CopyPaste

Ang pag-aaral ay hindi nagtatapos sa isang silid -MKK

Trese update 2

Eto na nga.
Sisimulan ko nang gawin yung Chapter 2 ng Trese. Yung Chapter 1 kase ay yung umpisa ng kwento (kaya nga chapter 1 eh) kung ano ang dahilan ng galit at lungkot niya at kung paano siya nakuha ni Boss Zerdoga. Medyo smooth lang yung una, panget kase kung pahahabain ko yung..... basta sakin na yun. Wag kayong mag-alala, sa mga nag ee-mail saken kung saan makikita yung link ng Trese, nasa gilid lang po yan, pag di niyo pa nakita, Tounge nga ka. Yan lamang po ang update sa ngayon. Salamat.

MINDMASTER

Hi sa inyong lahat. Ako nga pala si "MINDMASTER". Kaya kong basahin ang inyong isip sa pamamagitan ng pagbabasa niyo neto. Ang kailangan ko lang ay konting katahimikan sa iyong paligid, isang konsentrasyon galing sa iyong utak at dalawang matang naka-focus sa gagawin ko.

Sisimulan ko na. Focus ha. Bigyan mo ako ng pangalan ng tao na nagsisimula sa letter "K". Sunod, bigyan mo naman ako ng hayop na nagsisimula sa letter "Y". Hihintayin kita ng 1 minuto para mag isip....




Tapos na? ok, ngayon ay huhulaan ko na ang dalawang naisip mong salita. Para makita mo kung tama ang hula ko sayo, pindutin mo ETO.

Ang mga Scientist ngayon ay naniniwala na ang posisyon ng isang makapangyarihang tao ang gumaganap ng pinakamalaking papel sa pagtataksil

Nasimot ng mga siyentipiko ang lumang paniniwala ng mga lalaki ay mas malamang na ligaw kesa sa babae. Naniniwala sila ngayon iyon ang kapangyarihan ng tao, sa halip na kasarian, na gumanap ng pinakamalaking papel sa pagtataksil.

Isinagawa ng isang grupo ng mga researchers ang isang anonymous na pagsisiyasat sa Internet ng 1,561 matanda at nahanap nila na may isang mas mataas na panganib ng unfaithfulness sa mga tao ng mga posisyon ng kapangyarihan, kahit sa sex.

"Nagkaroon ng isang maraming mga pananaliksik sa nakalipas na nagpapahiwatig na ang kasarian ay ang pinakamatibay na tagahula ng pagtataksil, but none of these studies have been done on powerful women," ayon sa daily mail na sinabi ng isang researcher na si Joris Lammers.

Sinukat din ni Lammers at ng kanyang team sa iba pang mga variants tulad ng pagtitiwala sa sarili, distansya at dama ng panganib namay kaugnayan sa pagtataksil.

"People often assume na ang malakas na lalake ay maaaring maging mas malamang na mangdaya dahil sila ay may risk-talking personalities o dahil sa distansya, tulad ng madalas na bussiness trip na maraming makapangyarihang tao ay tutuloy." Sabe niya.

"aming nahanap ang maliit na ugnayan sa pagitan ng alinman sa dalawa", dagdag pa nya.

"Sa mas maraming kababaihan na sa higit na mga posisyon ng kapangyarihan at itinuturing na pantay sa lalaki, at pagkatapos ng pamilyar ng mga pagpapalagay tungkol sa kanilagn pag-uugali ay mababago", dagdag pa niya. Pinag-aralan niya ang pagsisiwalat ng dalawang susi sa pagdidiskubre sa kung bakit ang makapangyarihang tao ay nangdadaya.

Aming sasagutin yan. Una, may isang malakas na pagsasamahan sa pagitan ng kapangyarihan at pagtitiwala, at ang halaga ng pagtitiwala sa bawat tao ay ang pinakamatibay na link sa pagitan ng kapangyarihan at unfaithfulness.

Pangalawa, ang mga researchers ay natagpuan na sa isang makapangyarihang tao, gender made no difference in past digressions or the participants' desires to cheat.(wow english)

At, base sa pag-aaral, kami bilang isang manunulat do not hear about more women cheating dahil there simply aren't as many women in positions of power as their male counterparts.(wow english na naman)

Sana ay naliwanagan kayo. Salamat.

"French Kiss"

Ayus.

Tuloy-tuloy na

Sa wakas at tapos na ren ang malawakang pag-eedit sa website nameng toh. Pero hindi pa kami nagtatapos diyan, marami pa kaming ilalagay na labels diyan sa gilid. At syempre sa wakas, nakagawa na rin kami ng Original Logo ng MKK. Tagal din kasi namin tong in-edit. Pero sa totoo lang, si Lenin naman talaga ang gumawa ng logo na yan. Abangan niyo nga pala sa gilid yung YouRinal at MKK Secrets. Diyan namin ilalagay yung mga..... basta abangan niyo na lang. Sige, maligayang pagbabasa. Salamat.

The Royal Wedding

Kasal nila
Prince William & Catherine Middleton Friday 29 April 2011 sa Westminister Abbey
Pasensiya na kayo kung hindi kami makakapagpost sa blog na ito. Imbitado kase kami sa kasal nila. Mga 2 days yata kami magclo-close. Pasensiya na po.



Yung naniwala, tanga. Yung tanga, maniwala.

"Anong feeling mo?" saga

Previously on MKK...

Gaya nga ng sinabi namin, nagmakapal kaming magtanong-tanong sa kalye, kanto, kalsada tungkol nga sa tanong namin na "Anong feeling mo?". Ang totoo nyan, sampu ang mga tanong namen at ngayon ay isa na lang tatanungin namin bawat tanong. Ginagawa namin ito para sa mga taong manhid at walang alam. Sinimulan naming magtanong sa aming kalye, sunod naman sa kanto at panghuli naming pinagtanungan ay ang kalsada. May isa kaming nakitang bata na kumakain ng ice cream, sinubukan naming tanungin, "Bata, san mo nabili yang ice cream mo?", tanong namen. Sumagot naman siya, "Dun lang po katabi ng Generic's Pharmacy". Nagpunta kami sa pinagbilhan ng bata at dun na namin sinimulang itanong sa tindera ang Last Five Anong Feeling Mo Questions namin.

Aming Tanong: Anong feeling mo, kung sampalin kita ngayon ng magkabila at sabunutan palabas diyan sa kinatatayuan mo. (Marahas kame, wala kang magagawa.)

Kanyang sagot: Naku! masasaktan ako syempre. Sayo ko kaya.. (Oops tama na)

Papunta sana kami ng palengke at doon magtanong kaso naisipan namen na baka makaabala pa kami sa kanila kaya tinuloy na lang talaga namin ang palengke.

