Sent Teris Op Lishu


Yan ang pangalan ng section namen. Ayus ba?

May plano kameng magkaka-klase. Kailangan naming mag-pagawa ng t-shirt para sa family day. Medyo salat pa kami sa pera pero alam kong madali na lang iyon mapapagawa.

Eto ang mga design sa damit na balak naming ipagawa...


Ganyang-ganyang-ganyan na ang desisyon nameng design na ipapagawa namen. Syempre di ko kailangan ng kickback pagdating sa mga bayaran. Mayaman ako noh'.

Abangan din pala ang pag-gawa din namin ng t-shirt.

Title: Living life in the Fastlane.

Bragging Rights


Abangan ang tatlong Authors na babago sa buhay mo.
Parating na sila.

Mga Kwentong Kanto:
"Living life in the Fastlane"

Alin ba sa dalawa?

Iiyak ba ako dahil iniwan mo ako, o kailangan kong maging masaya dahil hindi mo na ulit masasaktan ang puso ko?


Tanong yan saken ng kaibigan kong babaeng kapitbahay ko lang. First time kong makarinig ng ganyang tanong. Baket? Dahil ang mga ganyang uri ng tanong, nasa isip lang. Hindi tinatanong ng pisikal. Hindi tinatanong ng may nakakaalam. Yan ang tanong na nararamdaman lang naten at naiisip lang dahil paiba-iba tayo.



Ang tanong, Alin ba sa dalawa?

Hindi ko pwedeng sabihing walang sagot diyan dahil nakadepende yan. Madaling magpanggap na mahal mo ang isang tao, ang pinakamahirap ay 'yong sasabihin mong hindi mo siya mahal pero mahal mo namang talaga. Mahirap intindihin pero totoo yan. Pano ko nasabe? Syempre, naranasan ko na. At inuulit ko, depende yan sa ugali ng tao.

Kung ikaw yung tipo ng taong madaling masaktan kapag iniwan ng mahal nila, pwede kang magsaya. Dahil maaaring ilang beses ka nang nasaktan at ayaw mo nang maulit ito. Sawa ka na o ayaw mo na o tama na. O suko ka na. Talagang magsasaya ka non, pero hindi ko sinasabi na magpakasaya kang talaga na magpapa-inom ka pa sa mga kaibigan mo at magpapakalasing sa sobrang kasiyahan. Nasa loob na lang din yan, hindi mo na lang pinapakita. Parang sipon lang yan, kapag barado di ka makapagsalita ng maayos. Pero pag natanggal mo na, makakahinga ka na ng maigi. Hindi mo na lang pinapakita kase hindi naman yon importante sa ibang tao. Pwera na lang kung mama's boy/girl ka.

Kung ikaw naman yung tipo ng tao na iyakin... este masyadong mapagmahal o kung tawagin nila eh EMO, edi ipagpatuloy mo lang ang pag-iyak. Ibuhos mo lahat. Minahal mo yung tao eh, talagang hindi mo mapipigilang magdamdam kase nga mahal mo sya tapos ang sinukli nya lang sayo, iyak. I-iyak mo lang yan. Pero minsan kontrolin mo din, ilugar mo at mag-isip ka. Hindi lahat ng oras eh kailangan mong umiyak nang dahil lang sa kanya. Sabi nga sa kanta ni Yeng Constantino, "Wag kang mag-alala, wag mag-alala. Luha'y huhupa. Kahit masakit pa, parang bibigay na. Luha'y huhupa. Babaon din ang panahon, mga luha mo ngayong iniipon... wag na". Oo, nasasaktan tayo. Pero lahat ng bagay pwedeng itago sa mabuting paraan, pwede kang magwala sa sobrang saket na nararamdaman mo pero wag kang mandadamay ng ibang tao. Pwede mo ring pigilin yan at daanin sa pakikinig ng musics. Pero kung pakikinggan mo eh yung mga nakakalungkot, pakamatay ka na tanga! Wag ka na lang makineg! Masyado kang EMO!

Pero na sayo yan kung anu ka ba sa dalawang nabanggit ko. Binanggit ko lang ang mga ginagawa ng mga Iyakin at Masayahin. Pero kung iba ka sa dalawang yan, ayos lang. Kung ikaw yung tipo ng tao na tahimik, hindi pumapalag at manhid, bahala ka. Wala akong matutulong sayo. Tahimik ka lang eh. Maaring wala kang pakialam sa mundo o sa ibang taong nakapaligid sayo.



