Yourinal - Wala lang

Wala lang.

Ganda ng intro ko noh'. Wala kase akong magawa ngayong malapit na ang pasukan. Medyo namomroblema pa nga ako kase transferi ako sa CCC. Naisip ko tuloy parang ang hirap mag adjust. Di naman pwedeng parang ang daling mag adjust kase nga baguhan na naman ako sa isang eskwelahan eh. Nainggit ako sa mga dati kong kaklase kase next next week pa yung pasok nila. Samantalang ako, sa lunes na. Kaya nga sinusulit ko na ang pagsusulat eh kase sa dun sa bago kong school, bawal na ang matanghali ng gising. Kapag na-late ka, pagagawan ka ng letter kung bakit ka na-late. At hindi lang yun, kapag hindi acceptable ang reason mo, pauuwiin ka. SH*T! Nakakasakal. Parang hindi ko kaya, pero sige titiisin ko na lang. Anyway, may ikukuwento lang akong Yourinal o kung tawagin natin eh Kwentong Totoo. Dati kase, noon kase, kase, noong nakaraang taon, isinali ako ng English teacher ko sa isang contest na kung tawagin eh Declamation o Oration. Wala nang sabi-sabi, wala nang audi-auditions, isinalang na agad ako sa contest at ibinigay na kaagad sa aken yung dalawang papel at kakabisaduhin ko ng baliktaran yung nakasulat doon. Akala ko sa una, mahirap. Hindi naman pala mahirap, difficult lang. Isang linggo kong kinabisado yung dalawang papel na iyon. Naalala ko pa yung title non na paulit-ulit kong sinasabi, ON CAPITAL PUNISHMENT by Victor Hugo. Puno ng dramatic scene ang mga nakasulat doon. Buti na nga lang hindi ako naisalang sa declamation kundi baka nasa t.v. na ako ngayon. Dalawang araw na lang ang natitira noon nang wala pa palang nahahanap na susuotin ko. Ang damit ko dapat, Americana, may long sleeves, black leather shoes, at kurbata. Nagdala pa nga ako ng sumbrero ni Jose Rizal noon eh kaso bawal daw. Isang araw na lang ang natitira noon nang wala pa ring mahanap na susuotin ko. Ang damit ko dapat, teka parang inulit ko lang ah? Buti na lang naimbento ang JS Prom. Nagtanong-tanong ako sa ibang year kung meron ba silang americana. Di ko inaasahan na may magpapahiram saken, Fourth year pa! Nagpasalamat ako nun kay God kase kahit papaano may pandak sa mundo. Kasing tangkad ko lang ang nagpahiram saken. Kaya sakto lang ang Americana. Yung tinutukoy kong nagpahiram saken, siya yung topic naten ngayon. Alam niyo kung ano nangyare sa kanya ngayon? Nagpakamatay na siya, at ngayon nasa Tajuna siya ngayon. Natutulog sa ulap. Tahimik na naglalakbay. Malamig na nagpapahinga. Dahil nga daw sa Family problem. Di ko na inalam kung ano bang Family Problem iyon. Pinahaba ko pa ang istorya, siya lang pala yung topic noh'? Pero ayos lang, limang araw kong hindi nabalik sa kanya yung americana pagkatapos kong mag-oration. Dalawang buwan ko siyang hindi nakita nung bakasyon. Nabalitaan ko na lang sa kaklase ko ang nangyare. Akala ko pa naman, ay marunong siyang magdala. Nalaman ko na lang na siya'y nagpakamatay na. Hoy buloy.... nasaan ka man. Siguradong kawawa ka, malamang walang DOTA diyan.

PAPAKAMATAnga

Juan: Baket may tali ka sa paa?
Pedro: Gusto ko ng mamatay, magbibigti ako!
Juan: Baket sa paa? dapat sa leeg!
Pedro: Sinubukan ko na sa leeg kanina... hindi ako makahinga eh.
Juan: E' gago ka pala eh!
Pedro: Huh? Baket?
Juan: Ha? hindi wala, sige pakamatay ka na.

Kapwa ko, mahal ko

MAHAL: Dlaybel, alam mo tong adles?
DRIVER: Ano po adress?
MAHAL: Siksik oten patay titi!
DRIVER: Patingin nga... ahh..

