Isang maliit na karanasan sa CCC

Ayus! nakapag-adjust na ako sa CCC, kala ko kase mahirap. Buti na lang may old classmate akong galing dun sa school na iyon, buti na lang mabait siya, at buti na lang binigyan niya ako ng PAYO AT TIPS PARA MAKA-ADJUST SA CCC or PATPMASC for short.

Unang-una sa lahat, hindi uso doon ang tahimik. Gumawa ka ng paraan para may makausap ka. Ako nakagawa ako ng paraan, tinanong ko lang yung kaklase kong maitim kung masungit ba ang mga teachers, at ang sabi niya, "Yung iba lang, masungit. Pero karamihan dito, palabiro."

Ok, eto na ang sinasabi kong ISANG MALIIT NA KARANASAN SA CCC or IMNKSC for short(again).

FIRST DAY:
Yun na nga, second year na ako nung pumasok na ako. Pagpasok ko pa lang sa gate, feeling ko kahiya-hiya ako at kasuklam-suklam ako sa paningin nila dahil kasama ko pa si nanay sa pagpasok. Hindi ko pa kase masyadong kabisado ang mga paikot-ikot dun. Pagkatapos mag-flag ceremony, umayos na kami ng pila at pumunta na kami sa magiging room namen. Anung katangahan naman ng tadhanang kami pang nag-iisang section ang nakulangan ng room, kaya naman pinaupo nila kame sa sahig na punong-puno ng alikabok. Mula 7:45 hanggang 9:00, nakaupo kami dun at pinagbreak muna kami. Nang bumaba ako mula sa third floor, sinahaman ako ng isang lalaki (yung tinanungan ko kung masungit ba ang mga teachers)sa canteen. Bumili ako ng shomai, softdrinks at umakyat na rin ako pagkatapos nun. Pagbalik ko, pinapila kami at pumasok sa library. At yun ang nagsilbi muna naming room pansamantagal.

SECOND DAY:
Library pa rin ang room namen. Bale tahimik kaming nag-ingay dun. Nung dumating yung teacher, in-arrange yung mga puwesto namen. Anong laking katangahan na naman ng tadhana at ako pa ang nakita ng adviser namen na ilipat ako mag-isa sa tabi ng mga girls. Buti na lang sa gilid lang ako. Naalala ko dun yung sinabi sakin ng dati kong kaklase, di uso ang tahimik. Kaya naman, sa puntong iyon, habang wala pang teacher, unti-unti kong inilalabas ang kulit ko. At ang napag-tripan ko ay yung katabi kong girl sa gilid na itatago ko na lang sa pangalang Rose. Una, pasimple akong nagtanong kung anong oras na kahit ang aga-aga pa at kahit may relo akong dala. Tapos, nakita kong may sinusulat syang pangalan. Akala ko nga pangalan niya kase parang pangbabae yung pangalan na sinusulat niya, JUSTINE. "So, ikaw pala si JUSTINE?", tanong ko. Sinagot naman nya ako kaagad, "Hindi ah!". Nang dumating na ang teacher namen, gumana na agad yung utak ko para sa tinatawag nilang kabaduyan para saken, INTRODUCE YOURSELF. Syempre, alam mo naman kung anong isasagot ko nung pinatayo na ako nung ako na ang sumunod. Eto ang sabi ko:

"Hi, I'm Lenin Zulueta. I live in Cainta, Rizal. I'm 13 years old. And I am new here, I came from the school St. Michael .... Integrated school. I choose to study here coz' I want to experience to study in a big school. Coz' that one is a small private school in Cainta."