Ang apat na magkakaibigan.
Iisa lang sa kanila ang bago.
Ito ang apat na kwento,
mula sa apat na siraulo.


Matagal na panahon na rin bago ako magsulat tungkol sa mga sikreto namen. At pati ako. Ipinutok ko dati dito ang una kong pagtapak ko sa CCC. Ang una kong pag-asar sa mga bago kong kaibigan. At ang una ko ring lablayp.

Eto naman ang kakaibang kwento ng apat.


Una, si Alexis Mangilin.


Siya ang Bespren. Bespren ko. Pangalawa kong nakilala mula sa una kong kaibigan. Pero siya rin yung una kong naging sobrang super duper mega eclostiastic punchiastic eklabustic close sa school. Easy tiger lang siya pagdating sa mga problema. Hindi sya katulad ng iba na sobrang pressure pagdating sa mga reviewing. Hindi rin sya pa-cute, easing-easy lang talaga sya sa mukha nya. Walang pake sa iba. Kung titignan mo sa picture, payat sya eh noh? Pero pag nakita mo sa personal, mas lalong payat yan. Maniwala ka. Tinulungan ko dati yan kahit hindi sya saken humingi ng tulong. Nung may gusto syang babae na di ko malaman-laman kung liligawan ba nya o hinde. Di ko sasabihin yung pangalan ng babae, baka maging issue pa. Tinulungan ko naman, pinayuhan ko nang pinayuhan. Pero sa bandang huli, sumuko rin. Hay naku.

Pero bago mangyari ang lahat, may binigay ako sa kanyang payo na hindi ko makakalimutan, magpapayat. Wag syang kakain ng tatlong beses sa isang araw. Dapat lagi syang pinagpapawisan at dapat laging aktibo.

Si Mangilin yung binanggit ko dati dito na nagmamay-ari ng isang blog, ang DOES THIS BLOG MAKES US IDIOT?!? Ako gumawa ng blog nya, tinuruan kong mag-blog, tinuruan ko magkwento nang marami at magdesign. Sya yung tipong tao na matampuhin, challenging pagdating sa pagkakaibigan. Sa kanya mo lang mararanasan kung hanggang kailan tatagal ang ugali mong pinakita sa kanya, dahil pag nilayuan mo sya at binalikan ulit, malamang mapapansin nya ang nag-iba mong ugali.



Pangalawa, si Zach Pascua


Sayang di ko naipakita yung harapan ng mukha netong lalakeng toh. Pero sa pangalan pa lang, parang kilala mo na agad ang pagkatao. Hindi syang yung lalakeng gwapo dun sa High School Musical tanga! Ang layo kaya! Kapareho ko sya sa apelyido nya yung middle initial ko, "Pascua" kase ibig sabihin ng "P" sa pangalan ko. May pagkakapareho din kami ng lahi. Nagulat nga ako nang tanungin ko sya kung anong lahi nya. Sabi nya, IFUGAO sya. Tapos sinabihan ko sya ng salitang mura sa Ifugao, "Okinam". Sagot nya naman sa sinabi ko, "Gago! Wag kang magmura!"

May girlfriend sya ngayon. Maayos naman. Maayos magkagulo. 7 o 8 months na yata sila ngayon. Laging nag-aaway. Laging naghihiwalay. At laging nagkakabalikan. Mahal naman nila ang isa't-isa. Di ko alam kung anong problema. Di ko na sasabihin pangalan ng syota nya, baka mamaya hanapin mo't sulutin mo pa.

Masarap naman kasama tong si Zach. Tatawa ka lagi kapag kasama mo. Pero di ko pa naranasang ilibre ako neto. Magka-barkada naman kame neto, obvious naman sa picture. May iba lang syang barkada sa room namen. Mahilig mang-bara toh, kaya ako, ingat-ingat lang sa mga sinasabi kong jokes. Sinisigurado kong hindi sila mako-cornyhan sa mga jokes na sinasabi ko dahil ayaw na ayaw akong nababara ng pasigaw na "weeeeeehhhhh!!". Pero kung may ginawa kang bagay na ika-mamangha nila, asahan mo ang pagsigaw nya ng "yeaaaaaaahhhhh!!!".