66010 PASAY CITY!

Panget ka!

Tula ng lalaki:
O, mahal kong nilalangit, nilalangaw pati puwit.
Kung sa ganda mo ako'y samba, sa utot mo ako'y tumba.
Kung sa langit ika'y tala, dito sa lupa ika'y tekla.
Buhok mong paalon-alon, kuto mo'y patalon-talon.
Mata mong maririkit, muta mo'y dikit-dikit.
Ilong mong matangos,sip0n mo'y umaag0s.
Ngipin mong pantay-pantay, hininga mo'y amoy patay.

Tula ng babae:
O, mahal kong nangangawit, tae mong nakalawit.
Kung sa gwapo mo ako'y samba, sa mukha mo ako'y.. ako'y.. umm...

Lalaki: Ano wala kang maisip? Wala, bobo ka!

Babae: Hindi ako bobo! Basta ang point ko dun panget ka! Kung sa gwapo mo ako'y samba, sa muha mo ako'y panget ka!

Hey basaheros!

Nyahahaha! Nyahahaha!! Nyahahahaaaahaha!!!
Halos mamatay na ako sa katatawa nang makita ko yung entry ko sa MgaEpal.com.

Medyo baduy eh. 3 rounds lang kase kaya hindi na kinaya ng powers ko. Sayang, muntik na nga ako manalo eh. Sayang talaga yung 1 million na iyon! Sayang talaga!!! Bweysit!!

WBLZ


Written By Lenin Zulueta

End of the world pala ha.

Kala ko magugunaw ang mundo? Ang nakita ko lang na nagunaw eh yung yelo namin sa pulutan eh. End of the world na ba talaga ngayon? Eto na yon? Promise? Todo na toh? ANG BORING :|

Pang-asar 3

BATA: Tok tok. Tao po!

TINDERA: Ano yun?

BATA: May asin kayo?

TINDERA: Meron.

BATA: Kami din.

Pang - asar 2

Bata: Pabili pong ubas
tindera: Wala kaming ubas

kinabukasan..

bata: Pabili nga pong ubas
tindera: Wala nga kaming ubas.. isa pang
tanung iiistepler ko na yang bibig mo

kinabukasan..

bata: May istepler kau?
Tindera: Wala bakit?
bata: Pabiling ubas

Pasado

Ama: Bakit ka umiiyak?
Anak: Pumasa po kasi ako sa test. Huhuhu!
Ama: Aba, magaling! Anong subject yun, anak?
Anak: Pregnancy test po itay!
"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sayo.
Ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo na lang ako itanggi."

-Utot

'Dama' pa rin ang paboritong pampalipas oras ng mga Pilipino


Ayaw mong maniwala? Tignan mo ITO.

Kahirapan 2

Kahit kelan hindi maiiwasan o mapipigilan ang kahirapan sa mundo. Hindi kayang tigilan ng tao ang masamang gawain. Hindi kayang tulungan ng kahit ilang tao ang iilang bansa sa ating mundo. Alam mo kung baket? Dahil noon pa man, panahon pa lang ni Hesus eh may mga naghihirap at naghahari na. Noon pa man ay isinasagawa ang pagtulong sa kahirapan pero kahit kailan ay hindi kayang itaas at itakas ang buhay nila sa realidad ng kahirapan.

Kung may natulungan ka nga, sige mabuti. Pero babalik at babalik pa rin ang natulungan mo sa paghihirap. Alam mo kung baket? Dahil lahat ng bagay ay bumabalik sa dati. Lahat ng tao ay bumabalik sa dati nilang gawain at dati nilang nakita. to be continued...

Pang-asar

Nakabunggo si Jobert ng isang Foreigner.

Jobert: Ay sori

Foreigner: Sorry too

Jobert: Sori three!

Foreigner: What are you sorry for?

Jobert: Sori five!

Foreigner: I think you are sick!

Jobert: Hahaha! sick daw? Bobo! SIX sunod eh!

Kung ayaw mong mapaghinalaan ka. Magbigay ka ng matinong sagot. Wag yung puro palusot. -M.K.K.

