Ang Teacher kong Pogi



May mga taong minsan nakaka-asar kasama, minsan naman nakaka-aliw at minsan pag kausap mo may matutunan ka pa. Yan ang teacher ko sa science, inglesero, maraming nalalaman sa mga bagay-bagay, parang ako. Konting react mo lang magcoco-mment agad yun sa iyo. Kunwari "Tang ina ang inet!" biglang sasabat yun sa iyo "alam mo ba kung bakit mainit dito sa mundo, kase ang ozone layer blah,blah,blah". Pero kahit ganyan yan, malupet sumagot yan, pag nagtanong ka sa kanya, potah sagot agad, walang palalampasing tanong yun, kahit itago mo pa pipilitin ka nung sabihin mo. Minsan naman nagtatawanan kami ng mga kaklase ko kapag nagagalit siya, tapos maya-maya sasabihin niyang "ano ba ito, comedy bar ba ito at nagtatawanan kayo, clown ba ako?" lalo naman kaming natawa sa mga pinagsasabi niya lalo na kapag nage-english. Tuwang-tuwa ako kapag tinatanong niya ako ng pa-english tapos sasagutin ko din siya ng ganun, kunwari "It is a good day! isn't it?" tapos sasagot ako "Yes, it isn't." Mapagbiro din yan, kapag nagpatawa, potah siya lang yung humahalakhak, parang tanga lang. Kapag nagtuturo naman, asahan mong walang makikinig sa kanya kasi wala naman talaga. Ikaw ba naman makinig sa kanya ng English lang ang Language niya, wala man lang kapirasong tagalog.

Minsan nakasabayan ko yun sa jeep, papunta pa lang daw siya SM tapos ako pauwi na. Manunuod kase ng sine, eh galing din ako dun, bale ang pinag-usapan namin eh yung mga pelikula. "Lenin, ano bang pwedeng mapanuod ngayon?" balak ko sanang sagutin ng "American Pie sir!" kaso baka ibagsak niya pa ako sa subject niya. Sabi ko "Mars Needs Mom sir!" kahit hindi niya alam, sasagot yun "Aaahh.." Tapos maya-maya may tinanong sakin, "Anu nga bang palabas yung mga taong blue?" nag-isip ako "Blue Boys?" sabi niya "hindi-hindi, yung mga taong matangkad na mahahaba yung buhok?" pinag-isipan ko nang matagal, as in matagal talaga, mga five minutes. "ano na?" sabi ko "sandali lang sir!" tapos sabay sabing "Ayun! Avatar pala!" tapos bumaba na ako ng jeep tapos sakay ng tricycle.