Aming tanong sa Tindera: "Anong feeling mo kung tadyakan kita sa tyan at ihampas ko sa muka mo tong mga tinda mong bangus?"(Marahas talaga kame, wala kang magagawa)

Kanyang sagot: Masaket. (Short but meaningful)

Medyo bitin kame sa reaksyon ng aleng iyon, kaya naman naisipan naming magpunta sa bahay ng mga kaklase namen.

Aming tanong sa kaklaseng babae: "Anong feeling mo, kung yayain kitang maglakad-lakad at hubaran kita sa gitna ng kalsada?"

Kanyang sagot: Gagu! syempre may kahalong hiya at galit.

Ok na rin yung sagot niya sa amen kasi medyo nagreact din kasi sya eh. May dalawa pa kaming tanong. Sinubukan naming magtanong sa mga nanay namen. Oo, naglakas loob talaga kameng itanong ito sa mga nanay namen.

Pang-apat na tanong kay nanay: "Anong feeling mo, kung kumupit ako sayo ng limang libo at maglayas sa bahay?"(Eto na ang pinaka brutal na tinanong namin)

Kanyang sagot 1: Hhmm, parang magagawa mo yun sa akin ah. Subukan mo lang gawin yun.

Kanyang sagot 2: Tigil-tigilan mo nga ako, ang dami ko na ngang inaasikaso tapos ikaw bawas pera ka pa. Maglaba ka na nga.

Hhhmmm. Medyo brutal ang mga pinagtatatanong namen. Sinubukan naman naming tanungin ang mga kapitbahay namin.

Panglast na tanong: "Anong feeling mo, kung manalo ka ng P10,000 sa gameshow pero pagkatapos eh nabangga ka ng truck at ginamit mo ang pera mo pampagamot?"

Kanilang sagot 1: Manghihinayang ako, syempre.
Kanilang sagot 2: Manghihinayang ako, ten thousands yon tapos pangpagamot ko lang.

Iisa lang ang sagot nila. Manghihinayang. Parang gusto tuloy naming kumanta, "nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko...". Enough. Inuulit po namen, ginagawa po namin to para sa mga manhid at walang alam. Upang mailabas nila ang kanilang tinatagong damdamin sa kaibuturan ng kanilang puso(lalim!). Simple lang naman ang tanong namen, "Anong Feeling mo?", ganyan lang ang tema ng paksang ibibigay naming tanong sa kanila(lalim talaga!). Para walang masyadong OA magreact na parang akala mo nangyare talaga sa kanila. Para walang ano. Oo, tama. Sige, salamat sa inyong pagtutunganga at pagbabasa.

Teenage Dream














Yan ang napapala ng mga tanga.

Naked Dining













"Organisers specify no hot soup"

Tinagalog na K-pop




Yung iba, naiinis sa mga K-pop dahil sa mga pinoy na naaadik dito. Kung kami sa mga Haters, mag iimbento na lang kami ng ganito at aasarin na lang namin yung mga pinagsasasabi nila.

Anong feeling mo?

Nagmakapal mukha kaming magtanong-tanong sa kalye sa mga tanong namin. Ang subject ng tanong is "Anong Feeling mo?". Lima katao lang ang tinatanong namin kapag nagtatanong kami ng tanong. Eto ang mga lintik na tanong namin.

Aming Tanong: Anong feeling mo, kapag sinusundan ka ng isang stranger?

Kanilang Sagot:
*Parang wala lang... sanay na kasi ako.
*If it gets too uncomfortable, I'll leave the vicinity. Alangan naman i-confront ko.
*Ngingitian ko siya, baka kilala niya ako.
*Ako naiirita. Lalo na pag mga jeepney drivers or truck drivers. Nakakairita eh. Ngingiti ngiti pa or kikindat. Kala mo ambabango.
*Kakain ako ng saging tapos parang dinidila-dilaan yung saging.

Aming tanong: Anong feeling mo kapag nagugulat ka?

Kanilang sagot:
*Nasasapak ko yung nanggugulat, tas sasabihin ko, ikaw kase eh.
*Natural! Sino ba namang tao ang hindi nagugulat?
*Minsan nakaka-asar, ang sarap batuakn.
*Natatawa na lang ako kaso minsan parang hindi ako makahinga sa gulat.
*Wala lang. Nanlalaki lang yung mga mata ko.

Aming tanong: Anong feeling mo nung nanganak ka?

Kanilang sagot:
*Haha, wala naman.
*Baliw ka ba?
*Tang-ina! sige ikaw muna? anong feeling?
*Wala gago!
*Hahaha.

Aming tanong: Anong feeling, kapag kausap mo yung crush mo?

Kanilang sagot:
*Syempre naman, kinikilig! Pero hindi ko pinapahalata.
*Namumutla.
*Parang nahihiya kase baka maturn off siya sakin eh.
*Tuwang-tuwa. Parang ayaw ko na siyang hiwalayan kapag katabi ko siya.
*Nababaliw.

Aming tanong: Anong feeling, kapag umutot ka sa gitna ng maraming tao?

Kanilang tanong:
*T*ng ina nakakahiya! Puta naman naalala ko tuloy nung nautot ako date.
*Nakakahiya. Tatakbo na lang ako palayo.
*Hindi ko alam. Wala kasi akong pake kahit umutot ako sa harap ng mga babae.
*Baliktarin natin yung question. Kung ako ang nakapansin sa umutot, bibigyan ko na siya ng tissue.
*Sasabayan ko na lang ulet ng beatbox na utot para hindi mahalata. Tapos pagbibintangan ko yung kasama ko.

To be continued...
Susunod naming topic, "Anong gagawin mo?". Abangan.

Chapter 1 of TRESE

Tapos na po ang Chapter 1 ng Trese, nanjan po sa gilid bandang baba yung Page 1. Libreng pabasa po iyan sa mga Busy-busyhan. Umihi ka muna bago mo basahin, mahaba-haba din kasi yan. Sige, goodlick sanyo! Salamat!

Busy-busyhan

Sorry po sa lahat ng mga naghintay na basahero habang tumatae ng MKK dahil sa hindi namin pagpost noong isang araw. Busy po kasi kami sa buhay namin ngayon. Marami kaming panganib na hinaharap dahil wanted kami sa Kanto. Wanted kami sa mga babae, baka kasi lumapit na naman sa amin at baka manghingi na naman ng pera. Opo, ganyan po talaga ka-kapal ang mukha namen. Walang sinasantong salita sa pagsabi. Promise po namin, aayusin na namin ang pagpo-post dito. Oo nga pala, na-publish na yung Page 1 ng Trese ni Lenin Zulueta. Basahin mo na.

Isang pagkakataon

Ang buhay ng tao ay pwedeng masayang, pwedeng yumaman, pwedeng mawala na parang isang bula, pwedeng maghirap, pwedeng guminhawa. Ang ibang buhay ay pwedeng magkaroon ng isa pang pagkakataon, at tapusin ang nasimulan. Ang lahat ng iyan ay pawang katotohanan, lahat ng iyan ay posibleng mangyare. Tama si Nora Aunor, walang himala. Hindi mo pwedeng patigilin ang oras at magligtas ng tao. Hindi pwedeng hindi ka malagay sa alanganin. At hindi pwedeng hindi ka mamamatay dahil may isang pagkakataon ka lang sa buhay mo.