Edited Post

Maganda ka ba? hindi mo man aminin alam ko yan. Cute ka ba? hindi mo man aminin alam ko yan. Pero ang alam ko, kung cute ka nga, dapat hindi edited ang mga pics mo, yung tipong wala talagang nakalagay na edit kundi yung mukha mo lang. Kahit isang text dapat wala.

Valang utang ngayon Bukas puvede










AYUS!

PuTae





Alam niyo ba na ang salitang "Shit" sa ibang English ay "poop"? Kapag tinagalog ang "Shit", ang kalalabasan ay "puta" at sa ibang salita naman ay "tae". Kaya naman pag pinagsalo ay magiging pagkain at ang pangalan ay... PUTAE!



"Boo! ang corny mo pre!"

Kontak Impo











Pare, pwedeng pa-repiar?
Papa-repiar ko sana yung electrect pan ko eh.
Tapos yung na overheat kong reprigeretor.
At tsaka yung nasira kong oben tooster!
Mahal ba yung repiar ng other's contact?

Asphalt Repair














Tama, tape na lang ang gamitin natin sa sementong may crack. Sayang kasi pag semento.

7 IN 1 Head And Shoulders














Ayip

Pambasag araw

Saang pindutan sa keyboard nagpapahinga ang mga astronauts?



saan?



edi sa...



SPACEBAR!











HUNH?

Kwentong Totoo - Kwentong 3D

Mga basahero ko habang tumatae! May pinaghahandaan na naman akong label without "s".
Kaya "Kwentong 3D" kase kumbaga sa sinehan na may 3D glasses, pag nanonood ka ay parang totoo. Kaya ibig sabihin neto eh Kwentong totoong barbero. Kasi nga "parang totoo", diba?

Suporta sa mga manunulat na Ninja

Jinkee Pacquiao, Pakyawin na yan!

Malaki na talaga ang pinagbago ng mukha ni Jinkee Pacquiao. Ewan ko kung nagpa-faceslip o nagpa rebond ng ilong. Pero kitang-kita naman yung pagkakaiba ng muka niya noong medyo mukang lugay ang itsura kesa ngayon.
Ngayon.











Noon.











Kaya naman etong si Manny, di mapakali ang labi kay Jinkee.










May hiniling naman si Mommy D. kay Manny na pag nagkaanak sila ni Jinkee, gusto niyang kasama pangalan niya...

DioManJi










Hmmm... pwede na rin.

Pilosopi

May mga tao sa mundo, may mga hayop din. Meron pa ngang halaman at puno.

Ang pag-aaral ay parang isang mahabang biyahe, ang sarap tulugan -M.K.K.

Mga Labels

Marami(medyo) ang nag-iwan saken ng e-mails tungkol nga sa labels at comment box. Ba't daw ganun, ang cheap ng comment box ko. Kaya naisip kong gawing hi-tetch ang comment box ko. Eto oh.






Hanapin mo na lang yan sa gilid.
At yung mga tinatanong niyong mga labels ko, konting pasensya na lang ang hintayin niyo bago matapos tong mga toh, dahil alam niyo ang pinagdadaanan ko. Marami akong problemang hinaharap sa buhay at bahay. Marami akong gawaing hindi ko pa natatapos katulad ng paghugas ng pinggan, pagpaligo sa aso at mag-ikot ng kanin baboy sa mga bahay-bahay. Abangan niyo na lang ang paglabas nyang mga yan.


Coming soon.






Coming soon.



Coming soon.

Isang araw na naman ang na-solb!

Kanina kase may gumagawa ng bahay sa may gilid ng likod ng bahay namen. Matagal nang pinapagawa yon, finishing na lang yung banyo. Nakita ko naman kung paano nila gawin yun. Medyo mabusisi, mabusising magmadali. Pagkatapos nilang ilagay ang Toilet, sunod naman ang sahig. Pagkatapos ng sahig, yung pinto naman. Ang problema naman sa pinto yung toilet. Oo, problema talaga ng pinto ang "Toilet". Matapos matapos ang tinapos na banyo, hindi nila alam na hindi pala kasya yung pinto pasarado. Pag isinarado kase, humaharang yung toilet. Kaya naman eto ang ginawa nila.