Pangatlo, si Jerome Tolentino.


Maangas pumorma. Malakas ang dating. Tamad sipagin. Masipag tamarin. Ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya... sa una. Naging magiting kong barkada, kakunchaba, at kakopyahan sa room. Magaling mang-uto, tahimik pag-inaantok, maingay kapag mainit at mahilig magbiro. Sya yung tipong tao na pagnakatabi mo, magbabago pananaw mo sa buhay, este, iingay ka pala. Magbabago ugali mo at lalayo ka sa mga nakilala mo. Malakas ang pagkaka-impluwensya saken ng lalakeng toh. Ultimo mga trip nya, ginagaya ko. Nagmumukha tuloy akong batang sunud-sunurang asong binabatuk-batuka't sinisigawan na parang pusang tumae sa kama sa paningin ng iba. Pero ayos lang, nakakalimutan din naman nila, balewala din.

Magaling magpasaya ng tao tong si Jerome. Sikat sa campus, sikat sa room at sikat sa canteen. Kahit mga janitor, kilala sya, tawag nya nga sa mga janitor, commander! MAdaming tumatawag ng pangalan nya. Lapitin ng babae at pati lalake. Pala-kwento, pala-kanta at pala-kopya.

Una ko syang nakilala sa simpleng..... di ko na maalala kung pano kami nagkakilala neto eh. Basta natatandaan ko lang, nagkwe-kwento sya tungkol sa banda nya at pagtugtog nila. Mahilig sa kanta si Jerome, makulet pagdating sa babae. Pala-utos nga lang minsan. Pero masaya din kasama tulad ni Mangilin at Zach. Sa kanya ko natutunang buhayin at gamitin ang natutulog kong gitara sa maalikabok kong kwarto. At sa akin naman syang natutong magsulat nang binalak nyang gumawa ng grupo dito sa Mga Kwentong Kanto. Abangan niyo yan, may mabubuong grupo dito sa Mga Kwentong Kanto.



Panghule, ako, Lenin Zulueta


May iku-kuwento pa ba ako tungkol sa sarili ko? Wala naman eh! Tsk!

Sige na nga, baka magtampo yung isa jan.

Ako si Lenin. Batang taga-rizal. Batang SMMIS na naging CCCian. Batang manunulat. Batang mangungutang. Batang pang-asar. Batang mabait. Batang mangi-ngibig. Pero hindi Batanguenio. Ifugao ako. Sabi ko nga diba, kalahi ko si Zach.

Isinilang ako sa lugar ng Santolan at lumipat sa Cainta, Rizal upang mapag-aral sa mga sikat na school. Nagsimulang magkamalay sa edad na limang taong gulang. Nag-aral ng Prep sa CFWC. Tumungtong ng SMMIS mula Grade 1 at lumipat ng CES nang umakyat sa Grade 2 at 3. Lumipat naman sa De Castro Elementary nung grade 3 pero pinalipat lang ulit ako dun sa CES. Nang nagkamalay na ulit ako nung Grade 4, muli kong tinapakan ang eskwelahang SMMIS hanggang sa grumaduate ng Highschool. Doon ipinagpatuloy ang 1st year highschool. Doon naranasan ang mga unang first time. Doon naranasan na magpunta ng mall nang hindi kasama ang magulang at gumawa ng brutal na pango-ngopya. Gumawa ng isang bagay na hindi kanais-nais sa mata ng magulang at pinatigil sa pag-aaral nang malapit nang magtapos ang school year, sakto. At nang napag-isip-isip ko, pilit kong ipinagpatuloy ang 2nd year highschool. Inilakad ko ang SY ko sa St. Lucia pero hindi katanggap-tanggap doon ang mga grades ko. Muli, pinadyak ang mga tuhod at pinilit bumangon ng maaga upang ihanda ang sarili sa isang maliit na interview sa CCC. Mabuti na lang at hindi ako pumalpak sa pagsasalita. At eto na nga, nagpapatuloy ang pag-ikot ng mundo sa pag-ikot ng istorya ko sa umiikot na gulong ng tricycle tuwing papasok.

Yan ang kwento ng apat na siraulo na walang halong sikreto na tinatago sa loob ng kwarto.