Gawin mo na ang lahat ng gusto mo. Ilagay mo ang lahat sa tama, at itapon at kalimutan ang mga pagkakamali. Mag-isip ka na ng positibo sa buhay mo hangga't may natitira pang isang pagkakataon sa buhay mo. Hangga't hindi pa natatapos ang misyon mo dito sa mundo, gumawa ka na ng mga bagay na ikaliligaya mo. Dahil pag wala ka na, maraming makakaalala sayo. Maraming gagaya at gagamit sa mga naiwan mo.

Ang buhay ay ibinigay upang gampanan ang mga ibinigay na bawat hamon, ito'y misyon na kailangan mong gawin sa isang pagkakataon.

Dakilang Winner





































































T*ang ina, Winner! winner mo muka mo ulul! karma mo yan! nandaya ka sa laro!

Mahirap maging dyaryo

Inaantok na ko. Parang ayaw ko na sanang magpost pero bigla ko lang naisip na mahirap pala maging dyaryo, bagsakan ng mga balitang masama, masaya, malungkot, nakakakilig, nakakagalit, nakakagulat, imbento, totoo, haka-haka, etc.. at pag binasa ka na, kanya-kanyang reaksyon ang mga tao, kanya-kanyang interpretasyon, kanya-kanyang bugtong hininga at ang malupet, sa dulo sisisihin ang munting dyaryo bakit ganyan ang balitang laman nya. Hanep! Hindi ba naisip ng mga nagbabasa kung sino ang sumulat ng mga balita para ilagay sa dyaryo? Saan ba nakuha ng dyaryo ang mga balitang 'to? Mahirap ang maging dyaryo, bagsakan ng mga balita galing kung saan lupalop at ang malupit pag nailathala na ang dyaryo, boom! Madaming usisero at ayan daragsa na ang mga komento, matatalas na komento! Wow! Saksak puso tulo ang dugo! Sana alamin muna kung ano ang kwento sa likod ng mga balita sa munting dyaryo bago ka magsalita ng "Ampanget ng balita", "Luma na tong balita na 'to e", "Ay totoo pala ang chismis", "Magaling ang editor ha", "Weh? di nga".. akala mo kasi ang dyaryo, pambalot lang ng tuyo o tinapa pag namili ka lalo na pag hindi mo nagustuhan ang nailathala, mali ka dun! Mahirap maging dyaryo tsong, bagsakan ng mga balitang kahit gustuhin mo o hindi, wala kang choice kundi namnamin ang bawat kataga, dyaryo ka eh, maraming magaling magbasa pero sana marami rin marunong umunawa. Bago ka magreact sa last page, balikan mo yung front page, baka hindi mo kasi kilala yung pangalan ng dyaryong binabasa mo, basta basa ka lang ng basa.. hala! May pakpak ang balita, may tenga ang lupa, sana mabingi na lang yung dyaryo. Kaya hinay-hinay sa komento lalo na pag di mo alam kung paano nabuo ang dyaryo. Papel lang yan kaya pag mahigpit ang hawak mo, pwede malukot o mas malala, mapunit. Mahirap maging dyaryo kaya magbasa ka ng maayos, bilangin mo yung mga pahina, baka may naiwan ka. Malay mo dyaryo ka na pala, atleast alam mo kung paano ka babasahin, diba?

Trese update

Sa wakas! nakagawa na ako ng first page ng Trese. At nagawan ko na ng character si Trevor. Medyo maselan para sa bata ang mga scenes doon, buti na lang hindi ko pinagawang komiks yon. Ang dami kong kritikal na naiisip tungkol sa Trese. Actually, ang Trese is yung name ng bida. Yun yung codename niya na gagamitin sa....... basta abangan niyo na lang!

"Gusto ko lang naman ng, Mcdo fries eh"

Marami ang nagreact sa commercial ng Mcdonald dahil sa advertisement nila na mga bata ang gumaganap. Sabi nila, masyado pa daw silang bata para gumanap sa mga ganong scenes. Baka daw gayahin ng mga bata at gawin nila sa ibang kalaro nilang babae. At ang pagtanong din ng batang babaeng malande eh makakasira sa isapan ng mga batang babae. Sabi naman ng iba, kung bibigyan mo ng malisiya ang advertisement, magiging negatibo nga ito para sa lahat. Ang iba naman ay nagpapasalamat dahil tinggal na ang commercial sa t.v. at nakita nila ang mali sa nakita nila.

Kung kami ang tatanungin, simple at maikli lang ang sagot namin diyan. May mali sa commercial. Kung papanuorin mo, ang unang nagtanong ay yung girl na bata. Sabi "girlfriend mo na ba ako?", bale ang nanliligaw eh yung girl na bata. Tapos, binara naman siya nung boy, "ayoko nga, demanding ang mga girlfriends, gusto ganto, gusto ganyan, ewan!". Kung titingnan mo sa ngayon ang mga lalake, sila mismo ang nanloloko sa kani-kanilang girlfriends, gusto ganto, gusto ganyan, ewan! Tapos sumagot naman yung girl, "Gusto ko lang naman ng mcdo fries eh", bale ang lumalabas na mali sa commercial is abuso yung girl. Dahil binaliktad nila ang tema ng lalake sa babae sa panahon ngayon. Imbis na lalake ang nagtanong ng ganun at nanghinge ng pagkain, yung babae pa talaga. Hindi na namin pahahabain pa to. Yan lamang ang naobserbahan namin. At sana mamatay na yung nagdirect ng commercial na yan! Joke lang :D


Hinde! walang joke!

More Filipinos feel poor under Aquino

Sa lahat ng mga naghihirap ngayon, may response ako sa inyo. Hindi lahat ng tao ay pwede maasahan sa bawat gawa. May mga nagtratraydor, may mga nangungurakot. Hindi tayo ang aasa, wala tayong dapat asahan. Dahil ang "asa" ay isang maaubusong salitang ginagawa sa ngayon ng tao. Kung ako ang tatanungin tungkol sa kahirapan ng mga pilipino ngayon, wala talagang dapat asahan dahil tayo mismo ang dapat kumilos para sa kapakanan naten. Hindi mo alam kung paano kumilos? simple lang naman yan eh, kung magtutulungan kayo kahit maliit na tulong lang ay parang malaking pera na rin ang katumbas nyan para sa pag-unlad ng bayan. Kung ang simpleng pag-wawalis nga eh simpleng tulong na rin, paano pa kaya ang paglinis ng sariling banyo. Gawin mo kung anong kaya mong gawin, wag mong maliitin ang sarili mo. Kung hindi mo maisip na kaya mong umahon sa kahirapan, wag mong isipin, gawin mo na lang at hindi magtatagal, makikita mo na lang ang resulta. Yan lamang ang response ko sa mga pilipinong naghihirap ngayon. Salamat. (palakpakan)

Recycling computer parts

Marami na ang gumagawa ngayon ng recycling. Unang-una na dito ang bote at plastics, mga karton, at iba pang mga bagay na pwede pang magamit sa basura. Kaya naman nakisali na rin kami at nakirecycle. Medyo unique ang ginawa naming pagrerecycle. Dahil ang ginamit namin dito ay ang mga computer parts.

