Y.A.E. = Yan Ang Epic

Ok na sana eh. May sumingit pang demonyito sa likod. AKO YON!
Oist! Kung ano man yang iniisip niyo, nagkakamali kayo. Hindi sya yung kinukwento kong si Rose. Ibang section sya, kaklase ko naman yang siningitan ko sa picture. Si Excelsis.

O diba, katabi ko lang yan sa upuan pero kamay pa lang eh ulam na. Ganyan yan sa CCC, maraming chicks. Kahit san ka lumingon, maraming maganda. Pero syempre, si Rose pa rin ang BIDA.

Yung mga ipo-post niyo nga palang problema diyan sa gilid, sasagutin ko na lang dito sa posts ko. Kapag mahaba. Pero kapag maikli at maliit lang ang problema, dun ko na sosolusyonan. Ayos ba? (sabay-sabay) AYOS!

My little advice

Kabago-gago ko pa lang sa CCC, may nanghingi na agad sa aken ng saklolo. Anong problema nya? Una sa lahat, babae yung nanghingi ng tulong saken. May bestfriend sya, hindi ako, yung kaklase nya dati na malapit lang sa baryo ng bahay nila. Ang problema, hindi na daw sila pinapayagan ng magulang nila na magkita sila. Pinayuhan ko naman na maghintay sya ng pagkakataon para magkita na lang ulet sila. Sinunod naman nya, pero syempre bestfriend nya at tagapayo nya lang ako, nakipagkita pa rin sya sa bestfriend nya. Eto yung chat namen nung nanghingi sya ulet saken ng tulong.

Angel: ei

Ako: yow!

Angel: need ur help!

Ako: ok
what's your problem?
i can help you..

Angel: aun pren. kaso lumala e!
hindi ko ma-explain

Ako: whoa!
lumala?!?!?
paanong lumala?!?

Angel: e, kasi kanina... dun kami gumawa ng assign ni patricia sa bahay nila phichee(bes ko) , tapos naLaman ni mama. kya sumugod sila dun sa bahay ni phichee kasama ung masungit kong tita. tapos pinauwi ako... tapos sinabi na bawal na talaga akong makipagkta sakanya
kasi bka daw mgalit nanaman ung mama ni phichee
tapos akala nila..maii relasyon kami! e, best friends kami e

Ako: lalake ba un?

Angel: ndi. babae! aun nga ung masaklap dun e!!!


Ako: eh bt ka naman nila paghihinalaan na may relasyon kayo?

Angel: ewn ko dun! cguro sa sobrang close namin

Ako: angel...
tangapin mo na lang...
siguro kailangan mong maghintay
ng tamang panahon
ang maghintay lang ang tanging paraan kung gusto mong umayos ang lahat...
at pasensya

Angel: oo nga e! balak ko na ngang magpakamatay e!

Ako: anak ng!
wag mong gagawin yan!
wag na wag
mong gagawin yan
ginagawa lang yan ng mga walang isip, bobo, tanga, gago, adik, lulong sa drogang tao
sila lang ang gumagawa nyan...

Angel: huh!? e, ayoko na e

Ako: angel...
marami pa tayong makikilala...
marami ka pang pasko na dapat icelebrate
marami pang bagong taon
marami pang valentines day

Angel: e, malaki siyang kawalan e! sobrang laki! sya na nga lang ung nagpapasaya saakin kpag malungkot ako e

Ako: but you need to accept it...
there is no other way para magkita kayo...
just wait...
yan ang ginawa ni Jesus...
you need to sacrifice it..
dahil alam kong alam ng mama mo ang ginagawa nya sayo...

Angel: ...hhmmmpp...

Ako: that's just an advice...
pwede mong sundin
pwede ring hinde

Angel: ok! tenks taLaga! mabuti nalang nanjan ka!

Ako: no problem...

Ngayon, sa mga gustong manghingi ng saklolo sa mga problema nila, ikuwento lang sa "COMMENT KA DITO" dyan sa gilid. Ako bahala sa mga problema niyong kanto, banyo, bahay, pag-ibig, magulang, pag-aaral, kaibigan, pagdodownload at kung ano-ano pang shit problems sa buhay niyo. Pwera lang sa pera, lugi ako don.

Dahil diyan sa bagyong yan...

Walang pasok ngayon... enjoy na naman ako!! Isang malakas na Yahoo!! ang narinig ng nanay ko nang malaman kong wala na namang pasok. Pero may negative at positive din yun. Ang positive, walang pasok kaya libre kang magcomputer buong magdamag. Ang negative, wala kang allowance.

Pero syempre, enjoyin niyo na toh. Wag niyo nang palamapasin, dahil hindi na ito mauulet ulet sa susunod. Sige, babay! Enjoy sa msatrubigant!!

Manliligaw pa ba ako? (Chat namen ni Rose)

Isha-share ko lang yung chat namen ni Rose. Wala kase akong magawa noon nung nakausap ko siya sa facebook. Eto na..


Rose: bt mo nilike ung comment ko?

Ako: San?

Rose: sa pic nmn dti ni juz

Ako: wla lang...
nagandahan lang kase ako sa linya mo eh

Rose: sus,,,,,,,,,,,,

Ako: totoo nga naman un
kailangan mo nang mag move on at wag nang balikan ang nakaraan

Rose: 22o lng snvi ko

Ako: kya nga..

Rose: TAMA,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

Ako: tama..