We Are The F4

Kung kaya mong bitinin ang bente, mas kaya kong bitinin ang P0.50


Wag kang mag-alala boy. Sa susunod pag nagkabenchiko ka ulet, wag mo nang ibile ng kendi. Marami pa naman jan iba, at sikat na sikat jan ang Fishball.

The Happy Love Story written by Lenin Zulueta PART 1

Eto na ang pinakahihintay niyo. Kahit hinde.

The Trailer


Abangan bukas.

Ang aking sagots

Tanong galing kay ako si emok

Tanong: lenin my prblem acu... anu kc eh... na basted kc ako netong nkraang arw... gnwa k nmn lhat laht pra lng mlgawan sya pra sagtn nia ko kaso balewala... anu p bng dpat gawen ko? 2long nmn po pls..

Sagot: Ahm, una sa lahat, sabi mo, ginawa mo na ang lahat. Speaking of "lahat", ibig sabihin ay wala ka nang ibang paraang magawa para maligawan sya. At para na rin sagutin ka nya. Ok, ang main answer ko, sumuko ka na, wag ka nang magpakatanga, tama na.





Tanong galing kay secret basta friend mo ako sa fb

Tanong: papayag ka ba na i-kontrol ka ng syota mo.... tapos ayaw nya namang magpakontrol sayo...??

tanong lng.. ^_^


Sagot: Dalawa lang ang maaring sagot ko diyan. Una, papayag ako depende na lang kung masyadong iba ang mga ginagawa ko sa mga ginagawa nya. Pangalawa, hindi ako papayag kung hindi siya magpapa-kontrol dahil medyo nakakalalake ang panggagago na ikaw mismo nako-kontrol nya samantalang ikaw ay hinde, huwag na kayong maggaguhan.

Pero kung sagot ko mismo ang hinihingi ko, wala sa taas ang sagot ko. Gusto ko, wala sa aming nagko-kontrol. Hindi kami mag-asawa kaya wala akong karapatang kontrolin sya sa kung saan nya gustong puntahan, gustong i-text, gustong tignan, gustong silipan o anumang gusto nya. Maaaring makontrol mo lang sya sa mga salita pero kung sa aksyon, hindi ako papayag.

Meron tayong isang maikling X-File interview galing sa author ng librong pumatok na pinamagatang "Adik sa Facebook", si Mr. William Rodriguez II.


















Ako: hello po!! Ang galing!! nabasa ko ung libro nio na tungkol sa facebook!! manunulat dn po ako... young writer po kung tawagin ng iba... gusto ko lamang pong malaman kung saan kayo nakakakuha ng lakas ng loob sa utak para magsulat...

William: nice, maganda yan. bagay kayo ni angel kasi yun gusto namang maging director. kumukuha lang ako ng inspirasyon sa mga karanasan ko pati na rin sa ibang tao:)

(langya, alam niya pa lang kami na)

Ako: ilang taon na po kayong nagsusulat?

William: kung pagsusulat noong elementary pa lang nagsusulat na ako. grade 6 siguro.

(ako, first year)

Ako: ilan na po ba ang mga naisulat mong libro? at may lablyf ka na po ba?

William: pito, iba-ibang genre. oo, may wife na ako

(di ko alam kung sabog ba ako para tanungin sa kanya kung may lablyf na sya)

Ako: Ano ang PINAKA DAHILAN kung baket mo naisip na magsulat ng mga ganun?!

William: kung ang tinatanong mo ay ang adik sa facebook o yung mga humor books. gusto kong mang-aliw ng mga tao at the same time mailabas ang mga obserbasyon ko sa iba't ibang bagay

(oist! yung mga taong gusto ng mga humor topics, basahin niyo mga libro nya)

Ako: sa tingin niyo po, pwede na po ba akong magsulat ng libro at ma-ipublish sa mga istante ng bookstores?

William: depende,may mga bata pa lang pero nakapaglathala na ng libro. pero huwag ka munang magmadali. umpisahan mo munang magsulat sa school organ nyo

(siguro)

Ako: Bilang manunulat, nakakaapekto po ba sa ibang tao ang paggamit ng mga alyas ang mga writers tuwing may gusto silang patamaan o tirahin sa lipunan tulad na lamang po ni Bob Ong? Maari po ba akong gumamit ng alyas sa school organ at alaskadorhin ang mga teachers na kinaiinisan ko?

