Title: Banana Cue

"Ang karunungan ay para sa lahat. Ang sariling pagtuturo ay maaaring gawin ng kahit sino. Ngunit ang pagkatuto ay personal na kagustuhan" -MKK

Nakita ko lang tong video na toh sa pabasa ng MgaEpal.com
Sige, himayin mo muna tong vendor na toh.

Pinakinggan ko maigi yung mga pinagsasasabi nya. Akala ko nung una joker na tindero toh ng banana cue.

Anong masasabi ko?
Simple lang naman ang masasabi ko dito, pakikalat na lang po ang video na toh. Sa tingin ko, konti pa lang ang nakakapanuod neto. Ikalat niyo itong video na toh. Pwede kase syang maging tour guide. Sa totoo lang, may potensyal talaga tong lalakeng to. Marami syang pwedeng mapasukan dahil sa kanyang self-confidence. Ipaabot niyo na lang toh sa mga pwedeng umabot. Kung may twitter ka, i-tweet mo. Kung may facebook ka, i-share mo. Kung may blog ka, gawan mo ng pabasa. Sayang kase ang potensyal nya eh. Nandyan na ang potensyal. Kailangan na lang ng pagkakataon. Pwede mong ipakita sa mga sikat o di kaya sa mga networks. Para ma-feature sa mga shows. O di kaya kung ikaw kaya mo syang bigyan ng trabaho, gawin mo. Bihira ka lang makakita ng mga taong handang matuto. Yan yung mga taong may abilidad, pagkukusa, at may pagtitiwala sa sarili.