Dear Lenin,

Itago mo na lang ako sa pangalang "Tina". Meron po kasi akong Boyfriend. 5 years na kaming nagsasama. Masaya naman po kaming nagsasama. Araw-araw po kaming nagsasabihan ng "I love you" hanggang sa pagtulog namin. 2 years ang pagitan ng edad namin. Bale mas matanda siya kesa sa akin. Una niya akong niligawan noong magkaklase kami noong highschool. Naka ilang break din kami kasi ang dami naming problemang hinaharap. Muntik na rin po akong patigilin sa pag-aaral nang dahil sa kanya. Naganap yung First kiss namin nung nag-iinuman kami. 2 minutes bago matapos. Nang matapos ang mga pangyayaring yon, umalis siya papuntang probinsiya. Mga ilang buwan din kaming di nagkita. Matapos ang apat na buwan na hindi naming pagkikita, nagtaka ako sa kanya. Bigla na lang nagbago ang ugali niya. Yung dating boyfriend ko na maginoo eh naging bastos. Yung dating boyfriend ko na tahimik eh naging pasaway. At ang dating boyfriend ko na lalaking-lalaki eh naging bakla. Mr. Lenin, tulungan niyo po ako kung anong gagawin ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko nang makipag-break pero di ko alam kung paano gawin. Tulungan niyo po ako Please.

Nagmamahal,
Tina



Dear Tina,
Alam mo Tina, hindi lahat ng pagkakataon eh swerte ka. Hindi lahat ay expected at itnakda ng panahon. Hindi lahat ng araw ay tama at hindi lahat ng bagay ay mali. Wag kang tamad, intindihin mo na lang. Sa sinabi mong naging bakla ang boyfriend mo, pabayaan mo na lang siya sa gusto niya. Marami ka pa namang makikilalang lalaki dyan sa tabi-tabi. Ingat ka lang, siguradhuin mong lalaki. Pero kung gigil na gigil ka talaga sa kanya at gusto mo na talagang ibreak, marmaing paraan. Murahin mo siya. Batukan mo. Awayin mo sa text. Sabunutan mo. Pero kung isa man diyan hindi mo magawa, eto na lang, para hindi tayo masyadong bayolente at medyo smooth lang ang pakikipaghiwalay, pumunta ka sa kanya. Pagkatapos, yakapin mo at lumuhod ka sa kanya. At itanong mong "Mahal mo pa ba ako?" Pag sinagot niyang "Oo", alamin mo kung ba't siya ganun. At kung "Hinde" buksan mo tong ibibigay ko sayong singsing at ibato mo sa pagmumukha niya... eto.