Ito ang una naming ginawa. Ang Coffee Machine gamit ang cpu.


















May mga katropa kaming mahilig mag yosi sa bahay. Pinapayagan naman sila pero ang nakakainis lang eh habang nagcocomputer, kung san san lang nila tinatapon yung yosi nila. Kaya naman naisip naming magrecycle ng ganito. Isang tapunan ng sigarilyo gamit ang monitor. Unique diba?












Marami kaming bisitang dumadating sa bahay araw-araw. Kaso, tuwing naabutan nila kame, medyo magulo ang bahay namen. Parang wala daw kaarte-arte tong bahay namen sa loob. Kaya naisip kong lagyan ng mga arte-arte. Nagrecycle na naman ako ng mga pang display gamit ang keyboard at mouse. Eto ang mga finish products ko.























































































Pero sa hirap ng buhay, hirap ding makaahon sa mga gastusin. Nag-isip ako ng bagong raket na mapagkakakitaan. At siguro ito na yata ang pinaka masaklap kong ginawa. Ang ihawan.

Last Picture ni Pedro

Habang nagsu-surf kami sa internet, nagulat kami nang makita namin toh. Una, natawa kami. Kala namin edit at nagbibiro lang. Kasi imposible naman talaga ang makaakyat sa ganyan. Tapos tinitigan ko yung picture. Tapos pagkatingin ko sa baba, "R.I.p". Hindi ko alam kung bakit small letter lang yung letter "p". Sinearch talaga namin ang tungkol diyan. Pero walang lumalabas na resulta. Pero hindi ako sumuko. Hinanap ko talaga ang katotohanan. Umabot ako hanggang Masbate, Dapitan, Baguio at Palawan. Pero wala talaga ako nakalap na resulta. Walang ibang nakaka-alam sa misteryo diyan sa picture na yan. Totoo kaya itong kalokohang to? O peke ang katotohanan sa larawan? Kung gusto mong malaman. Abangan mo ang husga namen sa May 13, 2011. Saktong alas dose ng gabi. Alarm mo na yang cellphone mo.



Pag inabangan mo talaga yan, gago ka.

Trese written by Lenin Zulueta


Yan ang pinaka una kong pabasang istorya ko sa inyo. Sa ngayon ginagawa ko pa lang yan. Abang lang kayo kung kelan ko ilalabas toh. Hindi po ito libro. Nasa internet lang po ito. Ibibigay ko na lang yung link kung saan niyo pwedeng basahin.

Ang kwento nitong "Trese" ay tungkol nga sa isang batang lalaking nagngangalang "Trevor." Sa ngayon, nag-iisip pa lang ang ako ng pwedeng maging character niya dito sa story. Una ko kasing na-isip, bampira. Kaso parang masyado na siyang commong dahil sa lumabas na librong sikat na "Twilight". Medyo hirap akong mag-isip kasi ako lang talaga ang gumagawa netong storya na to. Basta abangan niyo na lang ang paglabas ng istoryang to. Ikakalat ko rin po ito sa ibang sites tulad ng MgaEpal.com, Wickedmouth.com, Iamalivingsaint.blogspot.com at pati na rin sa Facebook account ko ilalabas ko rin to. Basta abangan niyo na lang po ang tungkol diyan. Baka abutin lang ako ng mga isang buwan bago ko matapos kasi nagsisimula pa lang ako. Yang nakikita niyong picture ay ang una kong wallpaper poster. May nag-sasabi saking "It's better if it is a comic strip". Sa mga nagsasabi po niyan, meron na pong comic strip na ganun din ang title. Iba po ang style ko. Hindi po comic strip. Tanging mahihiwagang salita lamang ang makikita niyo. Sarili kong gawa at sikap. Pawis at dugo. Hirap at pagod. Basta, abang-abang na lang po kayo sa paglabas ng "Trese". Sa mga hindi interesado, bahala kayo, hindi ko naman kayo pinipilit pag-abang eh. Maraming salamat. Magandang gabi, umaga, tanghali, hapon at gabi ulet sa inyo!

Matapang lang kayo dahil marami kayo!

Wag mong sasabihin yan kung madami nga talaga sila. Bobo ka ba? edi nabugbog kana. Makipagbati ka nalang.

Payong Kaibigan mula sa MKK.

Dear Lenin,

Itago mo na lang ako sa pangalang "Tina". Meron po kasi akong Boyfriend. 5 years na kaming nagsasama. Masaya naman po kaming nagsasama. Araw-araw po kaming nagsasabihan ng "I love you" hanggang sa pagtulog namin. 2 years ang pagitan ng edad namin. Bale mas matanda siya kesa sa akin. Una niya akong niligawan noong magkaklase kami noong highschool. Naka ilang break din kami kasi ang dami naming problemang hinaharap. Muntik na rin po akong patigilin sa pag-aaral nang dahil sa kanya. Naganap yung First kiss namin nung nag-iinuman kami. 2 minutes bago matapos. Nang matapos ang mga pangyayaring yon, umalis siya papuntang probinsiya. Mga ilang buwan din kaming di nagkita. Matapos ang apat na buwan na hindi naming pagkikita, nagtaka ako sa kanya. Bigla na lang nagbago ang ugali niya. Yung dating boyfriend ko na maginoo eh naging bastos. Yung dating boyfriend ko na tahimik eh naging pasaway. At ang dating boyfriend ko na lalaking-lalaki eh naging bakla. Mr. Lenin, tulungan niyo po ako kung anong gagawin ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko nang makipag-break pero di ko alam kung paano gawin. Tulungan niyo po ako Please.

Nagmamahal,
Tina



Dear Tina,
Alam mo Tina, hindi lahat ng pagkakataon eh swerte ka. Hindi lahat ay expected at itnakda ng panahon. Hindi lahat ng araw ay tama at hindi lahat ng bagay ay mali. Wag kang tamad, intindihin mo na lang. Sa sinabi mong naging bakla ang boyfriend mo, pabayaan mo na lang siya sa gusto niya. Marami ka pa namang makikilalang lalaki dyan sa tabi-tabi. Ingat ka lang, siguradhuin mong lalaki. Pero kung gigil na gigil ka talaga sa kanya at gusto mo na talagang ibreak, marmaing paraan. Murahin mo siya. Batukan mo. Awayin mo sa text. Sabunutan mo. Pero kung isa man diyan hindi mo magawa, eto na lang, para hindi tayo masyadong bayolente at medyo smooth lang ang pakikipaghiwalay, pumunta ka sa kanya. Pagkatapos, yakapin mo at lumuhod ka sa kanya. At itanong mong "Mahal mo pa ba ako?" Pag sinagot niyang "Oo", alamin mo kung ba't siya ganun. At kung "Hinde" buksan mo tong ibibigay ko sayong singsing at ibato mo sa pagmumukha niya... eto.


