Kowts

"Mas mabuti ng mamatay ng may karangalan kaysa mabuhay sa kahihiyan"

Payong Tambay

Wag ka nang humirit ng "Sabi ko na nga ba!" kung inisip mo lang naman.
Magmumuka ka lang tanga, hindi ka magmumukang matalino.

Nagmamadaling Barbero


















Pag nagpagupit ka jan, siguradong pulido ang pagkakaputol sa bangs at patilya mo. Abot hanggang likod yung guhit.

Anong kailangan ng mga babae sa mga lalake?

"PAGtitiWALA"

Kung gusto mong maintindihan yan, maging malisyoso ka.

Nevey say never, pero sinabi mo na ng dalawang ulit.



Yan ang bagong palabas ni Justin Bieber, ang Never say never. Tinugma niya talaga sa pangalan niya para cool. Actually, hindi ko pa toh napapanuod kase hindi naman ako interesado sa buhay niya, kaya ayaw kong panuorin, ang labo. Marami rin palang pinagdaanan tong batang toh, kanta lang nang kanta, yun lang. Kung hindi dahil kay Usher at sa mala kikeng boses niya, hindi siya sisikat nang ganito, at hindi rin makakabili ng mga make-up kits. Nang una kong narinig ang kantang "One Time", mukang babae ang kumanta kase ang ganda ng boses. Pero nang nalaman ko kung sino yung kumanta, potang ina napamura ako sa gulat. Una kong inisip, bading kaya yan? o babaeng nagpa-sex change lang para magmukang lalake? Inis talaga ako, muntikan ko nang maging favorite yung kanta, buti na lang nakita ko kung sino yung kumanta. Pero anyway, let's talk about his fuckin' movie. Ano ba ang makikita natin sa movie na yan? gusto ko mang panuorin kaso hindi talaga ako interesado sa buhay nya, siguro pagkatapos kong panuorin ang buhay niya, lalabas ako nang sinehan, uuwi sa bahay, matutulog. Wala man lang thrill. Buti pa yung kay Michael Jackson eh, ang ganda ng introduction title. Nakakapangilabot pa yung mga linya niya. Tagos to the bone over my pwet.

Kung papipiliin lang ako kung sino ang pwedeng sumunod na gagawan ng buhay, eto oh.


O diba, ang angas.

The L Word













Abangan...

Ang Teacher kong Pogi



May mga taong minsan nakaka-asar kasama, minsan naman nakaka-aliw at minsan pag kausap mo may matutunan ka pa. Yan ang teacher ko sa science, inglesero, maraming nalalaman sa mga bagay-bagay, parang ako. Konting react mo lang magcoco-mment agad yun sa iyo. Kunwari "Tang ina ang inet!" biglang sasabat yun sa iyo "alam mo ba kung bakit mainit dito sa mundo, kase ang ozone layer blah,blah,blah". Pero kahit ganyan yan, malupet sumagot yan, pag nagtanong ka sa kanya, potah sagot agad, walang palalampasing tanong yun, kahit itago mo pa pipilitin ka nung sabihin mo. Minsan naman nagtatawanan kami ng mga kaklase ko kapag nagagalit siya, tapos maya-maya sasabihin niyang "ano ba ito, comedy bar ba ito at nagtatawanan kayo, clown ba ako?" lalo naman kaming natawa sa mga pinagsasabi niya lalo na kapag nage-english. Tuwang-tuwa ako kapag tinatanong niya ako ng pa-english tapos sasagutin ko din siya ng ganun, kunwari "It is a good day! isn't it?" tapos sasagot ako "Yes, it isn't." Mapagbiro din yan, kapag nagpatawa, potah siya lang yung humahalakhak, parang tanga lang. Kapag nagtuturo naman, asahan mong walang makikinig sa kanya kasi wala naman talaga. Ikaw ba naman makinig sa kanya ng English lang ang Language niya, wala man lang kapirasong tagalog.

