Isang pagkakataon

Ang buhay ng tao ay pwedeng masayang, pwedeng yumaman, pwedeng mawala na parang isang bula, pwedeng maghirap, pwedeng guminhawa. Ang ibang buhay ay pwedeng magkaroon ng isa pang pagkakataon, at tapusin ang nasimulan. Ang lahat ng iyan ay pawang katotohanan, lahat ng iyan ay posibleng mangyare. Tama si Nora Aunor, walang himala. Hindi mo pwedeng patigilin ang oras at magligtas ng tao. Hindi pwedeng hindi ka malagay sa alanganin. At hindi pwedeng hindi ka mamamatay dahil may isang pagkakataon ka lang sa buhay mo.

Gawin mo na ang lahat ng gusto mo. Ilagay mo ang lahat sa tama, at itapon at kalimutan ang mga pagkakamali. Mag-isip ka na ng positibo sa buhay mo hangga't may natitira pang isang pagkakataon sa buhay mo. Hangga't hindi pa natatapos ang misyon mo dito sa mundo, gumawa ka na ng mga bagay na ikaliligaya mo. Dahil pag wala ka na, maraming makakaalala sayo. Maraming gagaya at gagamit sa mga naiwan mo.

Ang buhay ay ibinigay upang gampanan ang mga ibinigay na bawat hamon, ito'y misyon na kailangan mong gawin sa isang pagkakataon.