Saan galing ang salitang Beck sa basketbol?

Kadalasan, kapag naglalaro tayo ng basketball lalo na kung kadarating pa lang sa court, eh nagpapractice-practice muna bago maglaro. At habang naglalaro kayo, pag nakuha mo ang bola galing sa ring, sasabihin sayo ng kaibigan mo, "Beck!". Nung una hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang ibig-sabihin nun. Ilang araw kong sinearch yun sa internet. Ilang buwan kong pinag-aralan sa mga libro. At ilang taon ko nang naririnig na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yang putang inang salitang yan. Hanggang sa isang araw... nakalaro ko ang pinsan ko. Itago na lang naten sa pangalang PEK2.

PEK2: Beck!

Me: *hindi ko pinansin, deretso lang sa dribble

PEK2: Huy! Beck!

Me: *hindi ko pa rin pinapansin, deretso lang talaga sa shoot at dribble

PEK2: *kinuha sakin yung bola* "Sinabi ng Beck eh!"

Me: Anong Beck?

PEK2: Beck! Balek! Tanga mo talaga!

Simula nun, hindi na ako nakabawi sa pinsan ko.

Paghihigante ng mga Hayup!























































Yan ang Epic
Isa lang ang matinding kalaban ng Tide, Ariel, Surf, Safeguard, Joy, Downy, Head & Shoulder, Colgate, at iba pa
.
.
.
.
.
.
.
Ang BRAND X!

Hanapin ang lalake sa Coffee Beans


May mga doktor na nagsasabi na pag nahanap mo kaagad ang lalake sa Coffee Beans sa loob ng tatlong segundo, ang kanang kalahati ng utak mo ay mas mabuti kaysa sa ibang matatalino. Kung nahanap mo ang lalake sa pagitan ng 3 segundo at isang minuto, ang kanan sa kalahati ng utak mo ay tumatakbo ng normal. Kung nahanap mo ang lalake sa pagitan ng isang minuto at tatlong minuto, ang kanan sa kalahati ng iyong utak gumagana ng mabagal at kailangan mo pang kumain ng maraming "protein". Kung hindi mo nakita ang lalake pagkatapos ng tatlong minuto, ang payo ay humanap ka ng ibang exercise para gawing mas malakas ang takbo ng utak mo!!!

Mga salitang kanto

Maraming hinugot na salitang binaliktad at pinauso sa mga kalye - kalye para sa mga tambay na ginagamit na natin sa pang araw-araw. May mga nauuso ding salita na katatapos lang mauso tulad ng "JEJEMON" at "BEKIMON". Marami diyang gumaya pero agad-agad din itong nawala at nalaos. At mukang mas matibay talaga ang "MGA SALITANG KANTO".

*Yosi - Sigarilyo
*Utol - Kaputol
*Kano - Amerikano
*Astig - Tigas
*Gasmati - Matigas
*Tsekot - Kotse
*Goli - Ligo
*Golets - Let's go

May mga salita ring hinugutan para sa mga adik.

*High Junkee
*Mandurubo
*Barok
*Dekadera
*Gabos
*Basag
*Bange
*Bangag
*Ngekngek

Eto naman ang mga salitang hugot para sa Marie Juana.

*Maryjane
*Chongki
*Mayjones
*Tiririt
*Damo Eps
*Grass
*Greta

Humanga ka na naman ba sa akin? Kundi mo pa toh nabasa tong isang toh, bahala ka nang bumasa eto oh, Click mo para masaya.

Pinagmulan ni Doraemon

Isang araw habang naglalayas si DORA napunta siya sa isang di pamilyar na kagubatan, at ang kagubatan na yon ay pinamumugaran ng mga POKEMON, dahil sa di nya alam ang daan palabas ng kagubatan inabot siya ng dilim sa daan, habang naglalakad may naramdaman siya na parang may sumusunod sa kanya at bigla nga siya sinunggaban ng isang POKEMON at siya ay ginahasa, at nag bunga ang panggagahasa ng POKEMON kay DORA at nang eluwal nya ang kanilang anak, pinangalanan niya itong DORA-EMON.

T*ng-ina ang corny!

Pansamantalang kinansela


Sumunod na rin ang Unilever Philippines sa pagkakansela ng mga advertisement ng mga produkto nito, subalit hindi lamang sa kasalukuyang kontrobersiyal na programang Willing Willie ng TV5.
Ayon sa official statement ng Unilever na inilabas kaninang hapon, April 8, nakasaad dito na ang naganap sa Willing Willie noong Marso 12—kung saan ilang ulit na sumayaw ng "macho-dance routine" ang six-year-old contestant na si Jan-Jan Suan—ay isang seryosong insidente.
Dahil dito, sabi ng Unilever Philippines, "We acted by immediately engaging the network authorities, expressing our serious concern and demanded assurance that similar incidents would not happen again."
Kasama sa statement na ito ang panawagan ng kumpanya sa Philippine Association of National Advertisers (PANA) na manguna upang tulungan ang mga TV network na gumawa ng, "strict and consistent self-regulatory framework. We expect this to be in place no later than one month."
Dagdag pa rito, mananatili umano ang suspensyon ng mga advertisement ng kanilang produkto hanggang sa magkaroon ng mas mahigpit at objective na "self regulatory guidelines" ang mga networks. Gayundin, magkaroon ng, "proper enforcement by the relevant government agencies of existing content regulations."
Ang kanselasyon ng mga advertisement ay magsisimula sa Lunes, Abril 11.

Bukod sa Unilever, pansamantala na rin kinansela ng Jollibee Food Corporation ang ad placemeng ng isa sa mga food chain nito na Mang Inasal sa programang Willing Willie. Ganito rin ang naging aksyon ng Procter & Gamble Philippines at Cebuana Lhuillier.

Kung ako ang tatanungin, si Willie na yan eh wag ka nang mag-react. Sabi nga sa MgaEpal.com, wag ka nang magtaka kay Willie kung may mga lumalabas na pangyayaring insidente katulad na lamang ng pinasayaw niyang bata ng "macho dance" habang umiiyak.
Pero sa pagkakataong ito, ipinutok na niya talaga ang katotohanan... eto panoorin niyo.


Ayon nga sa MgaEpal.com, isang matapang na tao yang si Willie. Walang inuurangang issues, hindi mo siya makikitang matalino sa pagsasalita niya pero makikita mo ang diskarte niya sa gulo sa industriya.

Level Up Exp!

