"Anong feeling mo?" saga

Previously on MKK...

Gaya nga ng sinabi namin, nagmakapal kaming magtanong-tanong sa kalye, kanto, kalsada tungkol nga sa tanong namin na "Anong feeling mo?". Ang totoo nyan, sampu ang mga tanong namen at ngayon ay isa na lang tatanungin namin bawat tanong. Ginagawa namin ito para sa mga taong manhid at walang alam. Sinimulan naming magtanong sa aming kalye, sunod naman sa kanto at panghuli naming pinagtanungan ay ang kalsada. May isa kaming nakitang bata na kumakain ng ice cream, sinubukan naming tanungin, "Bata, san mo nabili yang ice cream mo?", tanong namen. Sumagot naman siya, "Dun lang po katabi ng Generic's Pharmacy". Nagpunta kami sa pinagbilhan ng bata at dun na namin sinimulang itanong sa tindera ang Last Five Anong Feeling Mo Questions namin.

Aming Tanong: Anong feeling mo, kung sampalin kita ngayon ng magkabila at sabunutan palabas diyan sa kinatatayuan mo. (Marahas kame, wala kang magagawa.)

Kanyang sagot: Naku! masasaktan ako syempre. Sayo ko kaya.. (Oops tama na)

Papunta sana kami ng palengke at doon magtanong kaso naisipan namen na baka makaabala pa kami sa kanila kaya tinuloy na lang talaga namin ang palengke.

Aming tanong sa Tindera: "Anong feeling mo kung tadyakan kita sa tyan at ihampas ko sa muka mo tong mga tinda mong bangus?"(Marahas talaga kame, wala kang magagawa)

Kanyang sagot: Masaket. (Short but meaningful)

Medyo bitin kame sa reaksyon ng aleng iyon, kaya naman naisipan naming magpunta sa bahay ng mga kaklase namen.

Aming tanong sa kaklaseng babae: "Anong feeling mo, kung yayain kitang maglakad-lakad at hubaran kita sa gitna ng kalsada?"

Kanyang sagot: Gagu! syempre may kahalong hiya at galit.

Ok na rin yung sagot niya sa amen kasi medyo nagreact din kasi sya eh. May dalawa pa kaming tanong. Sinubukan naming magtanong sa mga nanay namen. Oo, naglakas loob talaga kameng itanong ito sa mga nanay namen.

Pang-apat na tanong kay nanay: "Anong feeling mo, kung kumupit ako sayo ng limang libo at maglayas sa bahay?"(Eto na ang pinaka brutal na tinanong namin)

Kanyang sagot 1: Hhmm, parang magagawa mo yun sa akin ah. Subukan mo lang gawin yun.

Kanyang sagot 2: Tigil-tigilan mo nga ako, ang dami ko na ngang inaasikaso tapos ikaw bawas pera ka pa. Maglaba ka na nga.

Hhhmmm. Medyo brutal ang mga pinagtatatanong namen. Sinubukan naman naming tanungin ang mga kapitbahay namin.

Panglast na tanong: "Anong feeling mo, kung manalo ka ng P10,000 sa gameshow pero pagkatapos eh nabangga ka ng truck at ginamit mo ang pera mo pampagamot?"

Kanilang sagot 1: Manghihinayang ako, syempre.
Kanilang sagot 2: Manghihinayang ako, ten thousands yon tapos pangpagamot ko lang.

Iisa lang ang sagot nila. Manghihinayang. Parang gusto tuloy naming kumanta, "nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko...". Enough. Inuulit po namen, ginagawa po namin to para sa mga manhid at walang alam. Upang mailabas nila ang kanilang tinatagong damdamin sa kaibuturan ng kanilang puso(lalim!). Simple lang naman ang tanong namen, "Anong Feeling mo?", ganyan lang ang tema ng paksang ibibigay naming tanong sa kanila(lalim talaga!). Para walang masyadong OA magreact na parang akala mo nangyare talaga sa kanila. Para walang ano. Oo, tama. Sige, salamat sa inyong pagtutunganga at pagbabasa.