Buhay lang talaga ako kapag walang pasok

Wala na namang pasok. Magaan na naman ang mood ko. Masaya ako ngayong makapag-blog.

Pero kahit na walang pasok tuwing malakas ang ulan, panget pa ren. Wala kang allowance, nasa bahay ka lang, nag-oonline lang, nagsou-soundtrip. Para ka lang nakahipo ng makinis at maputing legs kaso bading naman ang nahipuan mo.

Kaninang uwian, suspended, nagyaya yung isa nameng kaklase na mag-movie marathon (daw?) sa bahay nila. Ewan ko ba kung sabog lang yun para magyaya ng ganito yung kondisyon ni Miho na laging umuulan.

So bali taga-Marick sya. Sasakay kame ng jeep. Anak ng tineteng naman at biglang tumulo ang luha ng grasya kung kelan pasakay na dapat kame. Ayan tuloy, stranded sa maliit na waiting shed, naghihintay tumila ang ulan. Yung iba nameng kaklase, hindi sumilong, may payong naman (daw?). Pero balewala din payong nila kase nabasa din sila nung biglang umihip ng malakas na hangin si Superman kasabay ng luha ni Miho. Kami naman na nagmukha ring tanga kase gumaya sa kanila, na walang dalang payong, na nakikipayong lang den, eh nabasa sa napakalakas na ulan.

Maya-maya, may nagsabeng wag na lang (daw) ituloy tong pinaplano/binabalak namen. Delikado na, baka bumaho pa (daw) sa ulan. Pero tumutol doon yung iba nameng kasama, pinilit pa rin nilang sumakay kahit na puro mukang basang sisiw na sila. Ako naman, na may kasamang babae, syempre, hindi na sumama. Kaw kaya makitabi sa masikip na jeep tapos basang basa ka.

So ayun na nga. Tanga. Nakatanga kame doon. 24 minutes. Mag-kakalahating oras. Pagkatapos ng isang kantang pinapatugtog ko sa cellphone ko, kalahating oras na kameng nandun.

At matapos nun, nagpaalam na ako sa kasama kong babae. Gusto ko nang umuwe. Bahala na yung mga sumama sa movie marathon. Kasama dun yung espren kong nagmamay-ari ng blog na DoesThisBlogMakeUsLookIdiot?!?! [Eto website niya.]

Habang naglalakad ako, napamura ako sa nakita ng tenga ko. Mga dati kong kaklase, tinatawag ako, mga babae. Nasa karenderya sila. Tinawid ko naman. Tapos ayun, kwentu-kwentuhan ng konti. Kain-kain ng konti kase nilibre ako. Tapos kamusta-mustahan ng konti kase matagal na ring di nakakagawa ng katarantaduhan. Tawa-tawanan ng konti kase matagal na silang nerd simula nung nawala ako sa school. Apir-apir ng konti kase yung iba, may syuta na. Tapos, tapos na. Nagpaalam at umuwi na ako. Sasabak pala sila sa laban, INTRAMS!!!

Pag-sakay ko sa tricycle, muntik pa akong makasapak ng college student. Sikuhin ba naman ako habang kumukuha ng pambayad sa bulsa?! Pero hindi naman daw niya sinasadya, kaya hindi ko na pinatulan. In short, nag-sorry siya. (Pero kung hinde, naku.)

Pag-uwi ko, nagulat ako. Pinapabukas saken yung computer. Kaya pala. Gusto manood ng pelikula tong mudra ko. Pinagbigyan ko naman. Habang naglilipat ako ng pelikula sa usb kase HDMI yung T.V. nameng FLATSCREEN, nagfacebook muna ko. Nagchat saken yung dati (gago) kong kaklase, punta (daw) ako sa kanila. Dala (daw) ako ng pera. May gagawin (daw). Di ko alam kung ano, bahala na (daw).

So nagplano ako kung paano ako makakalusot kay mudra para makalabas. Naisip kong manunuod nga pala siya ng movie, hinintay ko muna matapos ang paglilipat sa usb. Pagkatapos, sinaksak ko na yung usb sa FLATCSCREEN nameng t.v. tapos nanuod na siya. Syempre habang nanunuod, wala na syang pakelam saken.

Pagdating ko dun sa bahay ng kaklase ko, gulat na naman ako. Magugulatin talaga ako. Inuman (daw) kameng tatlo sa pinakataas ng bahay nila na walang ibang makakakita kahit mga ibon. Ambagan. Muntik ko nang makalimutan ang pera ko, sana nakalimutan ko na lang. Isang RED HORSE. Anim na CHICHA.

Matapos ang dalawang oras na inuman, nagbasketball muna kame. Dun mismo sa THIRD FLOOR nila. May ring, may, bola, alam na. Dun kame nagpawala ng amats. Nawala naman, kaso nakakamatay ang sobrang pagod namen. Ang inet na kahit umuulan. Bwiset.

Pagkatapos magpakamatay sa pagod, di ko alam kung sinong sabog na may amats ang nakaisip sameng tatlo ang magpiktyuran. Di ko na papakita mga piktyur namen. Baka di niyo kayanen.

And that is all folks!! Matutulog. na. ako.