Love Story written by Lenin Zulueta


Ang wallpaper na yan ang isa lamang sa mga matagumpay kong naipahayag sa mga tao sa Facebook. Isa lamang yan sa mga patunay na ako ay in-love. Ang LS-WBLZ ay isang pangalan na laging sumasalubong sa tuwing papanuoren ng mga tao ang love story sa video ko.

Nagsimula ang lahat nang hindi ko sinasadyang matagpuan ang isang video na isinulat ni Marcelo Santos III. Sya ang nagsilbing inspirasyon at gabay patungo sa pagsusulat ko ng mga istoryang pag-ibig at pati na rin sa paggawa ng video. Napanuod ko ang kwento nyang "Bestfriend" sa youtube ng ipanuod sa akin ito ng isa kong kaibigan. Bagama't bata pa lamang, madali akong nadala sa kwento at naimpluwensyahang gumawa din ng mga istoryang pag-ibig sa murang edad.

Isa na dito ang pinaka-malupet kong ginawa. Malupit dahil nag-iisa at iba sa mga ginawa kong video. English ang pagkakasulat at totoo ang mga pangyayari.

May video akong ginawa tungkol dati sa kasalanan kong hindi ko pa dapat gawin. [Eto yung link.] Mapapanuod mo yan kung nakabukas ang facebook account mo at ia-add mo ko.

May ilang nagtatanong kung saan ba nagmula ang hilig ko sa pagsusulat ng mga ganyan. Hindi ko alam ang sagot, kase hindi ko rin alam kung baket at kung anong dahilan. Yung ibang gawa ko eh hango sa totoong buhay at yung iba naman eh binabase ko lang kung paano tumakbo ang buhay.

Makikita mo ang mga videos ko diyan sa gilid. Hindi mapapanuod doon mismo sa gilid, tanga! Syempre, may pipindutin kang picture o kung anumang nakasulat doon na tungkol dito sa post.

Yan lamang ang mga kaganapan dito sa Mga Kwentong Kanto. Paalam!

asdfgalenghjklsa


Shockings! Ngayon ko lang nalaman toh. Promise. Na may pina-low akong blog na nakasingit ang pangalan ko sa title nya. purpLE NINja13. All I can say is..
aylabeeeeet!!

Hindi ko alam kung paano nya naisingit ang pangalan kong mala-alamat ang dating. Totoo, ninja ako pagdating sa pangungupit at pagblo-blog at pati na rin sa pagkwe-kwento ng mga kabarberuhan. Pero ang masasabi ko lang ulet, astig tong blogsite na toh. Gulat na gulat na natatawa at halos hindi makahinga ako nang makita ko yung name ng blog nya.

Isang malakas at tuwang-tuwang nakangiting nakabukas na palad na APIR para sayo, Angel Avina!! Isa kang Epic Blogger!!

[Eto ang blog nya.]

Abangan.


Humanda na sa...







...akin.

Buhay lang talaga ako kapag walang pasok

Wala na namang pasok. Magaan na naman ang mood ko. Masaya ako ngayong makapag-blog.

Pero kahit na walang pasok tuwing malakas ang ulan, panget pa ren. Wala kang allowance, nasa bahay ka lang, nag-oonline lang, nagsou-soundtrip. Para ka lang nakahipo ng makinis at maputing legs kaso bading naman ang nahipuan mo.

Kaninang uwian, suspended, nagyaya yung isa nameng kaklase na mag-movie marathon (daw?) sa bahay nila. Ewan ko ba kung sabog lang yun para magyaya ng ganito yung kondisyon ni Miho na laging umuulan.

So bali taga-Marick sya. Sasakay kame ng jeep. Anak ng tineteng naman at biglang tumulo ang luha ng grasya kung kelan pasakay na dapat kame. Ayan tuloy, stranded sa maliit na waiting shed, naghihintay tumila ang ulan. Yung iba nameng kaklase, hindi sumilong, may payong naman (daw?). Pero balewala din payong nila kase nabasa din sila nung biglang umihip ng malakas na hangin si Superman kasabay ng luha ni Miho. Kami naman na nagmukha ring tanga kase gumaya sa kanila, na walang dalang payong, na nakikipayong lang den, eh nabasa sa napakalakas na ulan.

Maya-maya, may nagsabeng wag na lang (daw) ituloy tong pinaplano/binabalak namen. Delikado na, baka bumaho pa (daw) sa ulan. Pero tumutol doon yung iba nameng kasama, pinilit pa rin nilang sumakay kahit na puro mukang basang sisiw na sila. Ako naman, na may kasamang babae, syempre, hindi na sumama. Kaw kaya makitabi sa masikip na jeep tapos basang basa ka.

