Anong feeling mo?

Nagmakapal mukha kaming magtanong-tanong sa kalye sa mga tanong namin. Ang subject ng tanong is "Anong Feeling mo?". Lima katao lang ang tinatanong namin kapag nagtatanong kami ng tanong. Eto ang mga lintik na tanong namin.

Aming Tanong: Anong feeling mo, kapag sinusundan ka ng isang stranger?

Kanilang Sagot:
*Parang wala lang... sanay na kasi ako.
*If it gets too uncomfortable, I'll leave the vicinity. Alangan naman i-confront ko.
*Ngingitian ko siya, baka kilala niya ako.
*Ako naiirita. Lalo na pag mga jeepney drivers or truck drivers. Nakakairita eh. Ngingiti ngiti pa or kikindat. Kala mo ambabango.
*Kakain ako ng saging tapos parang dinidila-dilaan yung saging.

Aming tanong: Anong feeling mo kapag nagugulat ka?

Kanilang sagot:
*Nasasapak ko yung nanggugulat, tas sasabihin ko, ikaw kase eh.
*Natural! Sino ba namang tao ang hindi nagugulat?
*Minsan nakaka-asar, ang sarap batuakn.
*Natatawa na lang ako kaso minsan parang hindi ako makahinga sa gulat.
*Wala lang. Nanlalaki lang yung mga mata ko.

Aming tanong: Anong feeling mo nung nanganak ka?

Kanilang sagot:
*Haha, wala naman.
*Baliw ka ba?
*Tang-ina! sige ikaw muna? anong feeling?
*Wala gago!
*Hahaha.

Aming tanong: Anong feeling, kapag kausap mo yung crush mo?

Kanilang sagot:
*Syempre naman, kinikilig! Pero hindi ko pinapahalata.
*Namumutla.
*Parang nahihiya kase baka maturn off siya sakin eh.
*Tuwang-tuwa. Parang ayaw ko na siyang hiwalayan kapag katabi ko siya.
*Nababaliw.

Aming tanong: Anong feeling, kapag umutot ka sa gitna ng maraming tao?

Kanilang tanong:
*T*ng ina nakakahiya! Puta naman naalala ko tuloy nung nautot ako date.
*Nakakahiya. Tatakbo na lang ako palayo.
*Hindi ko alam. Wala kasi akong pake kahit umutot ako sa harap ng mga babae.
*Baliktarin natin yung question. Kung ako ang nakapansin sa umutot, bibigyan ko na siya ng tissue.
*Sasabayan ko na lang ulet ng beatbox na utot para hindi mahalata. Tapos pagbibintangan ko yung kasama ko.

To be continued...
Susunod naming topic, "Anong gagawin mo?". Abangan.