Rose: TINGNAN MU UNG NAME N 2 HA,,,,,,,,,,,,,,
bkosz ella (mwo)

Ako: hala

Rose: pti ung pic nya

Ako: hala
sino yan?

Rose: basta
dalian mo n
tingnan mu nlng

Ako: ou
nakikita ko na
nakita ko na

Rose: ohhhhhhhhhhhhh anu,,,,,,

Ako: sino toh?

Rose: say mu,,,,,,,,,,,,
gf ng x ko,,,,,,,,
ung pinalit nya skin

Ako: gf ng ex mo NGAUN??

Rose: opo,,,,,,,,,,,
paulit ulit

Ako: tsk3

Rose: ganda b?

Ako: kung ako sa kanya, ikaw na lang ang mamahalin ko hangga't maaari
d rin..

Rose: bkt nmn

Ako: magaling akong kumilatis ng maganda at panget
kaya ang masasabi ko sa kanya
DI MAGANDA

Rose: weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
mganda nmn ahhhhhhhhhhhhhhhh,,,,,,,,,,

Ako: hindi nga sya maganda...

Rose: cute nga eh

Ako: cute ba yang ganyan?
cute na sya sa paningin mo?

Rose: oo nmn
bkt,,,,,,,,,,,,,,

Ako: eh para saken, hindi siya cute
kahit sabihin mong masamang tao ako
hindi pa rin sya cute
kahit gumuho man ang mundo
hindi sya cute

Rose: grabe k

Ako: ganun tlga ako eh
sorry

Rose: e2 n lng c therese monserrat
mganda tlga yn
promise

Ako: gue
tignan ko muna
maraming therese monserrat eh
sino ba dito?
ung naka green?

Rose: opo

Ako: cute sya
pero hindi maganda

Rose: noh byannnnnnnnnnnnn

teka ang

Rose: muse kya nmin yn

Ako: ha
hehehe
sensya na
iba tlga ang taste ko sa mga babae eh
gue

Rose: sma nmn nito ng offline,,,,,,,,,,,,,,

Ako: rose!
lyn!

Rose: po,,,,,,,,,,,,,,,,

Ako: wla lang

Rose: kkpagod gumawa ng homework

Ako: anu ba homework mo?!?

Rose: buti ng online k ulit,,,,,,,,,
basta dmi

Ako: kaya muhh yan..
kaw pa..
teka
bili lang ako ng toyo
tsaka suka
hehehe

Rose: k po

Ako: yehey!
im back!
basang basa sa ulan



Rose: bt d k ng payong?



Ako: uko
tnatamad ako eh



Rose: sus,,,,,, kslanan mo rin pla eh,,,,,,,,,,,,,,,,



Ako: hahaha



Rose: torpe k b?



Ako: hindi
dati lang yun




Rose: weeeeeeeeeee



Ako: pero hindi na uso ngayon yon
hindi na uso ngayon ang torpe





Rose: bt d k p nang liligw?
akala ko b my gus2 ko k skin




Ako: naghahanap ako ng tamang panahon...





Rose: o bka kailangan ako p mng ligaw?





Ako: hala
grabe ka ah






Rose: ah,,,,,,, ganun ,,,,,
tagal nmn................





Ako: so naiinip ka na?






Rose: bka d ko n mhinty ha,,,,,,,,,,,,,,,,
tgal nmn kc,,,,,,,,,,,,,,,,
prang torpe





Ako: ganun tlga ako







Rose: manliligw k b o hndi,,,,,.???





Ako: sa tingin mo kailangan kong sagutin yan?
kapag sinabi kong manliligaw ako...
gagawin ko talaga





Rose: bla k nga,,,,,,,
kung ayaw mu,,,,,,,




Ako: hhmmm...
glit ka?



Rose: naiinis p lng



Ako: so glit ka na nga...



Rose: d p nga msyado


Ako: MANLILIGAW AKO SAYO


Rose: cguro kse ayaw mo png plitn ung 24
mu



Ako: DINELETE KO NA NGA DIBA??!?




Rose: wg n npipilitn k lng ehhhhhhhhhh,,,,,,,,,



Ako: TSK3
NANGUNGUNA KA KASE EH
INUUNAHAN MO AKO EH
PURO KA KOMENTO
PURO KA GANYAN



Rose: wag n nga,,,,,,,,,,
tnx,,,,, n lng ,,,,,,,,,,,,,,,,,,
sungit mo



Ako: tapos sabay susuko ka...
wala namang ganunan...
sige na..



Rose: eh,,,,,, nkkhiya kya,,,,,, gnwa ko no,,,,,,,,
alam mo b ngaun ko lng 2 gnwa sa llki,,,,,,,,,,,,,



Ako: kya pala eh
FOR THE LAST TIME
sorry...
for the LAST time...



Rose: eh,,,, kc prang lumalbs n ako p 2loy ng hhbol sau,,,,,,,,,,,,,,,


Ako: ahh



Rose: bsta ,,,,,, kung manliligw k ,,,,,, bla kna,,,,,,,,,,,
grabe n hihiya n ko sa mga png ggwa ko,,,,,,,,,,,,,



Ako: huminahon ka rose...
hindi nakakahiya yang ginagawa mo..


Rose: ewan ko lng kung my mukha p kong maihhrap sau,,,,,,,,,,,,,,,,
anung d k jan,,,,,,,,,,,,



Ako: d kc kta makausap ng maayos sa chat eh
mas maganda tlga kpag sa personal



Rose: ayoko,,,,,
d ko n kya,,,,,



Ako: anung d na kaya?
suko ka na?



