Isang maliit na karanasan sa CCC Part II

So yun na nga.

Nagbigay sa akin ng sulat si Rose. Magkita daw kami sa canteen sa may labas sa may flagpole sa may upuan sa may katabi ng halaman sa may maraming tao. Pumunta naman ako. Pero, 'langhiyang yan, nagkita kami ng mga kaklase kong galing din sa pinaglumaan kong school. Dun din pala nag-aral yung mga siraulo kong kaklase. Kaya naman ang ending, hindi kami nakapag-usap kahit nung uwian. Nakita ko naman siya at nakita nya rin ako, kaso nang kakausapin ko na sana sya, inakbayan ako ng dati kong kaklaseng siraulo.

Saturday na. Hinihintay ko sya sa Facebook na mag-online para makausap ko sya. Himala, sinagot yung panalangin ko. Nag-online nga.

Ako: Tagal kong naghintay sayo ah
Rose: Hee! Ewan ko sayo!
Ako: O bakit?
Rose: Hee! Ewan ko sayo!
Ako: Ano bang ginawa kong masama? Wala naman akong ginagawa sayo ah

Hindi ko talaga alam kung anong dahilan ng pagkainis nya saken. Siguro hindi ko sya nilibre nung nasa canteen na kame.

Ako: :(
Rose: Oi!
Ako: (Offline mode)
Rose: Oi!
Ako (Online ulet) Baket ba kase galit ka sa akin?
Rose: Ikaw kase eh, hindi mo ako pinapansin nung nasa canteen tayo. Iba kase yung pinapansin mo.
Ako: Sorry na. Yung kaklase ko kase eh, sya yung may kasalanan ng lahat. (Tikas na sagot)
Rose: O sige na
Ako: Hayaan mo, sa monday ikaw ang una kong hahanapin sa Break. Promise ko yan
Rose: K. (parang wala lang)
Ako: Ayos ba sayo yun?
Rose: K (parang wala lang talaga)

Lumipas ang ilang minuto...

Rose: Sige, bye na! Out na ako
Ako: Sige, bye na rin, out na rin ako
Rose: K (yan na naman)
Ako: Bukas sa canteen sa may labas ah
Rose: K. (parang wala lang talaga sa kanya)
(Rose is offline)

Sunday na. Gumising ako ng maaga. Nagcheck ng facebook at notifications. Kumain. Umihi. Nanood ng T.V. Lumabas, bumili ng sibuyas. Kumain ulet. Hapon na. Pumunta ako ng simbahan. Nagdasal. Tumahimik ng dalawang oras ng buhay ko sa simbahan. Umuwi. Nagbasa ng Bob Ong Books. Kumain na naman. Nanood. Naglatag ng kama sa sahig. Higa. Tayo ulet. Inom tubig. Balik sa kama. Pikit mata. Panaginip. Tapos ang sunday.

Monday na. Napamura agad ako kahit kakaumpisa pa lang ng 2nd week ko sa CCC. Nung tapos na at nakapaghanda na ako sa pag-alis ng bahay, tumakbo at sumakay na agad ako ng traysikel. Habang tumatalbog-talbog at para bang lumilindol ang mundo ko sa traysikel dahil sa mga bwisit na hams na yan, sumagi sa isip ko si Rose. Rose. Rose. Rose. Rose. Nung bumaba na ako sa traysikel, dere-deretso lang yung lakad ko nang walang tingin-tingin sa kaliwa at kanan nung tumatawid ako. Basta, ewan ko ba kung anong himala ang nangyare kung bakit hindi pa ako naging sikat na lapitan ng maraming tao para maaksidente sa gitna ng kalsada. Pero anyway, sa dami ng iniisip ko, kasama na dun si Rose at ang mga problemang assignments, iba ang napasukan kong room. Napahiya ako ng kapiranggot, buti na lang hindi pa ako nakakaupo.

Ang tagal kong naghintay para lang sa Recess namen. Pero nung bumaba na ako, wala na naman sya. Nakita ko na lang sya nung uwian na kaso, may kasama syang kaklase nyang babae. Pinansin ko nga siya eh, kaso mukang isnab sya. Kaya inunahan ko na lang sya sa gate sa paglabas.

Kinabukasan, hindi ko na sya hinanap. Talagang deretso na agad ako sa room namen sa taas. Kaso na boring na naman ako, kaya nagbasa na lang ako ng ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS, yung libro ni Bob Ong. Ganun na naman ulet yung nangyare, hindi na naman nagkita tapos galit na naman sya saken.

Hindi ko na matatapos tong kwento kong toh. Kase paulet-ulet lang ang nangyayari sa amin. Pag di nya ako nakita sa canteen, magagalit sya saken. Ganun lang yun. Kaya sorry kung mabibitin kayo.

Happy Father's Day na rin pala!