Panliligaw

Marami nang comments, suggestions at mga quotes ang nagkalat sa internet tungkol sa panliligaw. Actually, hindi talaga Google o Yahoo o kahit anong search engine ang tamang gamitin sa tips sa panliligaw. Mahirap matutunan yan lalo na kung torpe ka. Ang kailangan mo lang ay lakas ng loob at determinasyon upang maagapan mo lang ang kaba at takot sa sarili mo. Kung gusto mo siyang lapitan, diskartehan mo lang. Wag ka lang tatanga-tanga sa paglapit sa kanya. Umakto ka lang na parang hindi mo siya gusto habang kinakausap mo siya. Yan ang una, sunod, makipag-usap ka sa kanya ng matagal, pero kung busy siya, wag mo munang kulitin, baka mainis pa sayo. Pangatlo, kapag may pinapakopya ang teacher niyo, makipagpalitan ka sa katabi ng crush mo tapos tabihan mo siya, sabay magkuwentuhan kayo habang nagsusulat. Pang-apat, kapag medyo nagkakamabutihan na kayo, dun mo na simulang bola-bolahin siya o di kaya putukan mo ng mga banat mo para medyo kiligin siya sayo kahit naiinis. Panglima, diba syempre gusto mo nang aminin, didiskartehan mo na kung paano mo na sya liligawan, tulad na lang ng pagtulong sa kanya sa kahit ano, pakikipagkwentuhan sa kanya, at pag-amin mo na mahal mo siya.

Ganyan kasi ang ginawa ko sa girlfriend ko. Malas man ang abutin ko, ayos lang. At least, naaamin ko sa kanya noon na mahal ko siya. Kaya kung susundin mo yang limang yan, siguraduhin mo lang na madiskarte ka. At kung magtagumpay ka, pwede ka nang magyabang at ipagkalat kahit kanino (wag lang sa mama mo).