Mga salitang Pinaghugutan

A. TANGA
- salitang mura o masamang salita na kung saan ay karaniwang ginagamit kapag may maling naisabi o nagawa ang isang tao na iyong nakasalamuha.

Halimbawa: Ang tanga mo naman bakit mo nilagay ang kawali diyan!

-Masasabi na ikaw ay tanga kapag nandiyan na ang bagay pero hindi mo padin makita.
-Karaniwang naririnig sa bahay, kalye, eskwelahan.
-Nagsimula ang salitang ito sa “aanga- anga” na mistulang maihahalintulad sa itsura ng taong nakatunga-nga.
-Nagsimula din dito ang iba pang mga salita tulad ng engot, eng- eng, tangengots etc.

B. GAGO
-salitang mura o masamang salita kung saan karaniwang ginagamit kapag ang taong iyong sinasabihan ay loko- loko, o may ginawang di kanais- nais na kalokohan.

-Maari itong masabi na kapag kayo ay nagkwe- kwentuhan ng mga nakakatawa, o kaya pag kayo ay nag-aasaran.
-Ito daw ay nagsimula sa salitang “GAGSTER” na isang taong mahilig mang aliw at magbigay ng “joke”.
-Maari ito marinig sa kalye, tindahan, eskwelahan, sa mga magkakaibigan, sa mga taong nanunuod ng mga nakakatawang palabas.

Halimbawa: GAGO ka ah, ba’t mo pinaglaruan ang libro ko?!

C. BOBO
-salitang mura o masamang salita kung saan karaniwang ginagamit kapag ang taong iyong sasabihan ay walang alam, o kaya mali ang kanyang naisagot.

-Ito ay mayroong kaunting halintulad sa salitang “tanga”, pero mas masasabi na mas masama ito.
-Ito ay mas nakakasakit kaysa sa “tanga”.
-Tayo ay pamilyar sa katagang “walang taong bobo”
-Karaniwang naririnig sa eskwelahan kung saan lagot ka sa iyong guro pag narinig ka na magsalita nito.
-Bihira lang na marinig ito sa kalye pero kalimitang naririnig sa tahanan, lalo na sa mga magkakapatid.

Halimbawa: Haynako napaka BOBO mo talaga, ilang oras na kitang tinuturuan!

D. PUTA
-salitang mura o masamang salita kung saan kalimitang ginagamit bilang ekspresyon o kaya naman sadyang pagkakalahad.
-Ang ibang tao ay ginagamitan pa ng pandagdag na salita.
Halimbawa: Am + puta = ampota
( kung saan sa salitang “puta”, ang patinig na “u” ay ginawang “o”)

Halimbawa: AMPOTA talo nanaman ako!

-Lumaganap din ito nung nauso dati ang larong “DOTA” sa kompyuter na para sa mga kalalakihan at naimbento ang salitang “ampota”.
-Napaghahalo din dito ang salitang “Tang- ina” kung kaya’t nagiging “Putang- ina”.
Puta + tang- ina = Putang- ina

Halimbawa: PUTANG- INA nakakaasar talaga, ang kalat!

E. TANG- INA
-Pinakamasahol at pinakamasama kung saan ay ginagamit o sinasabi bilang ekspresyon, at kapag may bagay, tao o pangyayaring kinaiinisan.

-Maririning ito sa matatanda, bata, mapa-babae man o mapa-lalaki.
-Sabi nila pag nasimulanmo ang pagsasalita nito ay masasanay ka ng sabihin ito.
-Dudugo talaga ang bunga-nga mo sa iyong magulang pag nagsalita ka nito sa harap nila.
-Ang iba ay gumagamit ng mga salita para hindi mahalata

Halimbawa:
1.Tang ang inumin mo wag Milo! (ginamit ang Pantanging pangngalan na Tang na inumin)
2.Tanging ina niyo! Tanging ina nating lahat! ( ginamit ang mga napapanuod sa telebisyon)
3.Tang...Tang juice! ( katulad ng numero 1)

-Naisasama ang salitang murang “Puta”,

Halimbawa:
Puta + tang- ina= Putang-ina
-Sabi ng iba akpag minura ka ng nanay mo ng ganito ay parang minura na din niya ang kanyang sarili.
Halimbawa:
Nanay: Putang- ina ka! Nagsisi ako nilabas pa kita sa tiyan ko!
Anak: Ayyy... NAY,,,, Puta ka pala? Sinabihan mo kaya sarili mo noh...
(-------------WAG TUTULARAN---------------------)

Sinasabi sa itaas na bahagi na masyadong naging pilosopo ang anak, pero kung iisipin ay totoo naman bakit hindi nalang sinabi na “tang- ina” diba?

-Nanggaling ito sa salitang “puta” kung saan kinuha ang salitang “ta” at dinagdagan ng “ng”
Puta à “ta” à tang- ina
( PUTANG-INA)

Humanga ka na naman ba sa akin? Ang galing ko talaga.
Bago ako magtapos, may isa akong token para sa inyo.