Rose: nkkhiya na,,,,,,, tlga,,,,,,,,,,,,,,,,,



Ako: panu mu nasabing nakakahiya?
kumakalat na ba?
alam na ba lahat ng kaklase mo?



Rose: sau,,,,,,,,,,,,



Ako: rose, lahat ng kaibigan ko makakapal ang mukha
lahat ng kaibigan ko tapat
kaya sanay na ako...
wag kang mahihiya saken
lalaki ako
at naiintindihan kita
wag mo nang itanong kung pano
basta naiintindihan kita



Rose: out n ko ,,,,


Ako: gue


Rose: d ako mkaget over



Ako: kaya muhh yan...



Rose: nkkhiya tlga



Ako: tsk3



Rose: kw kc eh,,,,,,,,,,,
pg nkita kta tatakbuhn n kta,,,,,,, sa sobrng hiya,,,,,, at kaba,,,,,,



Ako: o cgue na
magpahinga ka na kung magpapahinga ka..
kumain ka na kung kakain ka...
bsta ndii ako susuko sau..



Rose: bla k sa buhay mu,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
kakainis k kasi,,,,,,,,\
nkakainip,,,,,, k kc eh,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
npka tgal mo,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
bsta,,,,,,,,,,,,,,, wait n lng kta,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,



Ako: magpahinga ka na rose...



Rose: k po tnxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
same 2 u,,,,,,,,,,,,,
gud nyt
see u soonnnnnnnnnnnnnn


Ako:gud nyt

(Roselyn is offline.)


Ngayon ang tanong, liligawan ko ba sya o hinde? Libre lang sumagot, wag nang mahiya.

Pambasag araw

Dahil Father's Day ngayon, meron akong PAMBASAG ARAW na tsak ay babasagin talaga araw niyo ngayong umaga/tanghali/hapon/gabi/madaling araw.

Eto na...


Anong tawag sa MATIGAS na TATAY?

Ano?

Edi PADER




Pwede ka namang magmura kung nakornihan ka eh. Peace!

Happy Father's Day!

Yan ang inedit kong picture ng tatay ko. Yan ang sobrang pinaghirapan at sobrang pinagpuyatang picture sa buong mundo. Happy Father's Day!!


















Eto rin pala yung picture kong edited. Ewan.

Isang maliit na karanasan sa CCC Part II

So yun na nga.

Nagbigay sa akin ng sulat si Rose. Magkita daw kami sa canteen sa may labas sa may flagpole sa may upuan sa may katabi ng halaman sa may maraming tao. Pumunta naman ako. Pero, 'langhiyang yan, nagkita kami ng mga kaklase kong galing din sa pinaglumaan kong school. Dun din pala nag-aral yung mga siraulo kong kaklase. Kaya naman ang ending, hindi kami nakapag-usap kahit nung uwian. Nakita ko naman siya at nakita nya rin ako, kaso nang kakausapin ko na sana sya, inakbayan ako ng dati kong kaklaseng siraulo.

Saturday na. Hinihintay ko sya sa Facebook na mag-online para makausap ko sya. Himala, sinagot yung panalangin ko. Nag-online nga.

Ako: Tagal kong naghintay sayo ah
Rose: Hee! Ewan ko sayo!
Ako: O bakit?
Rose: Hee! Ewan ko sayo!
Ako: Ano bang ginawa kong masama? Wala naman akong ginagawa sayo ah

Hindi ko talaga alam kung anong dahilan ng pagkainis nya saken. Siguro hindi ko sya nilibre nung nasa canteen na kame.

Ako: :(
Rose: Oi!
Ako: (Offline mode)
Rose: Oi!
Ako (Online ulet) Baket ba kase galit ka sa akin?
Rose: Ikaw kase eh, hindi mo ako pinapansin nung nasa canteen tayo. Iba kase yung pinapansin mo.
Ako: Sorry na. Yung kaklase ko kase eh, sya yung may kasalanan ng lahat. (Tikas na sagot)
Rose: O sige na
Ako: Hayaan mo, sa monday ikaw ang una kong hahanapin sa Break. Promise ko yan
Rose: K. (parang wala lang)
Ako: Ayos ba sayo yun?
Rose: K (parang wala lang talaga)

Lumipas ang ilang minuto...

Rose: Sige, bye na! Out na ako
Ako: Sige, bye na rin, out na rin ako
Rose: K (yan na naman)
Ako: Bukas sa canteen sa may labas ah
Rose: K. (parang wala lang talaga sa kanya)
(Rose is offline)

Sunday na. Gumising ako ng maaga. Nagcheck ng facebook at notifications. Kumain. Umihi. Nanood ng T.V. Lumabas, bumili ng sibuyas. Kumain ulet. Hapon na. Pumunta ako ng simbahan. Nagdasal. Tumahimik ng dalawang oras ng buhay ko sa simbahan. Umuwi. Nagbasa ng Bob Ong Books. Kumain na naman. Nanood. Naglatag ng kama sa sahig. Higa. Tayo ulet. Inom tubig. Balik sa kama. Pikit mata. Panaginip. Tapos ang sunday.