"Panis ka sa Introducing ko!" nagmamayabang na sabi ko kay Justine, ay este kay Rose. Bigla nya akong pinalo ng notebook, buti na lang hindi nakita ng teacher kase malayo. Sunod namang pinagawa samen, i-describe ang iyong sarili sa ibang pamamaraan. Wala akong maisip, tumingin ako kay Rose, "Ba't ka nakatingen saken?" tanong niya saken. "Ang cute mo pala kapag nagagalit?", sagot ko sa kanya kaso bigla nya naman ako ulet pinalo ng notebook. Sumabat yung isa ko pang katabi, "Oist Rose, bitter ka kay Lenin. Siguro may gusto ka diyan". Matapos ang ilang segundong kulitan, may naisip na akong idra-drawing. Isang malaking bilog na may dalawang mata na may mahabang STRAIGHT na labi. Tapos may nakasulat na I'm a serious/silent person. "Wehh, serious daw pero ang kulit niya" sabi niya saken. Wala syang maisep kaya gumawa na lang sya ng padlock, tapos may nakasulat na keeper of a girls's secret. Pinaliwanah na naman namin isa-isa ang mga gawa namen. Yung sumunod naman na teacher, ganun din ang pinagawa samen. Iba naman ang drawing ko. Broken heart na may tahi at may nakasulat na I'm not perfect. Wala na namang maisep si Rose, nakita nya yung gawa ko, kaya nakakuha siya saken ng idea. NAg-drawing siya ng buong heart at may nakasulat na I'm lovable. "Nanggaya ka lang sa akin eh", sabi ko sa kanya. "Sus! hindi kaya!", denial na sagot ni Rose. Pinaliwanag na naman namen, ulet. Maya-maya, kinulit ko na naman si Rose, kumulot ang noo nya. "Ang cute mo talaga kapag nakasimangot ka", sabay palo na naman saken ng notebook. Sumabat na naman yung nasa likod naming kaklase, "Anong date ngayon, siguro monthsary niyo ngayon? Ayyiiiee!!", pang asar na sabi nila. Maya-maya ulet, sineryoso ko na syang kausapin. Doon ko nalaman na pareho lang pala kaming transferi. Gulat ako doon. Tapos.

THIRD DAY:
Library na naman, ulet, again, ang room namen. Buti na lang pinaalalahanan agad kami ng adviser namen na baka 1 week pa bago mabuo ang classroom namen. Badtrip ako nun, hindi ko alam kung baket, trip ko lang yata. Kaya naman buong klase ng una nameng teacher, tahimik lang ako habang katabi ko si Rose. Pinapansin nya naman ako, pero isang tanong isang sagot lang ako. Akala nya siguro galit ako kaya hindi muna sya naging bitter saken. Nang sumapit ang hapon, wala na akong magawa. Bumabalik kase sa isip ko yung mga pinagsamahan ko ng ex ko. Matapos nun, naisip ko naman si Rose. Biglang tumibok yung puso ko na parang sa drama lang. Sa kabila ng mga pangungulit ko sa kanya at pagpalo nya saken ng notebook, mahal ko na pala sya, hindi ko pa alam. Nagsulat ako sa likod ng notebook, sinulat ko doon yung chorus ng Pangarap lang kita.

"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko o aking sinta, pangarap lang kita."
-Le..n
to R..e

Tapos tinupi ko at kinalat ko lang sa mesa namen, nagbabakasakaling makita niya. Maya-maya, nakita nga, kaso iba ang nakabasa. Alam nilang galing sakin yun kaya naman binigay agad nila yung papel kay Rose. Rineplyan naman ako ni Rose dun sa sinulatan kong papel.

"Puro ka kalokohan"
"Sa una lang sweet ang mga lalaki, pero pag tumagal magsasawa ka rin."