Minsan nakasabayan ko yun sa jeep, papunta pa lang daw siya SM tapos ako pauwi na. Manunuod kase ng sine, eh galing din ako dun, bale ang pinag-usapan namin eh yung mga pelikula. "Lenin, ano bang pwedeng mapanuod ngayon?" balak ko sanang sagutin ng "American Pie sir!" kaso baka ibagsak niya pa ako sa subject niya. Sabi ko "Mars Needs Mom sir!" kahit hindi niya alam, sasagot yun "Aaahh.." Tapos maya-maya may tinanong sakin, "Anu nga bang palabas yung mga taong blue?" nag-isip ako "Blue Boys?" sabi niya "hindi-hindi, yung mga taong matangkad na mahahaba yung buhok?" pinag-isipan ko nang matagal, as in matagal talaga, mga five minutes. "ano na?" sabi ko "sandali lang sir!" tapos sabay sabing "Ayun! Avatar pala!" tapos bumaba na ako ng jeep tapos sakay ng tricycle.

Happy 7th Monthsary



Happy 7th Monthsary mhie! Monthsary namin ng nag-iisa at pinakaminamahal kong itatago ko na lang sa pangalang Carla. Ang dami na naming pinagdaanan niyan ni Carla, may kasamang hirap, pagod, tuwa, ligaya ang nadarama namin sa isa't-isa. Hinihiling ko na sana tumatag pa lalo ng matagal ang aming relasyon. At ang isang writer, magaling din bumanat, eto babanatan ko kayo ng dalawang linyang magkatugma...

"Hindi na tayo maglalayo, hindi na maghihiwalay, dahil kalahati ng aking buhay ay nasa iyong kamay"

Text Twist




MgaEpal.com

Ang aking iniidolong website, Ang MgaEpal.com. Ang website na ito ay merong apat na authors at araw-araw silang nagpopost. Sa tagal ko nang pagtambay sa website na yan eh alam ko na kung ano yung point of view nila. Tama lang ang timpla ng pagpopost nila kase alam nila kung hanggang saan lang kakayanin ng isang tao ang magbasa isang beses, isang araw. Kung makikita mo sa larawan, si Boss Chip lang ang pinaka gusto ko sa kanila. Marami rin silang mga gallery tulad ng MMK(Maalaala Mo Kuya), Epal Mas Epal, at kung ano-ano pa. Isang taon na ang website na ito. Hindi rin nila inaasahan na kahit mga DJs ay makikita ang kanilang blogspot. Sa sobrang sikat nila (medyo lang) sa internet eh nakaabot na sila ng 500+ na followers. At hindi lang iyon, may thousand likers na rin sila sa Facebook. Nagfe-feature din sila ng ibang websites, tulad ng Wickedmouth.com at Iamlivingsaint.blogspot.com. Marami talagang humahanga sa kanila, kase kahit ngayon mo lang nakita ang mga posts nila, talagang mag-eenjoy ka sa kakabasa. Pwede mo pang balikan ang mga nakaraan nilang posts.

Sana ipagpatuloy niyo lang ang pagpapalaganap ng ka-Epalan sa mundo. Maraming salamat po, Mabuhay po kayo!

Advance Bakasyon

Akalain mo, bakasyon na naman. Parang kelan ka lang gumawa ng mga assignments mo at projects. Pero ok na rin yun at least nasulit mo naman lahat ng pagod mo nung may pasukan pa. Ako kasi ang laki ng problema ko eh, nakakabwiset lang.

Paano kasi, nung monthsary namin ng girlfriend ko, nagkayayaan sa bahay namin at wala si mama nun. Sabay maya-maya may nagsabing bumili ng The Bar. Bigla naman akong nabigla sa biglaang pagsigaw ng kaklase ko. Pumayag naman ako nun na mag-inom kami non, kase sabi ko ngayon lang naman at hindi na ito mauulit. Matapos nun, may yayaan na naman, sa bahay ulet namin. Potang ina wala na naman si mama kaya alam na namin kung anong gagawin. Inom na naman! At pagkatapos, may yayaan na naman, sa birthday ng Third year kong schoolmate. Dalawang Matador na long neck. Lasheng-lasheng na naman kami nun, buti na nga lang hindi ako naaamoy ng mama ko tuwing umuuwi ako sa bahay. Busy din kasi siya sa kaka-Farmville. Makalipas ang ilang buwan, mga tatlong buwan siguro. Nalaman ng bestfriend ng girlfriend ko na nag-inuman kami nung nakaraan, so sumbungan na iyon. Tinawag kaming mga magkakasama sa isang room at isa-isang tinanong. Di na kami nakapalag na ipapatawag yung magulang namin nun.

