Advance Bakasyon

Akalain mo, bakasyon na naman. Parang kelan ka lang gumawa ng mga assignments mo at projects. Pero ok na rin yun at least nasulit mo naman lahat ng pagod mo nung may pasukan pa. Ako kasi ang laki ng problema ko eh, nakakabwiset lang.

Paano kasi, nung monthsary namin ng girlfriend ko, nagkayayaan sa bahay namin at wala si mama nun. Sabay maya-maya may nagsabing bumili ng The Bar. Bigla naman akong nabigla sa biglaang pagsigaw ng kaklase ko. Pumayag naman ako nun na mag-inom kami non, kase sabi ko ngayon lang naman at hindi na ito mauulit. Matapos nun, may yayaan na naman, sa bahay ulet namin. Potang ina wala na naman si mama kaya alam na namin kung anong gagawin. Inom na naman! At pagkatapos, may yayaan na naman, sa birthday ng Third year kong schoolmate. Dalawang Matador na long neck. Lasheng-lasheng na naman kami nun, buti na nga lang hindi ako naaamoy ng mama ko tuwing umuuwi ako sa bahay. Busy din kasi siya sa kaka-Farmville. Makalipas ang ilang buwan, mga tatlong buwan siguro. Nalaman ng bestfriend ng girlfriend ko na nag-inuman kami nung nakaraan, so sumbungan na iyon. Tinawag kaming mga magkakasama sa isang room at isa-isang tinanong. Di na kami nakapalag na ipapatawag yung magulang namin nun.

At makalipas ang ilang buwan, ako lang ung pinalad. Ako lang yung sinwerte at biniyayaan. Hindi na kasi ako pinapasok nung malaman ng nanay ko yun. Kaya stayput na lang ako sa bahay. Parang Advance Bakasyon nga, tuwing test lang ako pumapasok, buti na lang 4th quarter na nun, malapit ng matapos, kung hindi baka umulit pa ako ng First Year, haayy buhayy.. parang life, sometimes minsan, yung baby parang sanggol, yung crying parang umiiyak. Tama na ang corny na!