So ayun na nga. Tanga. Nakatanga kame doon. 24 minutes. Mag-kakalahating oras. Pagkatapos ng isang kantang pinapatugtog ko sa cellphone ko, kalahating oras na kameng nandun.

At matapos nun, nagpaalam na ako sa kasama kong babae. Gusto ko nang umuwe. Bahala na yung mga sumama sa movie marathon. Kasama dun yung espren kong nagmamay-ari ng blog na DoesThisBlogMakeUsLookIdiot?!?! [Eto website niya.]

Habang naglalakad ako, napamura ako sa nakita ng tenga ko. Mga dati kong kaklase, tinatawag ako, mga babae. Nasa karenderya sila. Tinawid ko naman. Tapos ayun, kwentu-kwentuhan ng konti. Kain-kain ng konti kase nilibre ako. Tapos kamusta-mustahan ng konti kase matagal na ring di nakakagawa ng katarantaduhan. Tawa-tawanan ng konti kase matagal na silang nerd simula nung nawala ako sa school. Apir-apir ng konti kase yung iba, may syuta na. Tapos, tapos na. Nagpaalam at umuwi na ako. Sasabak pala sila sa laban, INTRAMS!!!

Pag-sakay ko sa tricycle, muntik pa akong makasapak ng college student. Sikuhin ba naman ako habang kumukuha ng pambayad sa bulsa?! Pero hindi naman daw niya sinasadya, kaya hindi ko na pinatulan. In short, nag-sorry siya. (Pero kung hinde, naku.)

Pag-uwi ko, nagulat ako. Pinapabukas saken yung computer. Kaya pala. Gusto manood ng pelikula tong mudra ko. Pinagbigyan ko naman. Habang naglilipat ako ng pelikula sa usb kase HDMI yung T.V. nameng FLATSCREEN, nagfacebook muna ko. Nagchat saken yung dati (gago) kong kaklase, punta (daw) ako sa kanila. Dala (daw) ako ng pera. May gagawin (daw). Di ko alam kung ano, bahala na (daw).

So nagplano ako kung paano ako makakalusot kay mudra para makalabas. Naisip kong manunuod nga pala siya ng movie, hinintay ko muna matapos ang paglilipat sa usb. Pagkatapos, sinaksak ko na yung usb sa FLATCSCREEN nameng t.v. tapos nanuod na siya. Syempre habang nanunuod, wala na syang pakelam saken.

Pagdating ko dun sa bahay ng kaklase ko, gulat na naman ako. Magugulatin talaga ako. Inuman (daw) kameng tatlo sa pinakataas ng bahay nila na walang ibang makakakita kahit mga ibon. Ambagan. Muntik ko nang makalimutan ang pera ko, sana nakalimutan ko na lang. Isang RED HORSE. Anim na CHICHA.

Matapos ang dalawang oras na inuman, nagbasketball muna kame. Dun mismo sa THIRD FLOOR nila. May ring, may, bola, alam na. Dun kame nagpawala ng amats. Nawala naman, kaso nakakamatay ang sobrang pagod namen. Ang inet na kahit umuulan. Bwiset.

Pagkatapos magpakamatay sa pagod, di ko alam kung sinong sabog na may amats ang nakaisip sameng tatlo ang magpiktyuran. Di ko na papakita mga piktyur namen. Baka di niyo kayanen.

And that is all folks!! Matutulog. na. ako.

Response to the post: MgaEpal.com "Paalam"

Ang blog na ito ay hindi basta-basta ginawa at pinasadya. May pinanggalingan toh. May inspirasyon. At hindi ito nanggaya.

Kung babasahin mo sa gilid, makikita mo naman kung saan nagmula ang inspirasyon upang mabuo ang blog na toh.

Sa tinagal-tagal ko nang pagsusulat dito at pagtambay niyo dito, isa lamang akong hamak na batang lalaking nagkwe-kwento ng mga karanasan ko sa buhay at mga nakakatawang istorya na pinapalakpakan na parang bibong unggoy sa perya.

Hindi lang ito ang blog na kayang magpatawa sa inyo o magpaiyak o magpalungkot o magpagalit sa inyo, marami diyang iba. Nakisingit lang ako.

Marami na akong nagawang kalokohan na hindi ko pa na-ipopost dito. Student kase, busy eh. Marami rin akong nasaksihang blogs na hindi ko dapat makita pero nakita ko.

Sa edad kong TRESE ako nagsimulang magblog dahil alam kong hilig ko na ang mag kwento ng mga kalokohan simula pa nung Grade 3 ako.

Sa tinagal-tagal ko nang pagbabasa sa mga blog na nafollow ko, isa lang ang bukod tanging iniidolo kong site na kayang magpalaglag ng panty at tila pilit na ginagaya ng iba pero hindi magawa...