Isa sa pinagdedebatihan ngayon ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education (elementaryo at hayskul) sa Pilipinas. Para daw ito sa dalawang bagay. Una, para mas maging handa ang mga nag-aaral para sa kolehiyo. Pangalawa, at mas higit na rason, ay para mas handa sa mundo ng pagtratrabaho ang mga nakatapos nito na hindi nagtuloy sa kolehiyo (sa anumang dahilan). Inilabas din ang mga datos na maraming maunlad na bansa na ang nagpatupad ng ganitong sistema. May isa pa akong nabasang pahayag na mayroong paaralan sa bansa na sumubok magdagdag ng isang taon sa hayskul na nakikita ng magandang resulta.

Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Marahil dahil pinalaki ako ng aking mga magulang na bigyang halaga ito. At sa biyaya ng Diyos, nakatapos at nagkatrabaho. Matindi ang paniniwala ko na malaki ang kinalaman ng edukasyong nakuha ko sa pagkakatanggap ko sa trabaho at sa iba pang oportunidad na natamo sa buhay.

Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Kahit pa sabihin ng iba na marami namang drop-out ang umasenso. Naging bilyonaryo pa kamo. Tulad ni Bill Gates ng Microsoft at Mark Zuckerberg ng kilalang Facebook. Pero kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng drop-out umaasensong tulad nila. Dahil kung ganun e di sana wala na lang nag-aral sa paaralan. Baka sa sanlibong tumigil sa pag-aaral, isa lang doon ang aasenso. Kaya pasensya ka na lang kung naisip mong magdrop-out at nabilang ka sa siyamnaraan at siyamnapu't siyam. (At isa pa, naniniwala akong nagtuloy sa pag-aaral ang mga nag-drop-out kahit hindi pumasok sa paaralan kaya umasenso).

Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Pero dapat ba talagang dagdagan ang taon ng pag-aaral?

Bakit hindi natin tingnan ang mga sumusunod?

1. Dahil sa naging trabaho ko dati (na hindi ko na ibibigay ang detalye), nalaman ko na sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, marami ang nakakarating sa hayskul na hindi marunong bumasa o sumulat. At ang mas nakalulungkot na balita, mahigit sa 90% ng nasa Grade 6 ang hindi pumapasa sa High School Readiness Test (na ibinibigay para malaman kung maaaring magpatuloy ang mag-aaral sa hayskul). Dahil dito, nagkaroon ng 'Bridge Program' kung saan dinagdagan ng isang taon sa pagitan ng grade 6 at hayskul para sa mga mag-aaral na hindi pumasa sa test na ito. Pagdaragdag kaya ng dalawang taon ang solusyon sa problemang ganito?

2. Tanggap ng nakararami na magkaiba ang kalidad ng edukasyon sa mga pribado at pampublikong paaralan. (At maging ang mga gumagastos para sa pribadong paaralan, iba iba pa din ang kalidad. Mas mahal ang bayad, mas maganda daw ang kalidad). Hindi dahil sa mas binibigyang kong pansin ang nasa pribado dahil dapat naman talagang tuunan ng pansin ang mas nakararaming nasa pampubliko, ngunit di ko maiwasang isipin kung ano ang magiging epekto ng panukalang ito sa mga pumapasok sa de kalidad na pribadong mga paaralan. Hindi ba tatagal lang ang panahon bago sila maging produktibong mamamayan ng bansa?

3. Magastos ang hakbang na ito. Sulit naman kaya? Wala tayong sobrang pera. Marami pa nga tayong utang. Nararapat na gastusan at bigyan ng hustong budget ang edukasyon pero dito ba talaga natin dapat gugulin? Dapat yatang pag-isipang mabuti ang pagkakagastusan.

4. Pag ang mga mag-aaral ang tinanong, sila ang malamang na malaki ang pagtanggi sa panukalang ito. Kung nag-aaral pa tayo, malamang ganito din ang opinyon natin. Bakit hindi natin ito bigyan ng konsiderasyon sa pagpataw ng desisyon. Medyo mababaw pero hindi ba marapat lamang na huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa 'yo?

Pero kung mag-aaral ka at...

- humusay at naging inspirado ang iyong guro dahil mas nabigyan sila ng tamang pagsasanay (at sapat na sahod)
- mas nagkaroon ng atensyon ang iyong guro sa iyong pangangailangan dahil mas kaunti na ang bilang ng mag-aaral sa bawat klase
- nabago ang curriculum at natutunan mo ang mga bagay bagay na kailangan sa pagtratrabaho sa mas maagang edad
- mas gumanda at mas naging ligtas ang iyong paaralan (o sa wakas ay nagkaroon na ng gusali ang iyong paaralan)

...tatanggi ka ba sa ganitong pagbabago?

Para dalhin sa simbahan ang prusisyon, nais ko lang ipahayag na malaki ang paniniwala ko sa halaga ng edukasyon at pag-aaral pero hindi ako naniniwalang ang pagdaragdag ng taon ang unang hakbang sa paglutas ng problema sa edukasyon. Dapat naman talagang may baguhin para umunlad pero mukhang mas marami pa tayong dapat unahin. Kalidad bago bilang. Ano ang opinyon mo?

Kwentong RH BILL

Yan ang isa sa pinakamainit na talakayan ngayon sa Pilipinas. Mayroon kasing isang aktibista na nakabihis-Rizal ang pumunta sa isang simbahan na may dalang plakard na "Damaso" a la Noli Me Tangere. Sa aking pagkakaintindi, ginawa nya ito bilang sagot sa ibinantang "civil disobedience" at pagwewelga ng simbahan sa pagpasa ng nasabing panukalang batas.

Bago ang lahat, nais ko munang ipahayag ang mga sumusunod. (1) Binyagang Katoliko ako (baka maging eks komunikado kung sakaling hindi magustuhan ng simbahan ang sasabihin ko). (2) Kristiyano ako at may pananampalataya sa Diyos (pati ang simbahan walang magagawa sa paniniwala ko kay Kristo, paniniwala ko yun e). (3) Madalas akong nakikibalita sa mga nangyayari sa ating minamahal na bansa. Pero bihirang makapanood ng balita. Madalas sa "internet" lang. Kaya hindi ko rin sigurado kung tama ang mga nababalitaan ko. (4) Hindi ko pa nababasa (at malamang hindi ko babasahin) ang detalye ng nasabing RH Bill. Pero higit sa lahat, ang dapat nyong malaman sa akin ay ang di maitatangging katotohanan na (5) marami akong opinyon sa mga bagay-bagay. At ibinibigay ko ito kahit hindi hinihingi. Itanong nyo na lang sa mga nakakakilala sa akin at malamang di lang masigabong pagtango at "oo" ang matanggap nyo.

At eto ang aking opinyon tungkol sa mga nangyayari sa paligid ng batas na ito.