Monday na. Napamura agad ako kahit kakaumpisa pa lang ng 2nd week ko sa CCC. Nung tapos na at nakapaghanda na ako sa pag-alis ng bahay, tumakbo at sumakay na agad ako ng traysikel. Habang tumatalbog-talbog at para bang lumilindol ang mundo ko sa traysikel dahil sa mga bwisit na hams na yan, sumagi sa isip ko si Rose. Rose. Rose. Rose. Rose. Nung bumaba na ako sa traysikel, dere-deretso lang yung lakad ko nang walang tingin-tingin sa kaliwa at kanan nung tumatawid ako. Basta, ewan ko ba kung anong himala ang nangyare kung bakit hindi pa ako naging sikat na lapitan ng maraming tao para maaksidente sa gitna ng kalsada. Pero anyway, sa dami ng iniisip ko, kasama na dun si Rose at ang mga problemang assignments, iba ang napasukan kong room. Napahiya ako ng kapiranggot, buti na lang hindi pa ako nakakaupo.

Ang tagal kong naghintay para lang sa Recess namen. Pero nung bumaba na ako, wala na naman sya. Nakita ko na lang sya nung uwian na kaso, may kasama syang kaklase nyang babae. Pinansin ko nga siya eh, kaso mukang isnab sya. Kaya inunahan ko na lang sya sa gate sa paglabas.

Kinabukasan, hindi ko na sya hinanap. Talagang deretso na agad ako sa room namen sa taas. Kaso na boring na naman ako, kaya nagbasa na lang ako ng ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS, yung libro ni Bob Ong. Ganun na naman ulet yung nangyare, hindi na naman nagkita tapos galit na naman sya saken.

Hindi ko na matatapos tong kwento kong toh. Kase paulet-ulet lang ang nangyayari sa amin. Pag di nya ako nakita sa canteen, magagalit sya saken. Ganun lang yun. Kaya sorry kung mabibitin kayo.

Happy Father's Day na rin pala!

Patalastas: Tabi-tabi po

Kinang-inang pimples yan

Bwisit ka Roselyn, ba't pa kase tayo nagkakilala edi sana hindi ako nahulog sayo. Ayan tuloy, habang tumatagal pumapanget ako dahil dito sa bwiset na pimples kong toh!

Sa sabado na lang ulet itutuloy yung istoryang "Isang maliit na karanasan sa CCC" o IMNKSC for short. Madami pa kasi akong assignment na kailangang gawen at hindi ako pwedeng magpuyat at wala pa ako sa mood magsulat. (Wow! Reason na naman ako! Di na lang sabihin kung ayaw!)

Isang maliit na karanasan sa CCC

Ayus! nakapag-adjust na ako sa CCC, kala ko kase mahirap. Buti na lang may old classmate akong galing dun sa school na iyon, buti na lang mabait siya, at buti na lang binigyan niya ako ng PAYO AT TIPS PARA MAKA-ADJUST SA CCC or PATPMASC for short.

Unang-una sa lahat, hindi uso doon ang tahimik. Gumawa ka ng paraan para may makausap ka. Ako nakagawa ako ng paraan, tinanong ko lang yung kaklase kong maitim kung masungit ba ang mga teachers, at ang sabi niya, "Yung iba lang, masungit. Pero karamihan dito, palabiro."

Ok, eto na ang sinasabi kong ISANG MALIIT NA KARANASAN SA CCC or IMNKSC for short(again).

FIRST DAY:
Yun na nga, second year na ako nung pumasok na ako. Pagpasok ko pa lang sa gate, feeling ko kahiya-hiya ako at kasuklam-suklam ako sa paningin nila dahil kasama ko pa si nanay sa pagpasok. Hindi ko pa kase masyadong kabisado ang mga paikot-ikot dun. Pagkatapos mag-flag ceremony, umayos na kami ng pila at pumunta na kami sa magiging room namen. Anung katangahan naman ng tadhanang kami pang nag-iisang section ang nakulangan ng room, kaya naman pinaupo nila kame sa sahig na punong-puno ng alikabok. Mula 7:45 hanggang 9:00, nakaupo kami dun at pinagbreak muna kami. Nang bumaba ako mula sa third floor, sinahaman ako ng isang lalaki (yung tinanungan ko kung masungit ba ang mga teachers)sa canteen. Bumili ako ng shomai, softdrinks at umakyat na rin ako pagkatapos nun. Pagbalik ko, pinapila kami at pumasok sa library. At yun ang nagsilbi muna naming room pansamantagal.

SECOND DAY:
Library pa rin ang room namen. Bale tahimik kaming nag-ingay dun. Nung dumating yung teacher, in-arrange yung mga puwesto namen. Anong laking katangahan na naman ng tadhana at ako pa ang nakita ng adviser namen na ilipat ako mag-isa sa tabi ng mga girls. Buti na lang sa gilid lang ako. Naalala ko dun yung sinabi sakin ng dati kong kaklase, di uso ang tahimik. Kaya naman, sa puntong iyon, habang wala pang teacher, unti-unti kong inilalabas ang kulit ko. At ang napag-tripan ko ay yung katabi kong girl sa gilid na itatago ko na lang sa pangalang Rose. Una, pasimple akong nagtanong kung anong oras na kahit ang aga-aga pa at kahit may relo akong dala. Tapos, nakita kong may sinusulat syang pangalan. Akala ko nga pangalan niya kase parang pangbabae yung pangalan na sinusulat niya, JUSTINE. "So, ikaw pala si JUSTINE?", tanong ko. Sinagot naman nya ako kaagad, "Hindi ah!". Nang dumating na ang teacher namen, gumana na agad yung utak ko para sa tinatawag nilang kabaduyan para saken, INTRODUCE YOURSELF. Syempre, alam mo naman kung anong isasagot ko nung pinatayo na ako nung ako na ang sumunod. Eto ang sabi ko:

"Hi, I'm Lenin Zulueta. I live in Cainta, Rizal. I'm 13 years old. And I am new here, I came from the school St. Michael .... Integrated school. I choose to study here coz' I want to experience to study in a big school. Coz' that one is a small private school in Cainta."