Solb na solb talaga ang prablem.

"Privacy"

Lahat talaga ng tao kailangan ng privacy sa banyo.

Simula ngayon,

ako na lang po ang nag-iisang author ng website na toh. Wala na po si Marcopal. Pero enjoy pa rin toh!!

Thirteen things about writing

Writing is like growing a friendship. In building your deep friendship with Writing, here's what to expect:

1) If you want to be good friends with Writing, you have to spend time with her. Mag-hang out kayo on a regular basis. Kayong dalawa lang. Mag-usap kayo.

2) You'll discover that Writing has her moods. Madalas na totopakin siya't hindi ka niya papakinggan. Gusto mo mang magsulat, but Writing will tell you she has a headache. Be patient with her.

3) Sometimes she'll try to get your attention. Tatawagin ka at 3:00 a.m. at gusto niyang magtelebabad. Worse, she might compete for your time, and your friends won't understand why you'd want to hang out with her.

4) Hindi sasabihin ni Writing ang lahat ng kanyang sikreto. It's your job to find out her secrets from other sources--books, other writers, websites, etc. She'll say, "Find out first, then we'll talk."

5) Writing wants to be entertained because she gets bored easily. She doesn't want to hear the same old thing. Kung magdyo-joke ka, ibahin mo ang atake para maengganyo siya sa 'yo.

6) Writing wants to know what you think and how you think, apart from what you know.

7) Habang chumichika ka kay Writing, she might suddenly say, "Hey, that reminds me of another great story. It's about blah blah blah..." Resist the temptation to be dragged away by "fresh new story." You can take notes and engage her for a short while so as not to offend her, but slowly get her back into your story. It's really a habit of hers, so she'll understand.

8) She'll sometimes say. "Will you get out of my face for a while?! Wala ka bang ibang kaibigan?!" Get new experiences and new insights. Read. Watch a movie. Talk to other people and listen to them. Take time to find new things, para may bago kang ikukuwento kay Writing.

9) If you don't want to talk to Writing, she won't care. There are thousands of others who want her attention.

10) Writing can be picky. Just when you thought na mahilig siya sa cheesy fries, iba na ang hihingiin niya sa 'yo. Minsan, okey lang sa kanya na dagdagan mo ng bacon ang cheesy fries niya, pero minsan naman ay hahanapan ka ng Chicago pizza sa Sbarro's. O 'di kaya'y hilaw na mangga na galing sa Babuyan Islands.

11) Writing is meticulous. "Hello! Bakit hindi capitalized ang sentences mo? Mag-aral ka nga ng subject-verb agreement! At gumagamit ka ng textspeak, yuck! Eto ang thesaurus, lamunin mo!"

12) Writing can be harsh, too. "Alam mo, hindi ka magaling! Napaka-ambitious mo! Gusto mong maging manunulat pero ang tamad-tamad mo! Duwag ka! Kung 'di mo uulitin itong isinulat mo, buburahin kita sa Friendster ko!"

13) In the end, being friends with Writing can be very rewarding. Yes, she can be very difficult, but she will cooperate with you, even give you a pleasant surprise, when you invest time in building your friendship with her. She may not guarantee you an award or a publishing deal, but you'll realize that when you get to know more about her,you get to know more about yourself. And the further you'll grow.

Ang lahat ng iyan ay hugot dito.

Hapi Maders Dey

umm.. Guys, sorry ah. Personal to'

ehem..

Naalala ko dati habang nakasakay kami sa jeep, diyes lang ang pamasahe tapos kandong libre pa.

Naalala ko dati nung pinagpapalo ako ng nanay ko, nagpabutas ako ng tenga. Babae lang pala ang may hikaw noon.

Naalala ko dati noong sinermonan ako kase nagpatatoo ako gamit ballpen. Preso lang pala dati ang may tatoo.

Naalala ko dati noong kinulong ako sa kwarto kase nagbasa ako ng bold sa diyaryo habang si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa.

Naalala ko dati noong kinupitan ko si nanay tapos nakapaggrocery ako ng bente pesos lang ang pera ko, DATI.

