Ang apat na magkakaibigan.
Iisa lang sa kanila ang bago.
Ito ang apat na kwento,
mula sa apat na siraulo.


Matagal na panahon na rin bago ako magsulat tungkol sa mga sikreto namen. At pati ako. Ipinutok ko dati dito ang una kong pagtapak ko sa CCC. Ang una kong pag-asar sa mga bago kong kaibigan. At ang una ko ring lablayp.

Eto naman ang kakaibang kwento ng apat.


Una, si Alexis Mangilin.


Siya ang Bespren. Bespren ko. Pangalawa kong nakilala mula sa una kong kaibigan. Pero siya rin yung una kong naging sobrang super duper mega eclostiastic punchiastic eklabustic close sa school. Easy tiger lang siya pagdating sa mga problema. Hindi sya katulad ng iba na sobrang pressure pagdating sa mga reviewing. Hindi rin sya pa-cute, easing-easy lang talaga sya sa mukha nya. Walang pake sa iba. Kung titignan mo sa picture, payat sya eh noh? Pero pag nakita mo sa personal, mas lalong payat yan. Maniwala ka. Tinulungan ko dati yan kahit hindi sya saken humingi ng tulong. Nung may gusto syang babae na di ko malaman-laman kung liligawan ba nya o hinde. Di ko sasabihin yung pangalan ng babae, baka maging issue pa. Tinulungan ko naman, pinayuhan ko nang pinayuhan. Pero sa bandang huli, sumuko rin. Hay naku.

Pero bago mangyari ang lahat, may binigay ako sa kanyang payo na hindi ko makakalimutan, magpapayat. Wag syang kakain ng tatlong beses sa isang araw. Dapat lagi syang pinagpapawisan at dapat laging aktibo.

Si Mangilin yung binanggit ko dati dito na nagmamay-ari ng isang blog, ang DOES THIS BLOG MAKES US IDIOT?!? Ako gumawa ng blog nya, tinuruan kong mag-blog, tinuruan ko magkwento nang marami at magdesign. Sya yung tipong tao na matampuhin, challenging pagdating sa pagkakaibigan. Sa kanya mo lang mararanasan kung hanggang kailan tatagal ang ugali mong pinakita sa kanya, dahil pag nilayuan mo sya at binalikan ulit, malamang mapapansin nya ang nag-iba mong ugali.



Pangalawa, si Zach Pascua


Sayang di ko naipakita yung harapan ng mukha netong lalakeng toh. Pero sa pangalan pa lang, parang kilala mo na agad ang pagkatao. Hindi syang yung lalakeng gwapo dun sa High School Musical tanga! Ang layo kaya! Kapareho ko sya sa apelyido nya yung middle initial ko, "Pascua" kase ibig sabihin ng "P" sa pangalan ko. May pagkakapareho din kami ng lahi. Nagulat nga ako nang tanungin ko sya kung anong lahi nya. Sabi nya, IFUGAO sya. Tapos sinabihan ko sya ng salitang mura sa Ifugao, "Okinam". Sagot nya naman sa sinabi ko, "Gago! Wag kang magmura!"

May girlfriend sya ngayon. Maayos naman. Maayos magkagulo. 7 o 8 months na yata sila ngayon. Laging nag-aaway. Laging naghihiwalay. At laging nagkakabalikan. Mahal naman nila ang isa't-isa. Di ko alam kung anong problema. Di ko na sasabihin pangalan ng syota nya, baka mamaya hanapin mo't sulutin mo pa.

Masarap naman kasama tong si Zach. Tatawa ka lagi kapag kasama mo. Pero di ko pa naranasang ilibre ako neto. Magka-barkada naman kame neto, obvious naman sa picture. May iba lang syang barkada sa room namen. Mahilig mang-bara toh, kaya ako, ingat-ingat lang sa mga sinasabi kong jokes. Sinisigurado kong hindi sila mako-cornyhan sa mga jokes na sinasabi ko dahil ayaw na ayaw akong nababara ng pasigaw na "weeeeeehhhhh!!". Pero kung may ginawa kang bagay na ika-mamangha nila, asahan mo ang pagsigaw nya ng "yeaaaaaaahhhhh!!!".