"Panis ka sa Introducing ko!" nagmamayabang na sabi ko kay Justine, ay este kay Rose. Bigla nya akong pinalo ng notebook, buti na lang hindi nakita ng teacher kase malayo. Sunod namang pinagawa samen, i-describe ang iyong sarili sa ibang pamamaraan. Wala akong maisip, tumingin ako kay Rose, "Ba't ka nakatingen saken?" tanong niya saken. "Ang cute mo pala kapag nagagalit?", sagot ko sa kanya kaso bigla nya naman ako ulet pinalo ng notebook. Sumabat yung isa ko pang katabi, "Oist Rose, bitter ka kay Lenin. Siguro may gusto ka diyan". Matapos ang ilang segundong kulitan, may naisip na akong idra-drawing. Isang malaking bilog na may dalawang mata na may mahabang STRAIGHT na labi. Tapos may nakasulat na I'm a serious/silent person. "Wehh, serious daw pero ang kulit niya" sabi niya saken. Wala syang maisep kaya gumawa na lang sya ng padlock, tapos may nakasulat na keeper of a girls's secret. Pinaliwanah na naman namin isa-isa ang mga gawa namen. Yung sumunod naman na teacher, ganun din ang pinagawa samen. Iba naman ang drawing ko. Broken heart na may tahi at may nakasulat na I'm not perfect. Wala na namang maisep si Rose, nakita nya yung gawa ko, kaya nakakuha siya saken ng idea. NAg-drawing siya ng buong heart at may nakasulat na I'm lovable. "Nanggaya ka lang sa akin eh", sabi ko sa kanya. "Sus! hindi kaya!", denial na sagot ni Rose. Pinaliwanag na naman namen, ulet. Maya-maya, kinulit ko na naman si Rose, kumulot ang noo nya. "Ang cute mo talaga kapag nakasimangot ka", sabay palo na naman saken ng notebook. Sumabat na naman yung nasa likod naming kaklase, "Anong date ngayon, siguro monthsary niyo ngayon? Ayyiiiee!!", pang asar na sabi nila. Maya-maya ulet, sineryoso ko na syang kausapin. Doon ko nalaman na pareho lang pala kaming transferi. Gulat ako doon. Tapos.

THIRD DAY:
Library na naman, ulet, again, ang room namen. Buti na lang pinaalalahanan agad kami ng adviser namen na baka 1 week pa bago mabuo ang classroom namen. Badtrip ako nun, hindi ko alam kung baket, trip ko lang yata. Kaya naman buong klase ng una nameng teacher, tahimik lang ako habang katabi ko si Rose. Pinapansin nya naman ako, pero isang tanong isang sagot lang ako. Akala nya siguro galit ako kaya hindi muna sya naging bitter saken. Nang sumapit ang hapon, wala na akong magawa. Bumabalik kase sa isip ko yung mga pinagsamahan ko ng ex ko. Matapos nun, naisip ko naman si Rose. Biglang tumibok yung puso ko na parang sa drama lang. Sa kabila ng mga pangungulit ko sa kanya at pagpalo nya saken ng notebook, mahal ko na pala sya, hindi ko pa alam. Nagsulat ako sa likod ng notebook, sinulat ko doon yung chorus ng Pangarap lang kita.

"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko o aking sinta, pangarap lang kita."
-Le..n
to R..e

Tapos tinupi ko at kinalat ko lang sa mesa namen, nagbabakasakaling makita niya. Maya-maya, nakita nga, kaso iba ang nakabasa. Alam nilang galing sakin yun kaya naman binigay agad nila yung papel kay Rose. Rineplyan naman ako ni Rose dun sa sinulatan kong papel.

"Puro ka kalokohan"
"Sa una lang sweet ang mga lalaki, pero pag tumagal magsasawa ka rin."


Syempre, hindi sakin nawala ang kilig factor. Re-replyan ko sana siya nang biglang sumabat yung iba kong katabing babae, "Wag mo na lang isulat, kausapin mo na lang".
Sinunod ko naman sila, nang magsalita ako sa harapan niya, bigla silang naghiyawan, buti na lang walang teacher. Nang dumating na ang teacher, pinalabas sa amin ang assignment namen sa science, at ipinabasa ang mga natutunan ko noong nakaraang taon sa science, kahit medyo inimbento. Nung si Rose yung tinawag, nakatingin lang ako sa kanya, tapos yung mga babae naman nakatingin din saken. Pagkatapos nya, nagulat ako kase ako yung sumunod. Kahit hindi siya nakatingin saken, ayos lang, iniimagine ko naman. Pagkaupo ko, umlais ulet, na naman, yung teacher. Tinanong ko naman si Rose kung ano facebook nya. Binigay nya naman sa isang maliit na papel. Kaso nang iaabot nya na saken, sumingit naman yung iba at sinulat din dun ang mga username nila. Bwiset. Tapos ang Third day.

