Pansamantalang kinansela


Sumunod na rin ang Unilever Philippines sa pagkakansela ng mga advertisement ng mga produkto nito, subalit hindi lamang sa kasalukuyang kontrobersiyal na programang Willing Willie ng TV5.
Ayon sa official statement ng Unilever na inilabas kaninang hapon, April 8, nakasaad dito na ang naganap sa Willing Willie noong Marso 12—kung saan ilang ulit na sumayaw ng "macho-dance routine" ang six-year-old contestant na si Jan-Jan Suan—ay isang seryosong insidente.
Dahil dito, sabi ng Unilever Philippines, "We acted by immediately engaging the network authorities, expressing our serious concern and demanded assurance that similar incidents would not happen again."
Kasama sa statement na ito ang panawagan ng kumpanya sa Philippine Association of National Advertisers (PANA) na manguna upang tulungan ang mga TV network na gumawa ng, "strict and consistent self-regulatory framework. We expect this to be in place no later than one month."
Dagdag pa rito, mananatili umano ang suspensyon ng mga advertisement ng kanilang produkto hanggang sa magkaroon ng mas mahigpit at objective na "self regulatory guidelines" ang mga networks. Gayundin, magkaroon ng, "proper enforcement by the relevant government agencies of existing content regulations."
Ang kanselasyon ng mga advertisement ay magsisimula sa Lunes, Abril 11.

Bukod sa Unilever, pansamantala na rin kinansela ng Jollibee Food Corporation ang ad placemeng ng isa sa mga food chain nito na Mang Inasal sa programang Willing Willie. Ganito rin ang naging aksyon ng Procter & Gamble Philippines at Cebuana Lhuillier.

Kung ako ang tatanungin, si Willie na yan eh wag ka nang mag-react. Sabi nga sa MgaEpal.com, wag ka nang magtaka kay Willie kung may mga lumalabas na pangyayaring insidente katulad na lamang ng pinasayaw niyang bata ng "macho dance" habang umiiyak.
Pero sa pagkakataong ito, ipinutok na niya talaga ang katotohanan... eto panoorin niyo.


Ayon nga sa MgaEpal.com, isang matapang na tao yang si Willie. Walang inuurangang issues, hindi mo siya makikitang matalino sa pagsasalita niya pero makikita mo ang diskarte niya sa gulo sa industriya.