinag-aral.

Habang pinapanood ko ang palabas, unti-unting pumapasok sa isip ko kung bakit nga ba naghihirap ang mga tao sa Pilipinas. Pumasok sa isip ko ang mga kadahilanan kung bakit dumadami ang populasyon sa isang masikip na lugar.

Ngayon, ang tanong ulit, anong masarap sa kahirapan?

Sasagutin ko yan ng patanong, anong resulta pagkatapos ng kasarapan?

Kahirapan, diba? Kung hindi ba naman tanga kayong mag-asawa na mag-anak ng marami eh talagang maghihirap kayo. Dahil unang-una, kailangan niyong gawin ang obligasyon niyo sa anak niyo bilang isang ina/ama na mapag-aral sila at bigyan ng magandang kinabukasan para sa hinaharap. Pangalawa, trabaho ang dapat hinahanap, hindi sarap. Oo, sige, sabihin na nating laki nga kayo sa hirap simula nang nagpakasal kayo, pero wag na wag niyong gagawing dahilan iyon. Dahil hindi pa kayo pinapanganak, mahirap na talaga ang mga magulang mo. At pangatlo, wag niyong sisisihin ang gobyerno kung bakit kayo mahirap ngayon at walang makain, dahil kayo ang may kagagawan nyan at wala na kayong ibang magagawa para maiahon kayo sa hirap dahil sa lintik na kasarapang ginagawa ninyo tuwing gabi. Wag na wag niyo ring iiyakan at pagbuhusan ng galit ang gobyerno kung bakit kayo hindi mapansin sa sobrang kahirapan, hindi lang talaga nila kayang magpunta sa mga eskinita o squatter areas, siguro kayo ang dapat na lumapit.

Tanong ulit, anong mahirap sa sarap?

Sagot, malamang, wala! (Of course, none!)

Hindi na natin naiisip ang mga mahahalagang bagay tuwing nakakatanggap tayo ng mga biyayang galing sa Diyos o sa mga kapwa natin pilipino. At lalo na kapag nakadagit ang mga lalaki ng babaeng pwedeng palaruin ng kanilang Angry Birds.

Uulitin ko yung dahilan kung bakit tayo naghihirap, sagot, buntis ng buntis, anak ng anak.

Ang ibang mga tao'y sanay na sa kahirapan, madiskarte na at kuntento na sa kanilang pamumuhay na wala. Pamumuhay na wala. Wala nang pakialamanan sa pamilya at mga kapitbahay. Walang permanenteng bahay. Walang makain. Walang pera. Walang kwenta. Kuntento na sila, dahil tingin nila, wala na silang pag-asa at ang tanging sinasandalan na lang nilang gawin ay ang magtiis. Tingin nila eh wala na silang kwenta sa paningin ng iba. Trabaho? Pusher, seller ng shabu o marijuana, etc.

Tanong, may pag-asa pa bang tapusin ang kahirapan sa Pilipinas?


Pa-prankahin ko kayo kahit alam kong bata pa ako para sagutin toh, wala na.

Iba ang salitang "mali" sa salitang "hirap".

Kung sa tingin mo eh kaya mong magbago, gawin mo. Kung hinde, pakamatay ka na tanga! Tao lang ang kayang magbago, sapat na sa atin sabihin na "magbabago na ako para sa pamilya ko", tao lang ang kayang magbago para sa sarili niya, pero hindi kaya ng mga taong nagbago na baguhin ang kanyang paligid pwera na lang kung born again toh.

Pranka na 'to.

"Hindi natin kayang patunayan na kabataan ang pag-asa ng bayan habang meron pang hindi kayang makapag-aral nang dahil sa kahirapan."

Oo, may nalalaman nga ang mga kabataan, pero hindi ito nakakatulong sa bayan dahil para sa sarili nila lamang ang mga natututunan nila.