FOURTH DAY:
Walang pasok, kaya nagchat na lang kame nang sumapit ang hapon.

Ako: Kamusta na?
Rose: Ayos lang, nakakamiss din pala yang pagiging tahimik mo.
Ako: hehehe(kilig factor). Namiss nga rin kita eh. Pumasok ka ba?
Rose: Hindi eh. Malakas ang ulan. Eh ikaw, pumasok ka?
Ako: Hindi rin.
Rose: Ahh. Matanong lang kita.
Ako: Ano yun?
Rose: May gusto ka ba talaga saken?
Ako: Oo eh, kaso pangarap lang kita.
Rose: Puro ka talaga kalokohan.
Ako: hehehe(kilig ulet)
Rose: May ti-nag ako sayong picture, tignan mo na lang.
Ako: Nasan? Wala naman ah
Rose: Hintayin mo.

Tinag nya saken ang picture nya na kasama nya ang boyfriend nya. Sya pala yung sinusulat nya sa likod ng notebook nya, si JUSTINE. Hindi ko na pinahalata na ngayon ko lang nalaman ang lahat at nasaktan ako sa nakita ko.

Ako: Ang ganda mo sa picture ah.
Rose: Yun lang?
Ako: Oo, baket?
Rose: Alam mo na bang may boyfriend ako?
Ako: Oo naman(pero sa loob ko, masaket), sa ganda mong yan wala kang boyfriend?
Rose: Sya si JUSTINE, yung boyfriend ko.
Ako: Ahh(walang pake)
Rose: Kaso mukang nagkakalabuan na kami nyan eh
Ako: Baket?(mukang may pag-asa ako)
Rose: Kase, babaero sya eh.
Ako: Ahh.(mukang may pag-asa nga!)
Rose: Pero hindi na sya ganun ngayon.
Ako: Ahh, eh anong ginawa mo?(mukang wala nang pag-asa)
Rose: Iiwan ko sya kapag ginawa nya pa yon. Kaya tumino sya saken.
Ako: Ahh, maalaga ka pala.(wala na nga talagang pag-asa)
Rose: Oo, lahat binibigay ko para sa kanya ng sobra-sobra.
Ako:(di muna nakasagot)
Rose: Pero sobra-sobra din pala ang sakit na dumadating.
Ako: Ganyan talaga ang love. Pareho pala tayo.
Rose: Alam mo, crush kita.
Ako: Crush din kita eh(tikas na sagot ko yan)
Rose: Oops, sorry. Di ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.
Ako: Ayos lang.(sa loob ko, tuwang-tuwa ako)
Rose: Sige na, matulog ka na. Matutulog na rin ako.
Ako: Sige, bye.
Rose: Bye. (Rose is offline)

Tapos ang conversation. Kumpleto ang araw. Haayy.

FIFTH DAY:
Nagkita kami ni Rose sa flagpole. Habang papalapit pa lang sya, kinikilig na ako ng pasikreto. May binigay sya saking sulat, ewan ko ba kung bakit nya kelangan isulat. Sayang daw kase dissolve na pala ang section namen, nalungkot ako dun sa sinabi niya, kase hindi ko na siya kaklase. Mami-miss niya rin daw ako kahit iba na ang section ko. Kung gusto ko daw syang makausap, magkita na lang daw kami sa canteen. Aabangan nya daw ako doon sa may labas.

to be continued... nyahahaha XD

Yun yun eh!

Mga Guys! Nasa Blogs Ng Pinoy na tayo... ayaw niyong maniwala? Eto ang patunay!!



















Sabi ko sayo eh! Sige, sa susunod na sabado ulet! Busy na kase ako sa studying eh. (wow! reason!)

Grand Anouncement

Ang pabasang MGA KWENTONG KANTO ay hindi na magiging active simula sa pasukan dahil pumapasok din ako. Hindi ko ito masyadong mapapakielaman dahil simula nga sa pasukan, magiging busy na ako.

At isa pa, next year, mag-iiba na ako ng concept at title ng blog ko. Ayokong gumawa pa ng isang blog. Nakakatamad. Mas mabuti ng ibahin ko itong title at concept ng blog ko. Abangan niyo na lang kung anong magiging title neto. Yung concept? Nag-iisip pa ako eh. Basta abangan niyo na lang. Babay!! Labzxsyu readers!! Mamemish ko kayo!

Panliligaw II: Tips para makuha siya

Dati pinutok ko dito yung kauna-unahan kong Tips ng panliligaw. Pindutin mo TOH
INTRODUCTION:
Madami kang nakikitang magshota na magkaholding hands while walking(HHWW)!
Magkatabi sa dyip at naka-akbay pa!, naghahalikan sa upuan sa Mall, magkapatong sa upuan (I mean nakaupo sa lap ng boy yung girl)!

Minsan naman may makakasabay ka na ang ganda-ganda ng babae pero yung lalake ay parang Halimaw na kung saan nagsaboy ng kasamaan ang diyos at siya ang sumalo lahat!!

Akalain mong napansin mo pa yun?

Well ilan lang yan sa makikita mo sa pangaraw-araw mong buhay na pagiging single!

Pero may masasabi ka din sa kanila diba?!
Promise kung mapuna ka sa mga tao ang sasabihin mo ay:
"Ang laswa naman nila; Ang korny; Bisaya!;di sila bagay; atbp mga negative comments"

Isa lang ang masasabi ko sa iyo dyan!
INGIT KA LANG! Dahil Wala ka!!

