Mahirap maging dyaryo

Inaantok na ko. Parang ayaw ko na sanang magpost pero bigla ko lang naisip na mahirap pala maging dyaryo, bagsakan ng mga balitang masama, masaya, malungkot, nakakakilig, nakakagalit, nakakagulat, imbento, totoo, haka-haka, etc.. at pag binasa ka na, kanya-kanyang reaksyon ang mga tao, kanya-kanyang interpretasyon, kanya-kanyang bugtong hininga at ang malupet, sa dulo sisisihin ang munting dyaryo bakit ganyan ang balitang laman nya. Hanep! Hindi ba naisip ng mga nagbabasa kung sino ang sumulat ng mga balita para ilagay sa dyaryo? Saan ba nakuha ng dyaryo ang mga balitang 'to? Mahirap ang maging dyaryo, bagsakan ng mga balita galing kung saan lupalop at ang malupit pag nailathala na ang dyaryo, boom! Madaming usisero at ayan daragsa na ang mga komento, matatalas na komento! Wow! Saksak puso tulo ang dugo! Sana alamin muna kung ano ang kwento sa likod ng mga balita sa munting dyaryo bago ka magsalita ng "Ampanget ng balita", "Luma na tong balita na 'to e", "Ay totoo pala ang chismis", "Magaling ang editor ha", "Weh? di nga".. akala mo kasi ang dyaryo, pambalot lang ng tuyo o tinapa pag namili ka lalo na pag hindi mo nagustuhan ang nailathala, mali ka dun! Mahirap maging dyaryo tsong, bagsakan ng mga balitang kahit gustuhin mo o hindi, wala kang choice kundi namnamin ang bawat kataga, dyaryo ka eh, maraming magaling magbasa pero sana marami rin marunong umunawa. Bago ka magreact sa last page, balikan mo yung front page, baka hindi mo kasi kilala yung pangalan ng dyaryong binabasa mo, basta basa ka lang ng basa.. hala! May pakpak ang balita, may tenga ang lupa, sana mabingi na lang yung dyaryo. Kaya hinay-hinay sa komento lalo na pag di mo alam kung paano nabuo ang dyaryo. Papel lang yan kaya pag mahigpit ang hawak mo, pwede malukot o mas malala, mapunit. Mahirap maging dyaryo kaya magbasa ka ng maayos, bilangin mo yung mga pahina, baka may naiwan ka. Malay mo dyaryo ka na pala, atleast alam mo kung paano ka babasahin, diba?