Syempre, hindi sakin nawala ang kilig factor. Re-replyan ko sana siya nang biglang sumabat yung iba kong katabing babae, "Wag mo na lang isulat, kausapin mo na lang".
Sinunod ko naman sila, nang magsalita ako sa harapan niya, bigla silang naghiyawan, buti na lang walang teacher. Nang dumating na ang teacher, pinalabas sa amin ang assignment namen sa science, at ipinabasa ang mga natutunan ko noong nakaraang taon sa science, kahit medyo inimbento. Nung si Rose yung tinawag, nakatingin lang ako sa kanya, tapos yung mga babae naman nakatingin din saken. Pagkatapos nya, nagulat ako kase ako yung sumunod. Kahit hindi siya nakatingin saken, ayos lang, iniimagine ko naman. Pagkaupo ko, umlais ulet, na naman, yung teacher. Tinanong ko naman si Rose kung ano facebook nya. Binigay nya naman sa isang maliit na papel. Kaso nang iaabot nya na saken, sumingit naman yung iba at sinulat din dun ang mga username nila. Bwiset. Tapos ang Third day.

FOURTH DAY:
Walang pasok, kaya nagchat na lang kame nang sumapit ang hapon.

Ako: Kamusta na?
Rose: Ayos lang, nakakamiss din pala yang pagiging tahimik mo.
Ako: hehehe(kilig factor). Namiss nga rin kita eh. Pumasok ka ba?
Rose: Hindi eh. Malakas ang ulan. Eh ikaw, pumasok ka?
Ako: Hindi rin.
Rose: Ahh. Matanong lang kita.
Ako: Ano yun?
Rose: May gusto ka ba talaga saken?
Ako: Oo eh, kaso pangarap lang kita.
Rose: Puro ka talaga kalokohan.
Ako: hehehe(kilig ulet)
Rose: May ti-nag ako sayong picture, tignan mo na lang.
Ako: Nasan? Wala naman ah
Rose: Hintayin mo.

Tinag nya saken ang picture nya na kasama nya ang boyfriend nya. Sya pala yung sinusulat nya sa likod ng notebook nya, si JUSTINE. Hindi ko na pinahalata na ngayon ko lang nalaman ang lahat at nasaktan ako sa nakita ko.

Ako: Ang ganda mo sa picture ah.
Rose: Yun lang?
Ako: Oo, baket?
Rose: Alam mo na bang may boyfriend ako?
Ako: Oo naman(pero sa loob ko, masaket), sa ganda mong yan wala kang boyfriend?
Rose: Sya si JUSTINE, yung boyfriend ko.
Ako: Ahh(walang pake)
Rose: Kaso mukang nagkakalabuan na kami nyan eh
Ako: Baket?(mukang may pag-asa ako)
Rose: Kase, babaero sya eh.
Ako: Ahh.(mukang may pag-asa nga!)
Rose: Pero hindi na sya ganun ngayon.
Ako: Ahh, eh anong ginawa mo?(mukang wala nang pag-asa)
Rose: Iiwan ko sya kapag ginawa nya pa yon. Kaya tumino sya saken.
Ako: Ahh, maalaga ka pala.(wala na nga talagang pag-asa)
Rose: Oo, lahat binibigay ko para sa kanya ng sobra-sobra.
Ako:(di muna nakasagot)
Rose: Pero sobra-sobra din pala ang sakit na dumadating.
Ako: Ganyan talaga ang love. Pareho pala tayo.
Rose: Alam mo, crush kita.
Ako: Crush din kita eh(tikas na sagot ko yan)
Rose: Oops, sorry. Di ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.
Ako: Ayos lang.(sa loob ko, tuwang-tuwa ako)
Rose: Sige na, matulog ka na. Matutulog na rin ako.
Ako: Sige, bye.
Rose: Bye. (Rose is offline)

Tapos ang conversation. Kumpleto ang araw. Haayy.

FIFTH DAY:
Nagkita kami ni Rose sa flagpole. Habang papalapit pa lang sya, kinikilig na ako ng pasikreto. May binigay sya saking sulat, ewan ko ba kung bakit nya kelangan isulat. Sayang daw kase dissolve na pala ang section namen, nalungkot ako dun sa sinabi niya, kase hindi ko na siya kaklase. Mami-miss niya rin daw ako kahit iba na ang section ko. Kung gusto ko daw syang makausap, magkita na lang daw kami sa canteen. Aabangan nya daw ako doon sa may labas.

to be continued... nyahahaha XD