Well ganyan talaga ang love!
Isang force field na walang pwedeng makainfiltrate
Kapag nakikita mo silang naghahalikan,... hayaan mo sila/"leave them alone"
dahil gusto nila yun! dahil wala silang pakielam sa mga tao paligid!?

Ganyan ang love!
"Just between you and your partner and nothing could ever disturb your time with each other!"


FORMULA 101:

Well basted ka ba? ikaw kasi e! Nagmamadali ka kasi!!!
May kasabihan tayo:
"Wag mong hugutin ang halaman mula sa lupa para tumaas lang ito, kundi ito'y mamamatay lang"

Ganyan din ang love, wag kang magmamadali! don't jump conclusions agad!
Make your love work slowly . . .

kaya ito ang formula ko!:


------------------------------ ------------------------------ --------------------

First of all wag kang magmamadali kundi madidisgrasya ka lang!!! (parang bike na mabilis ang takbo at nawalan bigla ng brake).

VERSE I
Make him/her come to you!:
1. Everything must start with friendship (magpakilala ka as a friend....LANG!!)

2. Communication is the key - Maganda kung txt messages lang para short at nakakabitin! Kapag phone, wag kayong magtetelebabad kundi mga 2-4 hours lang ang timespan ninyo! kundi mauubusan ka nyan ng kwento! pero the best talaga one on one conversation! (dyan mo makikita talaga ang tunay niyang katauhan at syempre expressions ^_^)

3. Give and take relationship (mutualism) syempre dapat may nakikinabang sa inyong dalawa!

4. Be nice (don't be plastic) just be.... you!. Kapag uwian na (kung galing school, work, occasion), ask her to drive her home or walk her home ^_^ then usap kayo sa daan! or hatid mo siya! promise yan she will be thankful afterwards!

5. Flirt a little pero mas maganda kung nagjojoke ka kahit korny! Dahil mas maganda kung nakikita mo siyang palaging nakasmile! (it melts your hearth away!; Killer Smile!).

6. Maging magalang ka! such as by saying Goodmorning, Gi, hello, how are you? everytime you see him/her.

7. Ipakita mo na concern ka! --- Kumain ka na ba?, Musta ang day mo naman?, Got any problems? pero wag naman sobra! hanapin mo ang ryt time kapag sasabihin mo sa kanya yan! kundi alam mo na!

8. WAG KANG TORPE!!!

VERSE II "courting time"

9. Kakasabi ko palang conversation is the key of relationship, humor, and give and take! etc.

Pero kapag pinagsama-sama natin ang lahat-lahat ng formula sa VERSE I eto ang kakalabasan:

Ganito ang gawin mo wag mong sasabihin na manliligaw ka! AWKWARD yun! hayaan mo siyang lumapit sa iyo! at gumaang ang loob niya sa iyo. Until tanungin ka nya na..."Nanliligaw ka ba?"

Syempre mapapansin nya din yun diba? Di naman siya bato para di pansinin yun?
Ang gagawin mo kapag tinanong ka nya ng ganyan... e2 ang magandang sagot!

-=OK=- (mahinahon manner)
1. (smile) yes ->short but fruitful
2. Yes I like you (dont say I love You agad ha?, I like u lang!)
3. Masaya kasi ako kapag nakakasama ka, kaya gusto kita ^_^ (syempre mapapaisip siya nyan)
4. (Diskarte mo na yung mga susunod dito basta smile lang while saying ur words)
5. (PWede ding magdrama ka pero wag O.A! like, alam mo sarap mo kasing makasama, nagiging masaya ako kapag nakikita ka, sarap pakingan ang iyong boses kaya gusto kita!) -keep it short na lang!

-=Not ok=- (sasampalin ka nyan or Busted)
1. Obvious ba? tagal-tagal na pero ngayon mo lang napansin
2. Bato ka ba?
3. Haaay!! napansin din nya ---> 1+1 = BASTED!
4. Ok lang ba sa iyo na maging tayo? (ano yun biglaan?)
5. AMP! TAYO NA! (naiinis ako sa gan2)


Well yung mga ok sa taas,... use in moderate din dahil DISKARTE mo na din pagdating mo sa time na ganyan:

And then Alagaan mo na lang kapag sinagot ka na nya!
Kapag hindi nag-ok ang sagot niya as in hindi pa siya handa...

Don't take it as "busted" kundi -> "Better luck next time" or maybe kulang pa! dahil di mo pa nakukuha ang loob nya!!


VERSE III: Paano mag-alaga ng relation

Well kahit kayo na... sana naman di parin nagbabago ang tingin ninyo sa isat-isa! almost 75% friends parin kayo at 25% mag-on kayo...

Hayaan mong mag-adjust pataas ang 25% kung paano ka magaalaga ng relationship mo!

-=Final Kayo na!=- Isipin mo ay gan2

1. Kahit kayo na, wag kang magtitiwala sa kanya na ikaw lang! (isipin mo yung X nya, dahil friend nya parin yun). Kala mo lang kayo sa umaga pero katxt niya sa gabi yung X nya! (pero minsan lang kung nakalimutan na nga nya! or maybe...??)
Kasabihan:Lahat ng bagay dapat may kahati ka!

2. Wag mong kilalanin ang mga boys/girls na naka-link sa kanya! Promise! you will thank me for this! Dahil once na maging close niya yung pinakilala mo sa kanya baka ikaw ang maiwan or malaman niya ang negative side mo!

