Alin ba sa dalawa?

Iiyak ba ako dahil iniwan mo ako, o kailangan kong maging masaya dahil hindi mo na ulit masasaktan ang puso ko?


Tanong yan saken ng kaibigan kong babaeng kapitbahay ko lang. First time kong makarinig ng ganyang tanong. Baket? Dahil ang mga ganyang uri ng tanong, nasa isip lang. Hindi tinatanong ng pisikal. Hindi tinatanong ng may nakakaalam. Yan ang tanong na nararamdaman lang naten at naiisip lang dahil paiba-iba tayo.



Ang tanong, Alin ba sa dalawa?

Hindi ko pwedeng sabihing walang sagot diyan dahil nakadepende yan. Madaling magpanggap na mahal mo ang isang tao, ang pinakamahirap ay 'yong sasabihin mong hindi mo siya mahal pero mahal mo namang talaga. Mahirap intindihin pero totoo yan. Pano ko nasabe? Syempre, naranasan ko na. At inuulit ko, depende yan sa ugali ng tao.

Kung ikaw yung tipo ng taong madaling masaktan kapag iniwan ng mahal nila, pwede kang magsaya. Dahil maaaring ilang beses ka nang nasaktan at ayaw mo nang maulit ito. Sawa ka na o ayaw mo na o tama na. O suko ka na. Talagang magsasaya ka non, pero hindi ko sinasabi na magpakasaya kang talaga na magpapa-inom ka pa sa mga kaibigan mo at magpapakalasing sa sobrang kasiyahan. Nasa loob na lang din yan, hindi mo na lang pinapakita. Parang sipon lang yan, kapag barado di ka makapagsalita ng maayos. Pero pag natanggal mo na, makakahinga ka na ng maigi. Hindi mo na lang pinapakita kase hindi naman yon importante sa ibang tao. Pwera na lang kung mama's boy/girl ka.

Kung ikaw naman yung tipo ng tao na iyakin... este masyadong mapagmahal o kung tawagin nila eh EMO, edi ipagpatuloy mo lang ang pag-iyak. Ibuhos mo lahat. Minahal mo yung tao eh, talagang hindi mo mapipigilang magdamdam kase nga mahal mo sya tapos ang sinukli nya lang sayo, iyak. I-iyak mo lang yan. Pero minsan kontrolin mo din, ilugar mo at mag-isip ka. Hindi lahat ng oras eh kailangan mong umiyak nang dahil lang sa kanya. Sabi nga sa kanta ni Yeng Constantino, "Wag kang mag-alala, wag mag-alala. Luha'y huhupa. Kahit masakit pa, parang bibigay na. Luha'y huhupa. Babaon din ang panahon, mga luha mo ngayong iniipon... wag na". Oo, nasasaktan tayo. Pero lahat ng bagay pwedeng itago sa mabuting paraan, pwede kang magwala sa sobrang saket na nararamdaman mo pero wag kang mandadamay ng ibang tao. Pwede mo ring pigilin yan at daanin sa pakikinig ng musics. Pero kung pakikinggan mo eh yung mga nakakalungkot, pakamatay ka na tanga! Wag ka na lang makineg! Masyado kang EMO!

Pero na sayo yan kung anu ka ba sa dalawang nabanggit ko. Binanggit ko lang ang mga ginagawa ng mga Iyakin at Masayahin. Pero kung iba ka sa dalawang yan, ayos lang. Kung ikaw yung tipo ng tao na tahimik, hindi pumapalag at manhid, bahala ka. Wala akong matutulong sayo. Tahimik ka lang eh. Maaring wala kang pakialam sa mundo o sa ibang taong nakapaligid sayo.