Tungkol sa "Abortion"
Sasabihin ng iba na dapat gawing ligal. Ligal man o hindi, may gumagawa naman daw. Kaya dapat gawing ligal. Pero sa tingin ko dapat gawing iligal para mag-isip-isip naman yung nagbabalak gumawa. Sa paniniwala ko, bawal ang pumatay. Period.


Tungkol sa "Condom"
Kung solusyon ito para maiwasan ang AIDS at iba pang STD, baka nga may silbi.





Tungkol sa "Abortion" at "Condom"
Malamang iniisip nyo magkaiba ang opinyon ko sa dalawang bagay na mukhang magkapareho. Nakakalito di ba? Minsan nalilito na din ako. Pero tunay naman kasing masalimuot ang isyu na ito gaya ng lahat ng diskusyon sa moralidad ay masalimuot. Gray 'ika nga. Ang iniisip ko lang. Iligal ang abortion ngayon (sa pagkakaalam ko). Kaya mas konti ang gumagawa (sa tingin ko) dahil nga iligal. Ligal ang condom. At sa dami ng bumibili at kung paano ibinebenta mukha namang ligal. Pag ipinagbawal, ilan kaya ang susunod? At maipapatupad nga kaya ng tama? Minsan gusto natin ng pagbabago sa mga bagay na baka hindi naman dapat baguhin. Tapos yung mga dapat binabago ayaw baguhin. (Maraming nakataas ang kilay alam ko).

Tungkol sa "RH Bill"
Tulad ng nasabi ko hindi ko pa ito nababasa. Kaya sa totoo lang, wala akong opinyon dito.

Ang alam ko lang, naniniwala ako kay Kristo. At dahil dito --

(1) Naniniwala ako sa panalangin. Kaya ipinapanalangin ko na sana tama ang gawing desisyon ng mga naihalal nating mambabatas. (Yun ang trabaho nila e. Sabihin kung ano ang ligal at hindi. At pag mali e di baguhin ulit). At dahil din sa pananampalataya ko, naniniwala ako sa pag-asa ("hope" hindi yung nagsasabi kung may bagyo o wala). At natutunan ko na din namang tanggapin na hindi lahat ng ligal e tama at moral. Pero lahat ng ligal e dumadaan sa proseso ng gobyerno.

(2) Naniniwala ako sa moralidad at simbahan. Kaya dapat lang nilang ipatuloy ang pagbigay at pagkalat ng mabuting balita at mensahe ng Diyos sa atin. At magbigay ng pahayag kung ano ang pinaniniwalaan ng simbahan. At matuwa at magpunyagi kapag nasusunod ang ibig ng Diyos.

(3) Naniniwala ako na dapat maging responsable. Kaya sa tingin ko hindi ka dapat gumawa ng anak kung hindi mo kayang alagaan at buhayin. Kung sabihin mong nadisgrasya, panindigan mo. Natuwa ka naman yata nung ginagawa mo e. At dapat ding maging responsable na dapat sabihan ang mga kapamilya, kapuso, kaibigan at kapwa mamamayan na mag-ingat at kung paano mag-ingat. Nakamamatay ang AIDS. Ganun e. Nakamamatay talaga e. Ang buod e kung ayaw mong madisgrasya e di wag mong gawin ang sa tingin mong delikado. Dapat lang ipaalala ang mensaheng ito sa ating mga kababayang nakakalimot.

(4) Pinipilit at pipilitin kong lumakad sa matuwid na landas base sa pananampalataya ko. Palagi ko bang nagagawa? Malamang hindi. Pero sinusubukan ko.

At yan ang opinyon ko. Na hindi nyo hiningi. Anong masasabi nyo?

Epal. Mas Epal.

Kwento: Epal at Mas Epal, gumagawa ng homework sa geography. Nainis si Epal kasi hindi makita ni Mas Epal ang Africa sa mapa.

Epal: (kinukuha ang mapa) Amin na, mina.
Mas Epal: Eh eh, wag ka wag ka, eh eh.
Epal: Amin na, minsa. Sa kalewa.
Mas Epal: Alam na. Ah ah.
Epal: Amin na, mina.
Mas Epal: Eh eh. Wag ka, wag ka. eh eh.
Epal: Amin na, mina, sa kalewa. ‘coz this is Africa!

Dream Boy

Iisa lang ang nagmamay-ari ng puso ko.
Walang iba kundi...




Ako! Syempre alangan naman kayo?!
Inyo toh? inyo toh?

Mga salitang Pinaghugutan

A. TANGA
- salitang mura o masamang salita na kung saan ay karaniwang ginagamit kapag may maling naisabi o nagawa ang isang tao na iyong nakasalamuha.

Halimbawa: Ang tanga mo naman bakit mo nilagay ang kawali diyan!

-Masasabi na ikaw ay tanga kapag nandiyan na ang bagay pero hindi mo padin makita.
-Karaniwang naririnig sa bahay, kalye, eskwelahan.
-Nagsimula ang salitang ito sa “aanga- anga” na mistulang maihahalintulad sa itsura ng taong nakatunga-nga.
-Nagsimula din dito ang iba pang mga salita tulad ng engot, eng- eng, tangengots etc.

B. GAGO
-salitang mura o masamang salita kung saan karaniwang ginagamit kapag ang taong iyong sinasabihan ay loko- loko, o may ginawang di kanais- nais na kalokohan.

-Maari itong masabi na kapag kayo ay nagkwe- kwentuhan ng mga nakakatawa, o kaya pag kayo ay nag-aasaran.
-Ito daw ay nagsimula sa salitang “GAGSTER” na isang taong mahilig mang aliw at magbigay ng “joke”.
-Maari ito marinig sa kalye, tindahan, eskwelahan, sa mga magkakaibigan, sa mga taong nanunuod ng mga nakakatawang palabas.

Halimbawa: GAGO ka ah, ba’t mo pinaglaruan ang libro ko?!

C. BOBO
-salitang mura o masamang salita kung saan karaniwang ginagamit kapag ang taong iyong sasabihan ay walang alam, o kaya mali ang kanyang naisagot.

-Ito ay mayroong kaunting halintulad sa salitang “tanga”, pero mas masasabi na mas masama ito.
-Ito ay mas nakakasakit kaysa sa “tanga”.
-Tayo ay pamilyar sa katagang “walang taong bobo”
-Karaniwang naririnig sa eskwelahan kung saan lagot ka sa iyong guro pag narinig ka na magsalita nito.
-Bihira lang na marinig ito sa kalye pero kalimitang naririnig sa tahanan, lalo na sa mga magkakapatid.

Halimbawa: Haynako napaka BOBO mo talaga, ilang oras na kitang tinuturuan!

D. PUTA
-salitang mura o masamang salita kung saan kalimitang ginagamit bilang ekspresyon o kaya naman sadyang pagkakalahad.
-Ang ibang tao ay ginagamitan pa ng pandagdag na salita.
Halimbawa: Am + puta = ampota
( kung saan sa salitang “puta”, ang patinig na “u” ay ginawang “o”)

Halimbawa: AMPOTA talo nanaman ako!

