MgaEpal.com

Ang aking iniidolong website, Ang MgaEpal.com. Ang website na ito ay merong apat na authors at araw-araw silang nagpopost. Sa tagal ko nang pagtambay sa website na yan eh alam ko na kung ano yung point of view nila. Tama lang ang timpla ng pagpopost nila kase alam nila kung hanggang saan lang kakayanin ng isang tao ang magbasa isang beses, isang araw. Kung makikita mo sa larawan, si Boss Chip lang ang pinaka gusto ko sa kanila. Marami rin silang mga gallery tulad ng MMK(Maalaala Mo Kuya), Epal Mas Epal, at kung ano-ano pa. Isang taon na ang website na ito. Hindi rin nila inaasahan na kahit mga DJs ay makikita ang kanilang blogspot. Sa sobrang sikat nila (medyo lang) sa internet eh nakaabot na sila ng 500+ na followers. At hindi lang iyon, may thousand likers na rin sila sa Facebook. Nagfe-feature din sila ng ibang websites, tulad ng Wickedmouth.com at Iamlivingsaint.blogspot.com. Marami talagang humahanga sa kanila, kase kahit ngayon mo lang nakita ang mga posts nila, talagang mag-eenjoy ka sa kakabasa. Pwede mo pang balikan ang mga nakaraan nilang posts.

Sana ipagpatuloy niyo lang ang pagpapalaganap ng ka-Epalan sa mundo. Maraming salamat po, Mabuhay po kayo!