Hindi ko lubos maisip na magbabago pala sila. Di ko alam kung ano bang pagbabago. Basta ang sabi, may bago daw silang imahe. Aabangan ko yan, kahit nasa school pa ako.
Excited na ako. Promise.

Tahimik pero kalog

Galing ako sa Bertdeyhan. Pagod ako. Kaya naisipan kong mag blog muna at ikwento dito yung nangyare.

Sayang si Mangilin, yung may-ari ng blog na DOES THIS BLOG MAKE US LOOK IDIOT?!?!, hindi kase sya nakapunta. Ang tagal namin syang hinantay sa treehouse sa CCC. Sabi nya pa naman, kapag hindi ako nakapunta, hindi na daw kame friends. Kaso sya yung hindi nakapunta. Pero ok lang, wala naman akong pinangakong aawayin ko sya o ibabalibag ko sya sa lapag kapag hindi sya nakadalo.

Ganito nangyare, ang usapan magkita daw kame sa treehouse sa CCC. Pero nung makapunta na ako, naabutan ko lang sila malapit sa puno sa gate. Kaya nakisama na lang din ako sa kanila. Lima lang kameng nilibre ng bertdey girl sa jeep. Pero sayang talaga si Mangilin eh.

So yun na nga, sa bahay nila ang punta namen. Nang makapunta na kame, kala namen kami lang ang bisita, meron pa pala, nandun din yung mga dati nyang ka-section. Pag pasok namen sa bahay nila, umakyat kame hanggang third floor. Nakita ko dun yung mga nilulutong pagkaing hinanda ng bertdey girl. Pagod kaming umupo sa sofa at nagpahinga habang nakatutok samen yung bintilador at nagpapatugtuog ng THE LAZY SONG.

Maingay yung mga dating kaklase ng bertdey girl namen. Pero ayos lang, kase maingay din kaming naging tahimik sa sofa habang yung iba eh nagtetext na lang at naghihintay ng grasyang ihahanda sa kanila para kainin. May ka text nga dapat ako eh, kaso na-lowbat ako. Asar tuloy ako.

To be continued... maglalaba pa ako...

Ang pag-aaral ay parang isang mahabang biyahe, ang sarap tulugan. -MKK

(O sige na! Ako na manggagaya ng posts sa Facebook!)

The idiotic f*ckin' disguisting dumb little b*tch Quiz

Katatapos ko lang magquiz. Hindi sa school, kundi sa Quia.com. Nung una, excited ako kase first time ko lang magsagot ng tunay na quiz ONLINE! (sige, ako na! ako na ignorante!).

Pero akala ko magiging madali yun. Kase syempre, online yun at pwede kang magsearch ng sagot sa Google. Pero, linsyak! Tsaka ko lang napansin na may oras pala nung patapos na ako. Holy Cow! Buti na lang nakahabol pa ako kase ang natitira ko na lang na oras eh 2 minutes. Pag natapos yung oras, automatic na masu-submit yung score mo kung hanggang ilan lang ang tamang nasagutan mo.

Pero sa kadulu-duluhan, hindi naman naging masama ang score ko. Eto yung score ko... nasa baba.

Simple lang yung mga tanong jan eh. Itatanong jan kung kelan ba naimbento ang calculator, sino umimbento ng kawali, anung password ni Bob Ong sa blogger at kung anu-ano pang shit questions. Tapos habang nagsasagot ako, umuulan. Edi giniginaw na ako.

Hindi ako makapagconcentrate, mag search ng sagot. Habang nagsasagot naman ako, may isang tab ako sa Facebook, isa sa Google at Wikipedia. Ka-chat ko yung mga kaklase ko. Kopyahan daw. Anu sila, tanga? Paano kokopya eh online nga? Bakit di nila sabihing sabihan ng sagot? Sa bagay, ganun naman talaga ang nakagawiang sabihin ng mga empty cans students. KOPYAHAN!

Sa Google naman, mabilis lang. Pero yung Wikipedia, tangna magsara na sila! Ayaw gumana, sira yata o sira lang talaga o disconnected yung computer ko sa kanila o ayaw nila akong mandaya sa quiz. Tapos maya-maya, nagutom ako. Kumuha ako ng isa platong kanin at isang tuyo.

Alam mo yung feeling na pagod na pagod ka tapos kahit tuyo lang ang ulam mo, para ka na ring kumain ng adobo? Ganun yung nalasahan ko. Pero bigla kong naalala yung oras. 1 minute na lang! Minadali ko na yung pag-search.

