"Gusto ko lang naman ng, Mcdo fries eh"

Marami ang nagreact sa commercial ng Mcdonald dahil sa advertisement nila na mga bata ang gumaganap. Sabi nila, masyado pa daw silang bata para gumanap sa mga ganong scenes. Baka daw gayahin ng mga bata at gawin nila sa ibang kalaro nilang babae. At ang pagtanong din ng batang babaeng malande eh makakasira sa isapan ng mga batang babae. Sabi naman ng iba, kung bibigyan mo ng malisiya ang advertisement, magiging negatibo nga ito para sa lahat. Ang iba naman ay nagpapasalamat dahil tinggal na ang commercial sa t.v. at nakita nila ang mali sa nakita nila.

Kung kami ang tatanungin, simple at maikli lang ang sagot namin diyan. May mali sa commercial. Kung papanuorin mo, ang unang nagtanong ay yung girl na bata. Sabi "girlfriend mo na ba ako?", bale ang nanliligaw eh yung girl na bata. Tapos, binara naman siya nung boy, "ayoko nga, demanding ang mga girlfriends, gusto ganto, gusto ganyan, ewan!". Kung titingnan mo sa ngayon ang mga lalake, sila mismo ang nanloloko sa kani-kanilang girlfriends, gusto ganto, gusto ganyan, ewan! Tapos sumagot naman yung girl, "Gusto ko lang naman ng mcdo fries eh", bale ang lumalabas na mali sa commercial is abuso yung girl. Dahil binaliktad nila ang tema ng lalake sa babae sa panahon ngayon. Imbis na lalake ang nagtanong ng ganun at nanghinge ng pagkain, yung babae pa talaga. Hindi na namin pahahabain pa to. Yan lamang ang naobserbahan namin. At sana mamatay na yung nagdirect ng commercial na yan! Joke lang :D


Hinde! walang joke!