At makalipas ang ilang buwan, ako lang ung pinalad. Ako lang yung sinwerte at biniyayaan. Hindi na kasi ako pinapasok nung malaman ng nanay ko yun. Kaya stayput na lang ako sa bahay. Parang Advance Bakasyon nga, tuwing test lang ako pumapasok, buti na lang 4th quarter na nun, malapit ng matapos, kung hindi baka umulit pa ako ng First Year, haayy buhayy.. parang life, sometimes minsan, yung baby parang sanggol, yung crying parang umiiyak. Tama na ang corny na!

Panliligaw

Marami nang comments, suggestions at mga quotes ang nagkalat sa internet tungkol sa panliligaw. Actually, hindi talaga Google o Yahoo o kahit anong search engine ang tamang gamitin sa tips sa panliligaw. Mahirap matutunan yan lalo na kung torpe ka. Ang kailangan mo lang ay lakas ng loob at determinasyon upang maagapan mo lang ang kaba at takot sa sarili mo. Kung gusto mo siyang lapitan, diskartehan mo lang. Wag ka lang tatanga-tanga sa paglapit sa kanya. Umakto ka lang na parang hindi mo siya gusto habang kinakausap mo siya. Yan ang una, sunod, makipag-usap ka sa kanya ng matagal, pero kung busy siya, wag mo munang kulitin, baka mainis pa sayo. Pangatlo, kapag may pinapakopya ang teacher niyo, makipagpalitan ka sa katabi ng crush mo tapos tabihan mo siya, sabay magkuwentuhan kayo habang nagsusulat. Pang-apat, kapag medyo nagkakamabutihan na kayo, dun mo na simulang bola-bolahin siya o di kaya putukan mo ng mga banat mo para medyo kiligin siya sayo kahit naiinis. Panglima, diba syempre gusto mo nang aminin, didiskartehan mo na kung paano mo na sya liligawan, tulad na lang ng pagtulong sa kanya sa kahit ano, pakikipagkwentuhan sa kanya, at pag-amin mo na mahal mo siya.

Ganyan kasi ang ginawa ko sa girlfriend ko. Malas man ang abutin ko, ayos lang. At least, naaamin ko sa kanya noon na mahal ko siya. Kaya kung susundin mo yang limang yan, siguraduhin mo lang na madiskarte ka. At kung magtagumpay ka, pwede ka nang magyabang at ipagkalat kahit kanino (wag lang sa mama mo).

Totoo ba yung tungkol sa 2012?

Sabi ng mga Mayans ayon sa kanilang prophecy na matatapos ang mundo dahil dun nagtapos ang kanilang kalendaryo. Kung paano ito mangyayari, hindi naman nila sinabi.

Ayon naman ng mga ibang mga geoscientist, mangyayari raw ang isang pole shift kung saan lilipat ang lokasyon ng kasalukuyang north at south pole. Ito raw ang magdudulot ng sandamukal na kalamidad sa mundong ibabaw. Kung paano maaapektuhan si Santa Claus sa ganitong pangyayari ay hindi namin masasabi.

Then again, bakit ka naman maniniwala sa prediksyon ng isang sibilisasyon na nauna pang nawala kaysa sa'tin?

Kung naibigan mo ang aking kakaibang analysis, basahin ninyo ang webkomik sa:
http://ahutnyuk.thecomicseries.com

Danger Days: The True Lives of the Fabulous Killjoys My Chemical Romance

Yung mga nauna nilang album na "Three Cheers For Sweet Revenge" at "The Black Parade" ay masyado kong dinibdib at dinamdam with matching pagme-memorize ng lyrics. I kinda feel sad na iba na ang tunog nila ngayon, hindi na yung dating pop punk or "emo".Enjoyable pa rin naman ngunit sana bumalik sila sa dati nilang musical at lyrical style dahil nakaka-miss.

Ang Panimula ni Lenin

Hi nga pala sa inyong lahat, ito nga pala yung bagong blogsite ko.
medyo hindi pa ako marunong neto pero pipilitin kong pag-aralan.

Ang Blogsite na ito ay nagpopost lamang tuwing alas dose ng gabi.
Ang Blogsite na ito ay ginawa upang maipahayag ang bawat damdaming nararamdaman ng isang estudyanteng katulad ko.

Magsisimula ang Pagpopost ng mga kwento sa ika-Abril 1, 2011.
Maraming Salamat po, Mabuhay po kayo!