Pangatlo, si Jerome Tolentino.


Maangas pumorma. Malakas ang dating. Tamad sipagin. Masipag tamarin. Ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya... sa una. Naging magiting kong barkada, kakunchaba, at kakopyahan sa room. Magaling mang-uto, tahimik pag-inaantok, maingay kapag mainit at mahilig magbiro. Sya yung tipong tao na pagnakatabi mo, magbabago pananaw mo sa buhay, este, iingay ka pala. Magbabago ugali mo at lalayo ka sa mga nakilala mo. Malakas ang pagkaka-impluwensya saken ng lalakeng toh. Ultimo mga trip nya, ginagaya ko. Nagmumukha tuloy akong batang sunud-sunurang asong binabatuk-batuka't sinisigawan na parang pusang tumae sa kama sa paningin ng iba. Pero ayos lang, nakakalimutan din naman nila, balewala din.

Magaling magpasaya ng tao tong si Jerome. Sikat sa campus, sikat sa room at sikat sa canteen. Kahit mga janitor, kilala sya, tawag nya nga sa mga janitor, commander! MAdaming tumatawag ng pangalan nya. Lapitin ng babae at pati lalake. Pala-kwento, pala-kanta at pala-kopya.

Una ko syang nakilala sa simpleng..... di ko na maalala kung pano kami nagkakilala neto eh. Basta natatandaan ko lang, nagkwe-kwento sya tungkol sa banda nya at pagtugtog nila. Mahilig sa kanta si Jerome, makulet pagdating sa babae. Pala-utos nga lang minsan. Pero masaya din kasama tulad ni Mangilin at Zach. Sa kanya ko natutunang buhayin at gamitin ang natutulog kong gitara sa maalikabok kong kwarto. At sa akin naman syang natutong magsulat nang binalak nyang gumawa ng grupo dito sa Mga Kwentong Kanto. Abangan niyo yan, may mabubuong grupo dito sa Mga Kwentong Kanto.



Panghule, ako, Lenin Zulueta


May iku-kuwento pa ba ako tungkol sa sarili ko? Wala naman eh! Tsk!

Sige na nga, baka magtampo yung isa jan.

Ako si Lenin. Batang taga-rizal. Batang SMMIS na naging CCCian. Batang manunulat. Batang mangungutang. Batang pang-asar. Batang mabait. Batang mangi-ngibig. Pero hindi Batanguenio. Ifugao ako. Sabi ko nga diba, kalahi ko si Zach.

Isinilang ako sa lugar ng Santolan at lumipat sa Cainta, Rizal upang mapag-aral sa mga sikat na school. Nagsimulang magkamalay sa edad na limang taong gulang. Nag-aral ng Prep sa CFWC. Tumungtong ng SMMIS mula Grade 1 at lumipat ng CES nang umakyat sa Grade 2 at 3. Lumipat naman sa De Castro Elementary nung grade 3 pero pinalipat lang ulit ako dun sa CES. Nang nagkamalay na ulit ako nung Grade 4, muli kong tinapakan ang eskwelahang SMMIS hanggang sa grumaduate ng Highschool. Doon ipinagpatuloy ang 1st year highschool. Doon naranasan ang mga unang first time. Doon naranasan na magpunta ng mall nang hindi kasama ang magulang at gumawa ng brutal na pango-ngopya. Gumawa ng isang bagay na hindi kanais-nais sa mata ng magulang at pinatigil sa pag-aaral nang malapit nang magtapos ang school year, sakto. At nang napag-isip-isip ko, pilit kong ipinagpatuloy ang 2nd year highschool. Inilakad ko ang SY ko sa St. Lucia pero hindi katanggap-tanggap doon ang mga grades ko. Muli, pinadyak ang mga tuhod at pinilit bumangon ng maaga upang ihanda ang sarili sa isang maliit na interview sa CCC. Mabuti na lang at hindi ako pumalpak sa pagsasalita. At eto na nga, nagpapatuloy ang pag-ikot ng mundo sa pag-ikot ng istorya ko sa umiikot na gulong ng tricycle tuwing papasok.

Yan ang kwento ng apat na siraulo na walang halong sikreto na tinatago sa loob ng kwarto.

We Are The F4