Yun sa wakas! Natapos ko na ang quiz. Pinagyabang ko yung score ko sa mga kaklase ko sa group chat. Pero walang nagreply kase busy din sila sa kakahanap ng sagot sa Google. Akala ko nga ako na ang pinakamalaking score sa kanila. May mga umabot pala ng 19 at 17. Talo ako.

Pero ok lang yun. Hindi naman ako naasar eh. Balak ko pa ngang ulitin kaso isang beses lang pala pwede.

Sige, yan muna ang Blog Update ko ngayon. Mag-aahit pa ako ng kilay kase may test pa kami sa Thursday and Friday.

Sige, bye mga Bro!

Sagaval kasi ihh!!

Matagal ko nang hindi natuloy yung istorya kong tungkol sa isang batang lalaking naulila sa pinsan at ng mga magulang at kinuha ng isang patagong kumpanya na may kalabang mga bampira. Si TRESE.

Kahit sabihin niyong puro reasons ako, madami lang talaga akong ginagawa. Hindi ko na iisa-isahin pa kase madami nga talaga. Review, Tests, Projects at mga assignments, lahat yan sagabal sa pagsusulat ko ng Trese. Pati nga pag-kain, ligo, utos, at pagwawalis eh sagabal din.

Actually may mga nasulat na nga ako eh. Ayoko lang muna i-post kase nga ang daming sagabal sa buhay ko. Niligawan, hugas ng pinggan, facebook lahat yan talagang sagabal!

Dapat nga eh Chapter 8 na ngayon yan kaso ang dami talagang sagabal. Laba, Tv, pasok sa school lahat yan talagang sagabal!

At dapat eh yan yung ipapabasa kong kwento kapag kumpleto na kaso ang dami talagang sagabal. Blogging, pagbabasa, pagsusulat ng pinapakopya sa blackboard lahat yan talagang sagabal!

Pagpasensiyahan niyo na ako kase ganito talaga ako. Este, ganito talaga ang naging takbo at agos ng buhay ko. Ang daming sagabal! Pero ayos na rin yon, ginawa yun para ma-challenge at mapakinabangan ako sa mundo para masolusyonan lahat ng sagabal.

Ok. Thanks. Bye.

Bye. Thanks. Ok.

Meron akong ano..

Busy ako netong mga nakaraang araw. Dahil sa Blog ng kaklase kong nainggit yata sa blog ko kaya nagpagawa din saken. Syempre, kilala niyo naman ako, magaling mag-edit, marunong sa mga HTML, at malupet sa babae. Hindi naman ako pwedeng gumawa ng blog na masagwa kase ang pangit nun. Kaya, ginandahan ko yung blog ng kaklase kong nagngangalang MANGILIN.

ETO YUNG BLOG NYA.(tanga, pindutin mo yung nakasulat.)

Nung makita ko yung una nyang ginawa, bigla akong nakaramdam ng feeling na ANG SAGWA pala nang una. Iba talaga kapag baguhan ka pa lang sa mga ganitong kagaguhan. Medyo mahirap, kapa-kapa ka pa, at minsan parang gusto na nating sumuko dahil wala tayong maisip na post. Pero syempre, kailangan yun kase doon nahahasa ang utak nating mag kwento ng kung ano-ano, masagwa man o malaswa, ikukuwento natin dito sa blog. Depende yan kung anong klaseng blogerista ka. Kung endorsing ang hanap mo, meron nyan dito. O simpleng blogsite ng eskwelahan o ng fanpage para lang maituring na website.

Pero nang makita ko ang blog niya netong mga nakaraang araw, medyo kumukulit sya at halos ako na lagi ang binabanggit nya sa mga posts nya. Kung bibisitahin mo yung sa kanya, ako din yung lalakeng nakatabi kay Excelsis. Yung sinabihan ko na kamay pa lang eh ulam na.

Marami tayong pwedeng gawin dito eh, kakaiba lang talaga kapag baguhan ka. Hindi hadlang sa atin kung iilan lang o konti lang ang followers mo. Ang mahalaga, nailalabas mo dito yung pinaka-nararamdaman mo sa kaibuturan ng puso mo sa dibdib at sustansya ng utak mo sa ulo.

Pasok na ako sa Student Journalism

Hey guys! Sa maniwala kayo at sa hinde, pasok ako sa student journalism dito sa CCC. Actualy, dito ako ngayon nag update sa computer lab ng CCC. Subject kase namen ngayon ng Computer kaya pwede kaming mag online. Swerte nga kase hindi block dito yung blog eh pwera sa mga Social Site tulad ng Facebook at twitter at mga entertainment sites tulad ng Youtube at mga porn sites.

Pinakita ko sa Leader ng Student Journalism yung ginawa ko...

Tobe Continued na lang...

Pinapa SHUT DOWN na kase sa amin tong computer eh. Ok Bye!