More Filipinos feel poor under Aquino

Sa lahat ng mga naghihirap ngayon, may response ako sa inyo. Hindi lahat ng tao ay pwede maasahan sa bawat gawa. May mga nagtratraydor, may mga nangungurakot. Hindi tayo ang aasa, wala tayong dapat asahan. Dahil ang "asa" ay isang maaubusong salitang ginagawa sa ngayon ng tao. Kung ako ang tatanungin tungkol sa kahirapan ng mga pilipino ngayon, wala talagang dapat asahan dahil tayo mismo ang dapat kumilos para sa kapakanan naten. Hindi mo alam kung paano kumilos? simple lang naman yan eh, kung magtutulungan kayo kahit maliit na tulong lang ay parang malaking pera na rin ang katumbas nyan para sa pag-unlad ng bayan. Kung ang simpleng pag-wawalis nga eh simpleng tulong na rin, paano pa kaya ang paglinis ng sariling banyo. Gawin mo kung anong kaya mong gawin, wag mong maliitin ang sarili mo. Kung hindi mo maisip na kaya mong umahon sa kahirapan, wag mong isipin, gawin mo na lang at hindi magtatagal, makikita mo na lang ang resulta. Yan lamang ang response ko sa mga pilipinong naghihirap ngayon. Salamat. (palakpakan)