3. Magpakilala ka sa kanyang parents. Dahil baka anu-ano ang isipin nila kapag wala ang isa sa inyo! or kapag magkasama kayo!

4. Kapag maguusap kayo... be your self! wag mong paglaruan! kapag di ka seryoso,... karma ang aabutin mo sa susunod mo! Promis yan!

5. Kapag magkasama kayo, try mong wala kang pakielam sa mga taong nakapaligid sa inyo! ipakita mo na sa kanya lang ang time mo! in short sa kanya ka lang talaga!

6. Give and take relationship! < -- syempre try mo itreat ang isa sa inyo! then next time siya naman!

7. If you love him/her show it! dont say it! (but some times masarap pakingan ang mga words na binebaby mo siya, I love you [use in moderate] etc.)


VERSE IV: Relationship wont work if:
1. Kapag kayo na, kinahihiya ka parin niya by saying di pa kami, ewan, tanong mo sa kanya
(ako sa iyo, iiwanan ko na siya wag ka nang umasa!)

2. Kayo na, pero ibang girls/boys ang kasama! (maybe your not doing your best kaya naghahanap ng iba)

3. Trinatraydor ka kapag wala ka at nabalitaan mo sa iba na ganun

4. May nakita kang text ng BF/GF nya na humihiling na magkakabalikan sila
(naranasan ko yan! pero pinagbigyan ko, mas maganda ibaon mo siya sa galit -- Pagtampuhan mo!, magalit ka sa kanya-- ipakita mo sa kanya na P.I - traydor ka!)

5. Nakikita mo parin na kinakausap siya ng X niya sa Phone at Text (one time kasi, nagtext ang X ng gf ko, sinabi "LOve nasaan ka na?!" E, kumakain ako noon, tumigil ako sa pagkain! as a protest. Wag ka nang pumunta sa bahay nila! tapos na kayO! wala nang second chance! "tigilan mo nang tumubo ang masamang binhi!"

6. Walang kasiguraduhan ang patutunguhan ng relationship ninyo kapag walang EWAN, DI KO ALAM, TANONG MO SA KANYA, yung tipo na alam ng madla na mag-on kayo pero di pala kayo ok sa isat-isa!

7. Mas masaya siya sa iba!, it wont work! promisE!

8. 2 months na kayo wala pang improvement!??? Magpaalam ka na sa kanya!!!

9. P.I iba-iba ang kausap niya kapag wala ka

10. DI KA GUSTO NG PAMILYA NIYA!

11. nabalitaan mong shota pala siya ng bayan! (Syota ko shintota mo, shinota ng lahat, shota pa ng bayan!)



well, masaya kapag may shota no? short for short time!
mas maganda yung term na lover ko or my baby etc.!

or BF/ GF.

mga puppy love dyan! di yan ang true love!

Simula sa June 6, 2011

Hindi na masyadong magiging active itong site na toh. Unang-una sa lahat, isa lamang po akong highschool student na nangarap magkaroon ng blog. Pangalawa, ginawa ko toh para lang maipahayag ko ang nararamdaman ko. Pangatlo, maaga ang pasok ko at hindi ako pwedeng magpuyat dahil 4:00 pa lang dapat gising na ako. At panglima, tuwing sabado na lang ako makakapagpost. Hindi po ito reason. Salamat.

Title: Banana Cue

"Ang karunungan ay para sa lahat. Ang sariling pagtuturo ay maaaring gawin ng kahit sino. Ngunit ang pagkatuto ay personal na kagustuhan" -MKK

Nakita ko lang tong video na toh sa pabasa ng MgaEpal.com
Sige, himayin mo muna tong vendor na toh.

Pinakinggan ko maigi yung mga pinagsasasabi nya. Akala ko nung una joker na tindero toh ng banana cue.

Anong masasabi ko?
Simple lang naman ang masasabi ko dito, pakikalat na lang po ang video na toh. Sa tingin ko, konti pa lang ang nakakapanuod neto. Ikalat niyo itong video na toh. Pwede kase syang maging tour guide. Sa totoo lang, may potensyal talaga tong lalakeng to. Marami syang pwedeng mapasukan dahil sa kanyang self-confidence. Ipaabot niyo na lang toh sa mga pwedeng umabot. Kung may twitter ka, i-tweet mo. Kung may facebook ka, i-share mo. Kung may blog ka, gawan mo ng pabasa. Sayang kase ang potensyal nya eh. Nandyan na ang potensyal. Kailangan na lang ng pagkakataon. Pwede mong ipakita sa mga sikat o di kaya sa mga networks. Para ma-feature sa mga shows. O di kaya kung ikaw kaya mo syang bigyan ng trabaho, gawin mo. Bihira ka lang makakita ng mga taong handang matuto. Yan yung mga taong may abilidad, pagkukusa, at may pagtitiwala sa sarili.

Palista naman!

Mga basaheros! papalista na me sa Blogs ng Pinoy!!! Yehey!! Yahoo!! Ang galing!!

yun lang.

k. payn. wateber.
"Ang pagkakaibigan, maaaring tumagal. Maaari ring magkawatak-watak. Pero sa kabilang banda, kailangan nating paghandaan ang mararamdaman natin kung ano mang mangyari sa kaibigan naten. Mawala man ang isa sa inyo, dapat kumpleto pa rin. Dahil kahit sa mga huling hakbang niya, nakagawa kayo ng alaala." -MKK