Saan galing ang salitang Beck sa basketbol?

Kadalasan, kapag naglalaro tayo ng basketball lalo na kung kadarating pa lang sa court, eh nagpapractice-practice muna bago maglaro. At habang naglalaro kayo, pag nakuha mo ang bola galing sa ring, sasabihin sayo ng kaibigan mo, "Beck!". Nung una hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang ibig-sabihin nun. Ilang araw kong sinearch yun sa internet. Ilang buwan kong pinag-aralan sa mga libro. At ilang taon ko nang naririnig na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yang putang inang salitang yan. Hanggang sa isang araw... nakalaro ko ang pinsan ko. Itago na lang naten sa pangalang PEK2.

PEK2: Beck!

Me: *hindi ko pinansin, deretso lang sa dribble

PEK2: Huy! Beck!

Me: *hindi ko pa rin pinapansin, deretso lang talaga sa shoot at dribble

PEK2: *kinuha sakin yung bola* "Sinabi ng Beck eh!"

Me: Anong Beck?

PEK2: Beck! Balek! Tanga mo talaga!

Simula nun, hindi na ako nakabawi sa pinsan ko.