Naalala ko dati nung inulit ko kumupit ng singkwenta sentimos at pinambili ko ng songhits kaso nahuli din ako.

Naalala ko dati noong nagdabog ako sa bahay kase pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko. Noon kase, pagtatawanan ka talaga kapag nagpakalbo ka.

IBANG KLASE TALAGA ANG PAKIRAMDAM KAPAG NANAY MO ANG NAGPASAYA SAYO O DI KAYA NAGPAINIS SAYO. MALIGAYANG ARAW NG INA NIYO!

Sana masaya siya diyan

Tawag ng kalikasan












Harap, Likod, Kaliwa, Kanan
Paligid ko muna'y saglit tinignan.
Nang makitang wala masyadong dumadaan,
zipper ko'y dali-daling binuksan.

Oh pakiramdam ko ay kay ginhawa,
nang dumaloy na ang ininom ko kaninang umaga.
Pero kaligayahan ko'y biglang naantala,
nang babala sa kaliwa ko ay nabasa.

Pero kahit na yan ay kanina pang nakita,
palagay ko di rin nabago ang aking ginawa.
Dahil namulat na rin sa kultura't kasanayan,
na lalong gagawin kahit na pinagbawalan.

Di ko alam kung sa Pilipino'y likas lamang talaga to,
kasi kahit ako hindi kayang magbago.
Mas maaatim pang tawaging Puta,
kaysa sumunod sa batas na nakasulat sa karatula

Tongbars













Ano pa nga ba iyong hahanapin di ba?
Sa barberya kong di mamimintis ng iyong mata.
sapagkat andirito lang sa gilid ng bangketa.

Aanhin mo nga naman ang magarbong pwesto,
kung di ka rin naman tatangkilikin ng tao.
Kaya dito ka na sa akin magpatasa,
sa kaunting hagod ko lang ay gu-guwapo ka.

Kapag mahika ko sa iyo'y nagsimula na,
gamit itong aking gunting at labaha,
Panigurado sa itsura mong bagong tabas,
mga chix magkakandarapa at di na kakalas.

Ang saklap nga lang kasi kami ay nahukuman,
na mga salita namin di na dapat paniwalaan,
kasi sa isip niyo ay walang totoong kwento,
kapag ang sumambit ay tulad kong Barbero.

humanga ka na naman.

R.I.P Osama Bin Laden

Paktay kang balbun ka!

Sa mga taong hindi nakakaalam neto

Family Computer yan, laruan ng mga sinaunang tao.

Ano toh lokohan?!

Bottled water..... in can?!

Nagiging bakla ang lahat ng tao dahil sa mga tindero.

"Dibidi MAMSER?, MAMSER dibidi?"

Diretsong sagot

Huy bat hindi ka pa nakabihis? Ngayon yung sale, madami akong bibilihin wala akong taga bitbit. Hindi ka ba sasama?

"Hinde."

Eh sabi mo noon sasamahan moko diba?

"Noon yun."

Akala ko sasama ka?

"Maraming namamatay sa maling akala."

Sabi mo sasamahan moko eh.

"Wag kang masyadong naniniwala sa sabi-sabi."

Eh nagpromise ka ah!

"Promises are meant to be broken."

Sabi mo sasamahan moko mamatay ka man!

"Lahat naman tayo mamamatay."

Wala ka palang isang salita eh!!!

"Eh ano ngayon?"

Year 2089

Dennis: Nay' ano yung patintero, langit lupa, at tumbang preso?

Mommy: Bakit mo naman natanong?

Dennis: Sabi kasi sa nabasa ko, yun daw yung nilalaro ng mga ninuno natin eh.

Mommy: Saang libro mo naman nabasa yan?

Dennis: Sa internet ko nabasa, ano yung libro?

Mommy: Ummm.. parang internet lang siya na may... mahirap ipaliwanag, igoogle mo na lang.

MgaKwentongKanto Prayers

"Lord, sana po bigyan niyo pa po kami ng mataas na I.Q. Patawarin niyo po kami sa aming mga kasalanan at ilayo niyo po kami sa mga makasalanang bobo. Amen."

Intelligence in action

"Pota! si spiderman! nahubaran!"

Fill the paper with the breathings of your heart.

-Lenin