William: Para sa akin lang, hindi na uso ang paggamit ng pen name. uso lang yan noong panahon ng mga mananakop. sa kaso ni bob ong ayaw niya lang magpakilala talaga dahil ayaw niya ng stardome. nataon lang siguro na may temang pulitikal ang isinusulat niya. oo, may epekto ito sa iba dahil di nila kilala bumabanat sa kanila. pero kung sa school organ mo ito gagamitin madali lang yang ma-trace.

(sayang, binabalak ko pa naman yan)

Ako: Bukod sa pagsusulat, ano pa po ba ang mga hilig niyo?

William: makinig ng musika paminsan-minsan at magsulat ng kanta. haha, pagsusulat pa rin.

Syempre, bagsakan na natin yan ng sample kung mahilig din sya sa pagsulat ng kanta...



Ako: Bukod sa William Rodriguez II na nakilala ko sa librong "Adik sa Facebook", ano pang ugali ang meron sa inyo na hindi alam ng iba at hindi talaga dapat malaman?

William: dahil sa hindi dapat malaman ay hindi dapat sabihin hehe

(damot)

Ako: Naniniwala po ba kayo na ang isang manunulat ay kayang yumaman sa pamamagitan lamang ng mga letra at salita na isinusulat sa libro at ipinapakalat sa mga bookstores?

William: Sa ibang bansa siguro yumayaman ang mga alagad ng sining dun. pero sa atin na third world country ay iba ang sistema. si bob ong siguro yumaman na sa mga libro niya.

(siguro yumaman na rin yung bumaboy sa mukha ni Jesus)

Ako: Naabutan niyo po ba ang dati nyang blogsite?

William: ah hindi eh. di pa ako marunong mag-internet nun

(sayang)

Ako: Nabasa ko po sa libro niyo na may website na kung saan kung naghahanap ka ng panandaliang aliw eh pwede mo tong puntahan...

MgaEpal.com po ba iyon??

William: ah 'yung katunog ng facebook, fuckbook.

(oist! yung mga nagbabasa ng blog ko diyan ah... nakuu..)

Ako: Yayks!! muntik nang makita ni mama... hehehe...

William: haha kaya nga di ko na binanggit sa libro

(kaya nga..)

Ako: Hindi pa po sanay si Angel saken, medyo naiilang daw. Ano po bang dapat kong gawin para masanay sya saken?

William: ganyan lang talaga sa umpisa masasanay din yun.

(yan, sabog na talaga ako nung tinanong ko yan sa kanya)

Ako: Ahh, sige po! Maraming salamat po sa mga sagot sa mga tanong ko. Sana po hindi ko kayo na istorbo kung anumang ginagawa niyo sa ngayon. Maraming salamat po talaga, sana po pag may time ako tsaka ikaw, meet tayo!! XD

William: walang anuman. sige walang problema:)

Kung gusto niyo syang makilala nang lubusan at kausapin sa chat... eto ang kanyang account. [Click the name]
{William Rodriguez II}

Nabanggit nya na mahilig din syang magsulat ng kanta. Kung gusto mong maging updated, eto ang kanyang Fanpage. [Click the title]
{Poets Not Dead}

At kung gusto niyo ring magbasa at magkaroon ng konting kaalaman, puntahan ang blog site nya. [Click the title]
{Sanib Isip}

My (di ko alam kung ano) day

Ok. Minsan may feelings tayo na hindi natin kayang ilabas kase nahihiya tayo o di kaya eh naiilang sa mga kasama naten.

Pero dito sa kwento ko, wala lang.

Ang dami ko ngayong nakikitang status sa facebook na may mga nakalagay na salitang 'I love you' na nakasulat ng pababa tapos yung katabi ng bawat letter nun, may nakalagay na pangalan. Hindi ko alam gamitin yun eh! Pero kung alam mo yun, siguradong alam mo rin ang pinagsasasabi ko.

Oh well, wala namang kinalaman yun sa kwento ko. Naikwento ko lang kase habang nagsusulat ako, may biglang nag-notify na may nag-post sa wall ko ng ganun.

Inlab. Basted. Browken-harted. Laseng-laseng.

