Kamusta ka na Lenin?



Kamusta na ako? Ayos lang naman. Matapos ang mga mapapaet na sandaling aking pinagdaanan, guminhawa na ngayon yung paghinga ko. Matapos sumakabilang buhay ang lola ko, gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong wala na akong makikitang nahihirapan nang dahil sa sakit. Ayos na ako ngayon kasi nakita ko ulet ang mga minamahal kong kaibigan. Nalaman kong maayos lang naman sila at masaya sila sa tinatahak nilang buhay. Namiss ko rin ang mga gamit namin sa bahay, lalo na itong computer. Lalo akong natuwa nang laitin ako ng isa kong kaibigan, bakit pa daw ako bumalik.

Ang haba ng Intro ko. Kung makasulat ako para ako nakulong sa bilangguan ng tatlong buwan. Sa bagay, ganun naman talaga ang buhay. Namimiss ang lahat. Nananabik sa lahat ng nakikita. Parang ako. Parang tanga. Ang daming nalalaman sa buhay. Wala namang gustong maka-alam. Pero ayos na rin iyon. Hindi naman ako nag-iisa sa buhay eh. Kasama ko ang sarili ko. Kausap ko ang sarili ko. At kalaro ko ang sarili ko. Nang mawala ako dito sa bahay namin, sabi ko sa sarili ko, "Sana mahanap ko ang kasiyahan". Pero hindi naging madali iyon. Dahil bago ko marating iyon tulad nga ng sinabi ko, mapapaet na sandali ang aking pinagdaanan. Nang mawalay ako sa piling ng mga kaibigan ko, nagdasal ako na sana makatagpo naman ako ng bago. Hindi bagong girlfriend kundi bagong makikitang bago. O di ba ang gulo.

Nang mawala ako sa lugar namin ng dalawang linggo at dalawang araw, wala namang nabago. Wala namang bumalik. Wala ring nabawasan at wala ring nadagdagan. Ganun pa rin. Patuloy ang pag-ikot ng magulong mundo sa ibabaw. Mahirap din palang magsulat. Minsan napag-isip-isip ko, bakit ako matatakot mamatay kung meron naman akong naiwan. Tama nga naman. Tama nga naman ang naisip ko. Buti na lang gumana ang utak ko. Teka, kamusta na nga ba talaga ako? ano na nga ba talagang nangyari sa akin? Kwento ka naman oh. Sa susunod na lang. Pag natapos ko na lahat ng pwede kong gawin. Tsaka ako magkwekwento sa inyo. Kahit hindi kayo interesado, ako na lang ang magbabasa. Dahil alam kong sa huli, mababasa rin itong kwento ko. Salamat.