Yourinal - Wala lang

Wala lang.

Ganda ng intro ko noh'. Wala kase akong magawa ngayong malapit na ang pasukan. Medyo namomroblema pa nga ako kase transferi ako sa CCC. Naisip ko tuloy parang ang hirap mag adjust. Di naman pwedeng parang ang daling mag adjust kase nga baguhan na naman ako sa isang eskwelahan eh. Nainggit ako sa mga dati kong kaklase kase next next week pa yung pasok nila. Samantalang ako, sa lunes na. Kaya nga sinusulit ko na ang pagsusulat eh kase sa dun sa bago kong school, bawal na ang matanghali ng gising. Kapag na-late ka, pagagawan ka ng letter kung bakit ka na-late. At hindi lang yun, kapag hindi acceptable ang reason mo, pauuwiin ka. SH*T! Nakakasakal. Parang hindi ko kaya, pero sige titiisin ko na lang. Anyway, may ikukuwento lang akong Yourinal o kung tawagin natin eh Kwentong Totoo. Dati kase, noon kase, kase, noong nakaraang taon, isinali ako ng English teacher ko sa isang contest na kung tawagin eh Declamation o Oration. Wala nang sabi-sabi, wala nang audi-auditions, isinalang na agad ako sa contest at ibinigay na kaagad sa aken yung dalawang papel at kakabisaduhin ko ng baliktaran yung nakasulat doon. Akala ko sa una, mahirap. Hindi naman pala mahirap, difficult lang. Isang linggo kong kinabisado yung dalawang papel na iyon. Naalala ko pa yung title non na paulit-ulit kong sinasabi, ON CAPITAL PUNISHMENT by Victor Hugo. Puno ng dramatic scene ang mga nakasulat doon. Buti na nga lang hindi ako naisalang sa declamation kundi baka nasa t.v. na ako ngayon. Dalawang araw na lang ang natitira noon nang wala pa palang nahahanap na susuotin ko. Ang damit ko dapat, Americana, may long sleeves, black leather shoes, at kurbata. Nagdala pa nga ako ng sumbrero ni Jose Rizal noon eh kaso bawal daw. Isang araw na lang ang natitira noon nang wala pa ring mahanap na susuotin ko. Ang damit ko dapat, teka parang inulit ko lang ah? Buti na lang naimbento ang JS Prom. Nagtanong-tanong ako sa ibang year kung meron ba silang americana. Di ko inaasahan na may magpapahiram saken, Fourth year pa! Nagpasalamat ako nun kay God kase kahit papaano may pandak sa mundo. Kasing tangkad ko lang ang nagpahiram saken. Kaya sakto lang ang Americana. Yung tinutukoy kong nagpahiram saken, siya yung topic naten ngayon. Alam niyo kung ano nangyare sa kanya ngayon? Nagpakamatay na siya, at ngayon nasa Tajuna siya ngayon. Natutulog sa ulap. Tahimik na naglalakbay. Malamig na nagpapahinga. Dahil nga daw sa Family problem. Di ko na inalam kung ano bang Family Problem iyon. Pinahaba ko pa ang istorya, siya lang pala yung topic noh'? Pero ayos lang, limang araw kong hindi nabalik sa kanya yung americana pagkatapos kong mag-oration. Dalawang buwan ko siyang hindi nakita nung bakasyon. Nabalitaan ko na lang sa kaklase ko ang nangyare. Akala ko pa naman, ay marunong siyang magdala. Nalaman ko na lang na siya'y nagpakamatay na. Hoy buloy.... nasaan ka man. Siguradong kawawa ka, malamang walang DOTA diyan.