Pinutok ko dati dito nun na inlab ako sa isang babae, si Roselyn. Malamang hindi niya alam na kinukwento ko siya dito, pwera na lang kung sasabihin mo sa kanya, baka maaanghang na salita ang abutin mo saken. Unti-unti ko syang niligawan, sinusulatan ko ng mga tula bawat araw. Nang dumating ang araw na kailangan ko na syang mapasagot, nilakasan ko ang loob ko na bumili ng dalawang (2) white rose. Pagkabili, bumalik agad ako sa school at sinugod ko sya sa room nila. Ang daming nakakita saken nun nang ibibigay ko na sa kanya, lumuhod pa ako nun at may kasama pang naggi-gitara. Romantic!! Ngiting-ngiting panalo na ako nang iaabot ko na sa kanya ang dalawang puting rosas. Pero ang masaklap, hindi nya tinaggap. Pinabalik nya na lang sa room ko. Nang binantayan ko ang mga kilos nya pagkalipas ng isang malagim na linggo, tsaka ko lang nalaman na may BF na pala siya. Hindi ko na tutuloy, hindi ko na kayang ikwento ang mga sumunod na yugto...

Pagkalipas ng ilang linggo...

May nalaman ako. Hindi ko alam kung magagalet ako o matatawa ako o maiinis ako o ano ako o ano o ewan. May gusto saken yung nagpatulong dati saken na babae. Si Angel. Ooopss! Patay! Sinabi ko! Ayos lang...

Actually, unfortunately, kami na. Sinagot na ako ni Angel. Yun lang gusto kong sabihin dito. Pinahaba ko pa!? Eh baket ba? Pake niyo? Gusto ko eh!!

Ayun! Tapos na! Kakatamad na magkwento eh! Basta meet na lang tayo kung sino ka mang nagbabasa ng blog ko. Kwe-kwento ko lahat ng karanasan ko sa buhay pag-ibig. Babay!

Anong masarap sa kahirapan?

Tanong, ano nga bang masarap sa kahirapan?

Munting tanong na mahirap sagutin. Mahirap naman talaga yang sagutin kahit alam kong ikaw lang ang kayang magsagot nyan gago.

Nanonood ako ng isang programa sa t.v. nina Tito, Vic and Joey na pinamagatang "Eat Bulaga", at may nakaloob na temang "Juan for all, all for Juan, Bayanihan of 'd pipol". Sa bandang gitna ng programa, nagpunta sina Jose, Wally at Paulo sa isang bahay na kung saan eh may labindalawang anak sa apat na dingding at isang bubong na kung tawagin ay tahanan, at mag-asawa na walang ibang trabaho kundi ang maging Street sweeper. Dalawang beses kumain isang araw, walang pera, hirap mapag-aral ang mga anak at ang iba'y hindi talaga pinag-aral.

Habang pinapanood ko ang palabas, unti-unting pumapasok sa isip ko kung bakit nga ba naghihirap ang mga tao sa Pilipinas. Pumasok sa isip ko ang mga kadahilanan kung bakit dumadami ang populasyon sa isang masikip na lugar.

Ngayon, ang tanong ulit, anong masarap sa kahirapan?

Sasagutin ko yan ng patanong, anong resulta pagkatapos ng kasarapan?

Kahirapan, diba? Kung hindi ba naman tanga kayong mag-asawa na mag-anak ng marami eh talagang maghihirap kayo. Dahil unang-una, kailangan niyong gawin ang obligasyon niyo sa anak niyo bilang isang ina/ama na mapag-aral sila at bigyan ng magandang kinabukasan para sa hinaharap. Pangalawa, trabaho ang dapat hinahanap, hindi sarap. Oo, sige, sabihin na nating laki nga kayo sa hirap simula nang nagpakasal kayo, pero wag na wag niyong gagawing dahilan iyon. Dahil hindi pa kayo pinapanganak, mahirap na talaga ang mga magulang mo. At pangatlo, wag niyong sisisihin ang gobyerno kung bakit kayo mahirap ngayon at walang makain, dahil kayo ang may kagagawan nyan at wala na kayong ibang magagawa para maiahon kayo sa hirap dahil sa lintik na kasarapang ginagawa ninyo tuwing gabi. Wag na wag niyo ring iiyakan at pagbuhusan ng galit ang gobyerno kung bakit kayo hindi mapansin sa sobrang kahirapan, hindi lang talaga nila kayang magpunta sa mga eskinita o squatter areas, siguro kayo ang dapat na lumapit.

