Hapi Maders Dey

umm.. Guys, sorry ah. Personal to'

ehem..

Naalala ko dati habang nakasakay kami sa jeep, diyes lang ang pamasahe tapos kandong libre pa.

Naalala ko dati nung pinagpapalo ako ng nanay ko, nagpabutas ako ng tenga. Babae lang pala ang may hikaw noon.

Naalala ko dati noong sinermonan ako kase nagpatatoo ako gamit ballpen. Preso lang pala dati ang may tatoo.

Naalala ko dati noong kinulong ako sa kwarto kase nagbasa ako ng bold sa diyaryo habang si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa.

Naalala ko dati noong kinupitan ko si nanay tapos nakapaggrocery ako ng bente pesos lang ang pera ko, DATI.

Naalala ko dati nung inulit ko kumupit ng singkwenta sentimos at pinambili ko ng songhits kaso nahuli din ako.

Naalala ko dati noong nagdabog ako sa bahay kase pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko. Noon kase, pagtatawanan ka talaga kapag nagpakalbo ka.

IBANG KLASE TALAGA ANG PAKIRAMDAM KAPAG NANAY MO ANG NAGPASAYA SAYO O DI KAYA NAGPAINIS SAYO. MALIGAYANG ARAW NG INA NIYO!