-Lumaganap din ito nung nauso dati ang larong “DOTA” sa kompyuter na para sa mga kalalakihan at naimbento ang salitang “ampota”.
-Napaghahalo din dito ang salitang “Tang- ina” kung kaya’t nagiging “Putang- ina”.
Puta + tang- ina = Putang- ina

Halimbawa: PUTANG- INA nakakaasar talaga, ang kalat!

E. TANG- INA
-Pinakamasahol at pinakamasama kung saan ay ginagamit o sinasabi bilang ekspresyon, at kapag may bagay, tao o pangyayaring kinaiinisan.

-Maririning ito sa matatanda, bata, mapa-babae man o mapa-lalaki.
-Sabi nila pag nasimulanmo ang pagsasalita nito ay masasanay ka ng sabihin ito.
-Dudugo talaga ang bunga-nga mo sa iyong magulang pag nagsalita ka nito sa harap nila.
-Ang iba ay gumagamit ng mga salita para hindi mahalata

Halimbawa:
1.Tang ang inumin mo wag Milo! (ginamit ang Pantanging pangngalan na Tang na inumin)
2.Tanging ina niyo! Tanging ina nating lahat! ( ginamit ang mga napapanuod sa telebisyon)
3.Tang...Tang juice! ( katulad ng numero 1)

-Naisasama ang salitang murang “Puta”,

Halimbawa:
Puta + tang- ina= Putang-ina
-Sabi ng iba akpag minura ka ng nanay mo ng ganito ay parang minura na din niya ang kanyang sarili.
Halimbawa:
Nanay: Putang- ina ka! Nagsisi ako nilabas pa kita sa tiyan ko!
Anak: Ayyy... NAY,,,, Puta ka pala? Sinabihan mo kaya sarili mo noh...
(-------------WAG TUTULARAN---------------------)

Sinasabi sa itaas na bahagi na masyadong naging pilosopo ang anak, pero kung iisipin ay totoo naman bakit hindi nalang sinabi na “tang- ina” diba?

-Nanggaling ito sa salitang “puta” kung saan kinuha ang salitang “ta” at dinagdagan ng “ng”
Puta à “ta” à tang- ina
( PUTANG-INA)

Humanga ka na naman ba sa akin? Ang galing ko talaga.
Bago ako magtapos, may isa akong token para sa inyo.

Simpleng buhay sa Manhattan

Ang average na sukat ng bahay sa America ay lumiliit -- ito ay parehong bumaba noong 2008 sa 2009 pagkatapos ng 15 taong tuwid na paglago -- ngunit karamihan sa kanila ay nakatira pa rin na mas malaki sa mga tao sa Big Apple. Ang sukat ng bahay sa Manhattan ay kalahati ng natural na average.

Isang New Yorker ang nahumaling sa buhay ng matinding pagtitipid. Ang bahay ni Felice Cohen ay humahakbang lamang sa 90 square. Ngunit para sa kanya, hindi ito isang sakripisyo. Tindi mo teh. Sa maliit na space ng kanyang tinitirhan, nagbabayad lamang siya ng $700 para manirahan sa isang bahagi ng bayan kung saan ang average ng renta ay $3,600 bawat buwan.

Ang kanyang kusina ay merong oven toaster, maiinit na palayok, at maliit na fridge, pero sinabi niya na ang kanyang bakuran ay malaki pa sa average. “I look out my window, and it’s New York City. I mean, that’s my backyard. Central Park is a block away. I can go into the park. I have Lincoln Center. I have libraries. I have gyms all over the place. Sometimes, I feel like you’re in college, and it’s a huge campus, and you can take advantage of everything you want to take advantage of."

Si Cohen ay nagkaroon ng kapirasong sindak atake sa unang gabi sa kanyang apartment kapag siya ay gigising sa kama sa silid sa itaas ng bahay sa kisame na mayroong 23 pulgada mula sa kanyang mukha.

Kung ako tatanungin sa bahay niya, wala namang masama kung manirahan ka sa ganoong bahay. Basta ba malaki ang kama at kasya ang katawan para makipag ano. Oist! Kung ano-ano na naman ang naiisip niyo ah!

Kamusta ka na Lenin?



Kamusta na ako? Ayos lang naman. Matapos ang mga mapapaet na sandaling aking pinagdaanan, guminhawa na ngayon yung paghinga ko. Matapos sumakabilang buhay ang lola ko, gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong wala na akong makikitang nahihirapan nang dahil sa sakit. Ayos na ako ngayon kasi nakita ko ulet ang mga minamahal kong kaibigan. Nalaman kong maayos lang naman sila at masaya sila sa tinatahak nilang buhay. Namiss ko rin ang mga gamit namin sa bahay, lalo na itong computer. Lalo akong natuwa nang laitin ako ng isa kong kaibigan, bakit pa daw ako bumalik.

Ang haba ng Intro ko. Kung makasulat ako para ako nakulong sa bilangguan ng tatlong buwan. Sa bagay, ganun naman talaga ang buhay. Namimiss ang lahat. Nananabik sa lahat ng nakikita. Parang ako. Parang tanga. Ang daming nalalaman sa buhay. Wala namang gustong maka-alam. Pero ayos na rin iyon. Hindi naman ako nag-iisa sa buhay eh. Kasama ko ang sarili ko. Kausap ko ang sarili ko. At kalaro ko ang sarili ko. Nang mawala ako dito sa bahay namin, sabi ko sa sarili ko, "Sana mahanap ko ang kasiyahan". Pero hindi naging madali iyon. Dahil bago ko marating iyon tulad nga ng sinabi ko, mapapaet na sandali ang aking pinagdaanan. Nang mawalay ako sa piling ng mga kaibigan ko, nagdasal ako na sana makatagpo naman ako ng bago. Hindi bagong girlfriend kundi bagong makikitang bago. O di ba ang gulo.

Nang mawala ako sa lugar namin ng dalawang linggo at dalawang araw, wala namang nabago. Wala namang bumalik. Wala ring nabawasan at wala ring nadagdagan. Ganun pa rin. Patuloy ang pag-ikot ng magulong mundo sa ibabaw. Mahirap din palang magsulat. Minsan napag-isip-isip ko, bakit ako matatakot mamatay kung meron naman akong naiwan. Tama nga naman. Tama nga naman ang naisip ko. Buti na lang gumana ang utak ko. Teka, kamusta na nga ba talaga ako? ano na nga ba talagang nangyari sa akin? Kwento ka naman oh. Sa susunod na lang. Pag natapos ko na lahat ng pwede kong gawin. Tsaka ako magkwekwento sa inyo. Kahit hindi kayo interesado, ako na lang ang magbabasa. Dahil alam kong sa huli, mababasa rin itong kwento ko. Salamat.

Mga Kantong Kowts

Kung dalawa ang minahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una. -Lenin