Tanong ulit, anong mahirap sa sarap?

Sagot, malamang, wala! (Of course, none!)

Hindi na natin naiisip ang mga mahahalagang bagay tuwing nakakatanggap tayo ng mga biyayang galing sa Diyos o sa mga kapwa natin pilipino. At lalo na kapag nakadagit ang mga lalaki ng babaeng pwedeng palaruin ng kanilang Angry Birds.

Uulitin ko yung dahilan kung bakit tayo naghihirap, sagot, buntis ng buntis, anak ng anak.

Ang ibang mga tao'y sanay na sa kahirapan, madiskarte na at kuntento na sa kanilang pamumuhay na wala. Pamumuhay na wala. Wala nang pakialamanan sa pamilya at mga kapitbahay. Walang permanenteng bahay. Walang makain. Walang pera. Walang kwenta. Kuntento na sila, dahil tingin nila, wala na silang pag-asa at ang tanging sinasandalan na lang nilang gawin ay ang magtiis. Tingin nila eh wala na silang kwenta sa paningin ng iba. Trabaho? Pusher, seller ng shabu o marijuana, etc.

Tanong, may pag-asa pa bang tapusin ang kahirapan sa Pilipinas?


Pa-prankahin ko kayo kahit alam kong bata pa ako para sagutin toh, wala na.

Iba ang salitang "mali" sa salitang "hirap".

Kung sa tingin mo eh kaya mong magbago, gawin mo. Kung hinde, pakamatay ka na tanga! Tao lang ang kayang magbago, sapat na sa atin sabihin na "magbabago na ako para sa pamilya ko", tao lang ang kayang magbago para sa sarili niya, pero hindi kaya ng mga taong nagbago na baguhin ang kanyang paligid pwera na lang kung born again toh.

Pranka na 'to.

"Hindi natin kayang patunayan na kabataan ang pag-asa ng bayan habang meron pang hindi kayang makapag-aral nang dahil sa kahirapan."

Oo, may nalalaman nga ang mga kabataan, pero hindi ito nakakatulong sa bayan dahil para sa sarili nila lamang ang mga natututunan nila.

Crush ko


Ayyiee...

Angry Birdssssssssssss


Sikat na sikat ngayon ang isang larong pinag-iinitang i-download ng mga kabataan at mga matatanda sa google, ang larong ANGRY BIRDS.

Ang ANGRY BIRDS ay isang puzzled video game na sa pamamagitan at tulong ng Finland-based Rovio Mobile. Sa pamamagitan ng pangunahing inspirasyon ng isang sketch of styled wingless birds, ang nasabing laro ay unang inilabas sa Apple's iOS noong December 2009.

Sa mga oras na iyon, higit sa 12 milyong kopya ng laro ay nabili mula sa App Store Apple, na sinenyasan ang kumpanya sa disenyo ng mga bersyon para sa iba pang mga touchscreen-based smartphones, tulad ng mga gumagamit ng Android operating system, bukod sa iba.

Sa laro, ang mga player ay gumagamit ng tirador upang ibato ang mga ibon sa mga baboy na nakapuwesto sa loob ng mga iba't-ibang posisyon ng kalaban, sa parehong paraan ng layunin na kailangan mong paguhuin ang mga baboy sa nakatayong poste sa playfield.

















Sa sobra ngang kasikatan, hindi mawawala ang mga laruang binebenta. Syempre, ANGRY BIRDS ang itsura. At syempre, kapag sikat ang binebentang laruan, mahal ang presyo. Talagang mapapa-angry birds ka! (Sorry kung medyo corny ako ngayon.)



Hindi mo maitatangging ang PLANTS VS. ZOMBIES at ANGRY BIRDS ang pinaka-sumikat na offline/online games sa kasaysayan na madaling kumalat... at siguro, madali ding malaos. Malamang, magsasawa din kayo diyan.













Hindi rin magtatagal at makakasama na rin ang mga makasaysayang ibon sa mga leksyon sa eskwelahan at ituturo kung ano ang kanya-kanya nitong kapangyarihan sa mga bata.












Pero sa ngayon, ngayong tag-ulan, walang pasok, lalaruin ko muna itong mga galit kong ibon. Mukhang galit nga talaga eh, lumabas sa monitor ko, eto oh, nananakit na ng tao. Sige Babye!!